Stalker much! [One-shot]

Start from the beginning
                                    

“Hi friend!!! I miss you na!!!” I heard her say at the background…

“Another reason why you should get your ass in here! Nandito na rin si Ingrid!” He said while laughing.

Si Ingrid… isa pa sa mga close friends ko. Apat kaming magkakaibigan, we’ve been friends since day 1 of our 6th grade. Si Dennis, Tara and Ingrid, matagal ng magkakaklase sa afternoon class. I was the one who was new in the group since I transferred from the morning class. We call ourselves, Dennis and the Three Musketeers…  Pero minsan kapag nag-e-ego trip si Dennis, ang tawag nya sa min… Dennis’s Angels. ANG KAPAL NG MUKHA! Actually hindi ko mga alam kung bakit nakikibarkada sa min yon. Hindi naman bading! May asawa't anak na nga... Ewan ko ba… Baka talagang nag-eenjoy lang sya sa company namin.

“ kasi kapag sinabing 7:00… ibig sabihin non… nahandito na ng 7:00.. hindi 7:00 pa lang aalis ng bahay!” sabi ni Dennis.

Pahiya ako don a... may punto sya.

“Oo na! Oo na! late na.. pero may mas late naman sa kin diba! O sigurado ka bang talagang pupunta si ‘you know who’? Parang hindi ako makapaniwala“

“Oo naman! Actually, kakatawag lang nya bago kita tinawagan, and both of you are trapped in the parking lot… ”

Nanlaki mga mata ko…

“Talaga?” 

Woa! So he’s already here!  After so many attempts on stalking him…. I’m finally going to see him again!

May nakita akong nag-green na sensor …

“Gotta go… I see a green light!” Hindi ko na inintay pa ang sagot nya at pinindot ko na yung end button at dali-dali kong pina-harurot ang kotse ko papunta sa nag-vacate na slot… wala akong paki-alam kung bawal mag-over speeding dito..So what if I’m in the parking lot!!!  Ang tagal ko ng nagiintay dito at nilulumot na ako!!! I’m already an hour and a half  late!

Nakita kong may mabilis na paparating na Ferrari at mukhang pareho kami ng tinutumbok…. yung vacant slot !!!!

Mabuti na lang at mas malapit ako sa lugar ng vacant slot at mas madali ko syang mapupuntahan, kahit pa mabilis ang kotse nya.

“Oh no you won’t!” Mas lalo kong binilisan ang patakbo ng kotse ko…

So what kung Ferrari sya at Hyundai lang ako! Hindi ko sya uurungan! Dapat nga mas matakot sya dahil pag nagkataon, mas malaki ang magging sakit ng ulo nya kesa sa kin.

Mukhang hindi rin papatalo si Ferrari a.. hindi humihinto…. Hindi ba nya na-realize na mas malapit ako kesa sa kanya? stupid Idiot! 

“ Sorry ka na lang at mas malapit ako sa yo… “

Walang hinto hinto.. I drifted my car and went straight into the vacant slot.

YES! Nauna ako!!!

Tumingin ako sa likod at nandon si Ferrari, nakakahinto lang…

Hehehehe.. kala mo a.. hehehehehe!

I fixed myself and retouched my make up before going out of the car…

Paglabas ko.. nandon pa rin si Ferrari… baka nag-aabang …

I shrugged..

Bumaba yung bintana ng Ferrari…. At muntik ng lumuwa ang mata ko!

OH MY GULAY ANG GWAPO!!!!!!

Poise Kaye.. Poise!!! wag kang pahalatang affected ka!!! Diretso lang ang lakad….

I looked at him. He’s smirking at me…

Chura mo lang! Madiskarte ata ito at hindi basta basta papatalo. I deserve this space... Pero ang gwapo talaga! Hindi maiwasang kumabog kabog ang dibdib ko!

Stalker much! [One-shot]Where stories live. Discover now