Batang babae

4.2K 67 3
                                    

Almost 3am na nung maisipan kong i-shutdown ang computer at pumunta na sa kwarto ko.

Laging ganto ang sitwasyon ko gabi-gabi dahil masyado kong nawiwili magpuyat sa harap ng computer.
Kaya sakin na lagi inaasa na patayin lahat ng ilaw sa bahay bago ko matulog.

Bago pa lang ako magShutdown ng computer, nararamdaman ko na na parang may kakaiba sa paligid ko pero binabalewala ko lang.

Isa-isa ko ng pinatay ang mga ilaw dahil aakyat nako papunta sa kwarto ko.

Bago pa lang ako makarating sa hagdan, nakarinig ako ng isang sitsit.

Kinabahan nako pero pinilit ko na lang na di pansinin.

Nasa kalagitnaan nako ng hagdan bago marating ang ikalawang palapag ng may biglang nagsalita.
Tinawag nya ang pangalan ko.
Hindi pamilyar sakin yung boses.

Napatingin ako sa likod ko kahit sobra nakong kinakabahan para tignan kung sino yun. Pero wala akong nakita.

Nagmadali na ko sa pag-akyat sa sobrang takot.

Bago pa lang ako makarating sa kwarto ko, narinig ko naman syang tumawa ng mahina. Na naging rason kaya lalo na kong napatakbo sa kwarto ko.

Hindi ako makatulog dahil sa nangyare na yun. Pero alam kong isa syang batang babae base sa boses na narinig ko.

True Philippine Ghost StoriesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin