"Vice. Ano na ba ko sayo?" Isang gabing naitanong mo sa akin. Ngunit wala akong itinugon sa halip ay muli kong hinalikan ang mga labi mo. Ang bawat parte ng katawan mo. Naramdaman kong tumulo ang luha mo at bilang tugon ay diniinan ko ang bawat haplos at halik ko sayo.

Tapos, nakita kita isang tanghali na may kasamang ibang lalaki. Nangingiti ka pa. Agad na napuno ng inis ang dibdib ko. Sino yan? Wala yang karapatang makita ang ngiti mo. Akin lang dapat iyan.

Dali-dali sana kong pupunta sayo pero natigilan ako. Bakit nga ba ganito ang nararamdaman ko? Naguguluhan ako. Bigla akong kinabahan ng makitang nawala na kayo.

Kinagabihan, nagpunta ka sa akin. Nagdala ka ng pagkain at nagkwento ng kung ano-ano. Napakaganda mo. Pinatigil kita sa pagkwekwento ng dumako ka na sa namamasyal ka sa mall. Ayokong marinig. Ayoko.

Pinatayo kita at nilapit sa akin. Unti-unting sinasayaw sa saliw ng tugtuging tayo lang ang nakakaalam. Ramdam ko ang bigat at gaan ng hininga mo. At sana nararamdaman mo rin ang bawat tibok ng puso ko.

Simula noon, pinangako kong sa sarili kong babaguhin ang pakikitungo sa iyo. Nagbago nga,

"Karylle, ano yon? Bakit kasama mo yung lalaki na yon?" Singhal ko sayo. Nakita kasi kita na kasama na naman ang lalaki na yun

"Vice, kaibigan ko si Christian. Nagpapaturo lang ako ng bagong kanta" sagot mo sa akin at napayuko. Ramdam kong natakot kita.

At gaya ng dati hinila kita at sa paraang alam ko ay pinaramdam ko ang tunay kong nararamdaman sa yo.

Hindi ka nagkulang na iparamdam sa akin na akin ka. Simula noon ay hindi ko na nakita o narinig na nag-usap pa kayo nung lalaking iyon.

Hanggang sa napagtanto kong tamang sabihin ko na sayo. Na hindi sapat ang bawat galaw para iparamdam sayo ang tunay kong nararamdaman. Na dapat mo nang marinig ang mga katagang mahal kita. Mahal na mahal na pala kita.

Naghanda ako, iniayos ko ang kwarto na naging saksi sa bawat nangyari at pinagsaluhan nating dalawa. Sa bawat salitang binigkas mo at unti-unting nagpabago sa nararamdaman ko. Sa bawat haplos, halik, at pintig. Pinuno ko ito ng bulaklak. Naghanda ng pagkaing alam kong magugustuhan mo. At nagpatugtog ng kantang paborito mo.

Lumipas ang tatlumpung minuto ngunit wala ka pa. Traffic na naman siguro.

Isa

Dalawa

Tatlong oras ngunit wala ka pa din

Binalutan na ng takot ang puso ko. Sht! Di ko kakayaning may masamang mangyari sayo. Dali-dali kong tinawagan ang numero. Isa.. Dalawang beses. Libo libong takot at kaba ang nawala ng sagutin mo

"Ka-Karylle!" Tanging nabigkas ko

" Vice, can we talk?" Sabi mo

"Oo naman. Dapat ngang mag-usap tayo. May- may sasabihin ako sayo" sabi ko, ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko

"Ako rin Vice" sabi mo sa mahinang tinig

" susunduin kita dyan ah" sabi ko

"No Vice, we can talk naman through phone" sagot mo pa

" Karylle, no pupuntahan kita" agad ko syang binabaan at dumeretso sa condo mo.

Kilala naman ako ng guard kaya dumeretso na ko sa unit mo.

Pagkabukas ng pinto ay nakita kita. Agad kitang niyakap at sinabi ang matagal mo ng nararapat na marinig

"Karylle, mahal kita" bulong ko sayo

"Vice, I'm sorry pero tapos na" sabi mo at pinipilit na kumawala as yakap ko

"Karylle, oo tapos na! Tapos na yung walang label na tayo. Mahal na kita" sabay higpit ng yakap sayo

"No Vice. Wala na" sabi mo at lalong nagpumiglas

"K- Karylle, eto na ko oh. Mahal na kita" pagsusumamo ko sa kanya

" Vice, hindi kita mahal" sabi nya

Natawa ako

"Ang galing mo mag-joke, Karylle eh" natatawa kong sagot. Nagjo-joke ka lang pala

" No Vice, I'm not joking. I never love you. How can I love you? Mas babae ka pa sakin? I played with you. You are my game. And, I think I won" nakangiti mo pang sabi

Napailing ako. Hindi totoo yang sinasabi mo. Totoo ang bawat naramdaman ko. Totoo lahat. Alam ko! Ramdam ko eh. Akin ka. Sayo ako. Magkakaroon ng tayo.

Biglang lumabas si Christian at niyakap ka.

"Leave Vice" at sinaraduhan ako ng pinto

.
.
.
.
.
.
"Now what Karylle?" Taas kilay na tanong ni Christian sa dalaga

" I don't know Christie. I'm pregnant, and I don't know kung matatanggap ni Vice to" nakayukong sabi ng dalaga. Agad naman syang dinaluhan ng kaibigan

"Karylle, bakla rin ako. And no gay will does that if wala talaga. Mahal ka nya" yakap pa rin ng binata

"I- ewan ko. Mahal ko naman sya eh. Natatakot ako" umiiyak na sabi ng dalaga

"Let him do his part, K. If he really loves you, he will do something to get you" sabi pa ng binata

"But, he thinks I have you" sumisinghot na sabi ng dalaga

.
.
.
.
.
.

" If this a game, Karylle. I will win it. I will get you. You are mine. You are my prize. Nanalo ka, nagulo mo pagkatao ko at napanalunan ang puso ko. I'll do the same, Love. I won't be the first runner up in this game of love" sabi ni Vice at nagtungo sa bahay nya upang pagpaplanuhan ang pagkuha sa pinakaaasam na premyo nya.

When ;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon