Sinampal niya ang sarili para masigurong hindi siya nanaginip. Nang hindi magbago ang nakikita ay sinampal pa ulit niya ang kanyang sarili. Kahit anong gawin niya ay talagang hindi nagbabago ang resultang nakikita niya sa pregnancy test kit na hawak niya. Talagang dalawang guhit ang nakikita niya doon. Kinusot niya ang kanyang mga mata dahil baka naman naduduling na siya sa gutom.
Walang epekto, ganon pa din ang nakikita niya.
"OH-MY-GOSH!" Muli niyang tiningnan ang parang kumikinang na dalawang guhit na iyon.
"Shit! Oh my gosh talagaaaaa!" Sigaw na niya.
Natatarantang hinalikwat niya ang kanyang bag sa paghahanap ng kanyang phone at agad na ini-dial ang numero ng kanyang matalik na kaibigan.
"Yes, bakla?"
"Bakla!! Po*a, buntis ako!" Wala siyang narinig na sagot mula sa kanilang linya pagkatapos ay naputol iyon. Napatanga na lang siya sa hawak na phone at muling ini-dial ang numero nito.
"Hoy sira-ulo ka! Bakit mo pinatay?!" Angil niya dito ng muli nitong sagutin ang tawag.
"Ikaw ang sira-ulo. Wala ka ba talagang magawa at pinagti-trip-an mo ko?"
"Bakla, no! First time in my life, hindi joke to!"
"Pano ka mabubuntis e wala ka namang boyfriend? Ano ka, susunod na birheng mar-... Oh-My-Gosh! Don't' tell me yung lalaking nakilala mo sa Sagada?!"
"Malamang, wala naman ng ibang nagkamali sakin maliban sa kanya! Sira ulo ka ba, ano namang tingin mo sakin. Isang beses lang naman yong nangyari bakit may nabuo agad?!"
Nang nakaraang buwan ay nanggaling siya Sagada para mag-unwind dahil sa stress sa puso. Masalimuot ang kwentong puso niya. Nagka-gusto kasi siya sa katrabaho niyang may asawa na. Well.. hindi pa naman legally asawa dahil hindi pa kasal ang mga ito pero meron na silang isang anak, kasal na lang talaga ang kulang. Hindi kasi niya naiwasan dahil ito ang pinaka-malapit sa kanya sa trabaho dahil hindi nalalayo ang mga edad nila at magka-wavelength sila ng mga saltik sa utak.
Sinusubukan naman niyang iwasan ito pero hindi naman niya maitaboy kapag lumalapit sa kanya dahil wala siyang maisip na dahilan kapag nagtanong ito kung bakit siya lumalayo. Masyado din kasi itong mabait sa kanya at minsan ay sweet. Hindi niya alam kung ganon ito sa lahat ng kakilala nitong babae pero hindi niya maiwasan ang maging espesyal ang pakiramdam kapag kasama niya ito.
Magda-dalawampu't walong taong gulang na siya pero sa ngayon ay wala siyang nobyo. Actually college pa siya ng huli siyang magka-boyfriend. Napatutok na kasi siya sa pag-aaral at pagkatapos naman non ay sa career. Ang sabi ng mga tao sa paligid niya masyado daw mataas ang kanyang standard pero mali ang mga ito. Hinahanap lang naman niya yong tao na makita pa lang niya ay mararamdaman niyang ito na nga ang lalaking para sa kanya. Hopeless romantic? Siguro pero walang magagawa, hindi naman niya kayang diktahan ang damdamin na magkagusto sa mga lalaking nagpapakita ng interes sa kanya.
Alam din ng pamilya niya na hindi niya priority ang pag-aasawa pero gusto niyang magka-anak. Ginagawa nga niyang biro minsan na mag-aampon na lang siya or magpapa-sperm donation. Pero syempre biro lang yon. Kapag talagang no choice na e baka sakaling ituloy niya.
So ayun nga, nagpunta siya sa Sagada dahil baka sakaling matauhan siya at maituloy na ang balak na mag-move-on sa kayang sinisinta dahil kahit bali-baliktarin ang mundo ay imposibleng maging sila. Wala siyang pakialam sa asawa nito pero naiisip niya ang bata. Hindi niya kayang ipagkait dito ang isang buong pamilya. At hindi din kaya ng pride niya na maging kahati lang.
YOU ARE READING
Accidental Love
RomancePakiramdam ni Aia ay siya na ang pinaka-makasalanang tao sa buong world ngayon. Na-inlove na nga siya sa isang taong committed na, nabuntis pa siya ng taong hindi pa niya lubos na kakilala. Sa katulad niyang pinalaki ng kanyang magulang in a conserv...
