Kilala si Prettina sa bansag na Hugot Queen sa Social media, halos lahat na lang ng bagay ay kaya niyang bigyan ng hugot, mapatungkol sa pag-ibig man o ilang pangyayari sa buhay. Kaya naman nagulat pa siya ng imbitahan siya minsan sa isang sikat na talk show na pang umaga upang ibahagi niya ang kanyang sikreto sa kanyang pag-hugot. In short naging instant celebrity siya kahit pa ayaw niya..
Manuel is a very famous actor in the country... Hindi lang gwapo ang binata kundi mahusay din ito sa pag-acting. Kilala siya sa pagiging Lovable Kontrabida ng henerasyon. Dahil puro kontrabida roles ang napupunta sa kanya pero daig pa niya ang isang bida sa dami ng kanyang taga-hanga. Pero kung ano ang ikinasuplado niya sa pelikula, ganoon din siya sa personal. Wala siyang gaanong kaibigan dahil sa pagiging masungit niya. Hindi siya basta basta nagtitiwala sa mga taong nasa paligid niya. Dahil minsan na siyang nagtiwala sa isang tao na halos sumira sa kanyang buhay.
Magkaiba ng personalidad na biglang pinagtagpo ng tadhana. Kayanin kayang tunawin ni Hugot Queen ang malayelong puso ni Mr. Suplado o mas pipiliin nilang iwasan ang isa't isa para hindi sila gaanong ma-stress?
YOU ARE READING
Love Moves in Prettina's Way
RomancePrettina and Manuel, magkaiba ng personalidad. Papaano kung biglang pagtagpuin ng tadhana ang kanilang landas? Kaya ba nilang pakibagayan ang isa't isa o mananatili silang nagbabangayan sa lahat ng bagay?
