Chapter 2

5.7K 176 8
                                    

Tristan's POV

Andito ako ngayon sa ospital at kasalukuyang isinasagawa kay Kia ang iba't ibang test. Sobrang naaawa ako sa asawa ko sa tuwing aatakihin ito nang sobrang pananakit nang ulo.

Matapos gawin ang mga test ay idiniretso na si Kia sa kanyang kwarto at kasalukuyan na ito ngayong nagpapahinga. Nakaupo lamang ako sa isang silya sa tabi nang kama ni Kia habang ito ay mahimbing na natutulog.
Mataman kong tinititigan ang maamo nitong

"Hon no matter what, i'll be here always beside you. I love you so much" puno nang pagmamahal na sabi ko.

Napalingon ako sa pintuan nang may biglang pumasok.

"Dok"

"Mr. Samaniego can we talk about the results na isinagawa sa inyong asawa." Sabi nito.

Agad naman akong tumango saka kami lumabas nang kwarto ni Kia upang hindi ito maistorbo sa kanyang pamamahinga.

"Tristan tatapatin na kita. Kia has a brain tumor at kelangan niyang maoperahan as soon as possible bago pa ito tuluyang maging brain cancer" diretsong sabi sa akin nang doktor na tumingin kay Kia matapos itong makaramdam nang matinding pananakit nang ulo.

"Magiging maayos naman diba si Kia after nang operation dok? Kung yun po ang makakabuti sa kanya gawin nyo na po." Sabi ko sa doktor.

"Tristan hindi ko maipapangako na magiging maganda ang resulta nang operasyon ni Kia pag ito ay isinagawa na dahil maaring ma-comatose siya o di kaya ay magkaroon nang amnesia ang asawa mo kahit maging successful pa ang operasyon pero mas maigi na iyon kesa naman nawala siya nang tuluyan" paliwanag sa akin nang doktor.

Marahan na lamang akong tumango bilang pag sang ayon rito.

Matapos naming mag usap ay umalis na rin ang doktor habang ako ay naiwang malalim ang iniisip.

"Fuck!!! Bakit pa kelangang mangyari to kung kelan ayos na ang lahat!" Inis na sabi ko saka napasabunot na lamang sa aking buhok.

Nang kumalma na ako ay bumalik na ako sa kwarto ni Kia. Nadatnan ko itong mahimbing na natutulog, pinagmamasdan ko ito saka dahan dahan akong lumapit rito para tumabi, hinawi ko ang ilang hibla nang buhok na tumatakip sa kanyang magandang mukha saka ginawaran ko itong nang masusuyong haplos. Dahan dahan naman itong nagmulat nang kanyang mga mata.

"Hey?" Pagbati nya sakin saka ngumiti nang tipid.

"Nagising ba kita?" Mahina kong tanong rito habang patuloy parin ako sa paghaplos sa kanyang buhok.

"Hindi naman! Tah? Anong sabi nang doktor?" Sabi nito.

"H-Huh?! A-Ahh e-ehh?" Nauutal kong sabi dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito sakanya.

"Hon? May problema ba?" Nag aalala nitong tanong habang ako naman ay hindi makatingin sakanya nang diretso.

"Hon? Is there something wrong? Pwede bang sabihin mo naman sa akin." Sabi nito at ramdam ang matinding pag aalala sa boses nito.

Nagpakawala ako nang isang malalim na buntong hininga saka ko npgdesisyonang sabihin rito ang sinabi sa akin nang doktor. Nang malaman ito ni Kia ay agad itong naiyak habang ako ay napayakap na lamang rito nang mahigpit, ramdam ko ang sakit at paghihinagpis nito sa bawat hikbi at iyak na pinapakawalan nito.

"Tristan! Please help me... Ayokong iwan kayo nang mga bata." Mangiyak ngiyak nitong sabi.

Marahan lamang akong tumango rito saka niyakap ito nang mahigpit at pilit itong pinapatahan.

"Aaaaaaaaaaaarrrrrrrrrrrrggggghhh!!! Ang saaaaaakkkiiiit!!!!" Sigaw nito habang nakahawak sa kanyang ulo.

Mabilis na dumating ang mga doktor saka mabilis na inasikaso si Kia.

IGPBAS book2: A Father's Temptations Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon