Hindi mo maiipinta sakit ng nararamdaman
Nang hindi ka nagpaalam sa iyong paglisan
Di mo alam ako'y labis na nasaktan
Puso ko'y iniwan mong sugatan
Kalungkutan di makikita sa mukha
Ngunit ito'y maaaninag sa aking mata
Kaya ko mang pigilin ang aking pagluha
Ngunit di ko kayang limutin ka
Kahit ako'y nahihirapan sayong pagkawala
Pinipilit maging malakas sa mata ng iba
Sa loob ko ako'y hinang hina na
Lahat ng ito'y hindi ko alintana
Sana sa muli nating pagkikitang dalawa
Ikaw at ako ay masaya na
Walang poot na nadarama sa bawat isa
Ngiti sa bawat labi na lang ang makikita
