Walang patutunguhan
Walang masasandalan
Problema'y sadyang kasukdulan
Wala nang paglagyan
Mga kaibigan ay naglaho
Mundo'y parang guguho
Napasabak sa iba't-ibang luho
Di na alam kung saan ang tungo
Napalayo sa Diyos
Nagpabaya ng lubos
Hindi na makaraos
Di makaya lahat ng unos
Biglang napaisip
Parang tila ito'y panaginip
Ano ba ang kalakip?
Nang kasalanang may takip
Isang Kristiyano ang lumapit
Sa nangyaring sinapit
Tinulungan ng walang kapalit
Sa Diyos nagbalik loob ulit
Matang luhaan
Sa kasiyahang naradaman
Kay sarap sa pakiramdam
Na siya ulit ay pagsilbihan
Doon nalaman
Na hindi pinabayaan
Buhay na makahulugan
Diyos ang dahilan
Naging aktibo
Napapasama na sa grupo
Naging masunuring Kristiyano
At naging kumpleto
Siya'y nagpapasalamat
Sa Diyos niyang sapat
At sa Kristiyanong tapat
Dahil siya ay naging karapat dapat..
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
YOU ARE READING
Hugot ng Isang Kristiyano
PoetryNaghahanap ka ba ng makakasama?. wala bang nagmamahal sayo? tara na at basahin ito at makita mo ang totoong may malasakit sayo. Ang nagkakaisang hindi ka iiwan kahit gumuho pa ang mundo mo... Kapatid sana magustuhan mo. Ang librong ginawa ko dito. A...
