Dalawang taong nagmula sa iisang panahon at magkikita sa nakaraan.
Ano ang mangyayari kung sa panahong iyon ay mahulog ang kanilang damdamin sa isa't isa? Makabalik pa kaya sila sa kanilang panahon o mastock na sila sa nakaraan?
Time travel of love...
Naglalakad ako sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin, lugar na kung saan walang building, kotse o linya ng kuryente. Pumasok ako sa isang restaurant na kung saan doon ako dinala ng aking mga paa. Pagpasok ko ay may tumawag sa akin isang may edad na babae na sa palagay ko kilalang kilala niya ako.
" Jessy, iha pakidala nga ito sa kusina para maasikaso pa ang iba nating mga panauhin." Matandang babaeng tumawag sa akin.
Kinuha ko naman ang mga pinagkainan na binigay sa akin at nagtungo na ako sa kusina. Pagdating ko sa kusina inilagay ko lahat ng yun sa lababo, lalakad na sana ako palabas ng kusina ng may Makita akong pintuan banda sa pinakaloob ng kusina. Binuksan ko ito at nakita kong may hagdan. May isang mahabang hallway akong nakita at nilakad ko ito hanggang sa makarating ako sa pinakadulong pinto, bubuksan ko sana ang pinto ng makarinig ako ng boses na tumawag sa akin.
" Jessy."
Nilingon ko ito ngunit wala akong makitang tao. Naulit muli ang tumawag sa akin ng pamilyar na boses.
" Jessy anak, gumising ka na at baka malate ka sa trabaho mo. Anak?" Boses ng tumatawag sa akin.
Nagmulat ako ng mata at inikot ko ang paningin ko sa paligid.
" Panaginip lang pala, haist." Jessy
" Anak, gising na. " mama ko.
" Opo mama, gising na po ako." Jessy
Bumangon ako at nagtungo na sa banyo, pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako para makapasok sa trabaho. Sa harap ng salamin, kasalukuyan akong nagsusuklay ng magbalik sa alaala ko ang mga nakita ko sa panaginip ko.
" Bakit parang totoong nandun ako sa lugar na yun? Pakiramdam ko kabisado ko na ang lugar na yun at kilala ko ang matandang babae na tumawag sa akin." Ako, naputol ang pag-iisip ko ng may kumatok uli sa kwarto ko.
" Anak, di ka pa ba bababa, baka malate ka na. " mama ko
" Nandiyan na po ma." Ako
Lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa dining para mag-almusal. Pagkaupo ko sa lamesa ay kinausap agad ako ni mama.
" Anak, bakit ang tagal mo sa kwarto mo? Masama ba ang pakiramdam mo? " mama ko mama.
Ako nga pala si Jessica Yvette Perez, 27 years old. Isa akong doctor at single pa ako, walang boyfriend at masaya ako sa propesyon ko bilang doctor. Sa ngayon ay nagtatrabaho ako sa ospital kung saan ako nag-intern na ngayon ay unting unti nakikilala dahil sa mga achievement ko. Siya naman ang mama ko si Jessa Mae Perez, nagtataka siguro kayo kung bakit kami lang ng mama. Tama kayo kami na lang ni mama dahil maagang pumanaw ang aking ama dahil sa sakit niya. Anyway, back to reality muna tayo. Natapos na akong mag-almusal at naghahanda na para makapasok sa ospital.
¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.
" Anak, ito oh baunin mo para may lakas ka mamaya. Wag kang papalipas ng gutom ha." Mama ko
" Opo ma, salamat po. Di po ba kayo sasabay sa akin para maihatid ko muna kayo sa trabaho niyo?" ako