"Oh my gosh, Sandy! Napakasuwerte mo talaga diyan sa asawa mo," madramang wika ni Ava.

"Kaya pala inggit na inggit ka diyan," tudyo ni Lilian.

"Ava, kumusta na iyong mangliligaw mo na si Frank?" tanong ni Dona Victoria.

"Tita, walang pag-asa sa akin iyon. Naghahanap ako ng katulad ng anak ninyo," natatawa nitong sagot.

"Mag-aantay ka hanggang pumuti na ang buhok mo dahil nag-iisa lang ang katulad ni Alex sa mundong ibabaw," ismid ni Lillian sa kaibigan.

"Come on, Lillian! Aminin mo kaya ka wala pa ring nagiging boyfriend dahil ang pamantayan mo ay katulad din ni Alex, di ba?" pang-aasar nito.

"Mabuti na lang pala at nagmana si Alex sa akin," biro ni Don Miguel.

"True ka diyan, Tito Miguel!" sang-ayon ni Ava.

"Sandy, don't worry hindi namin aagawin ang gwapo mong asawa. Maghahanap na lang kami ni Lillian ng second best," sabi ni Ava pagkatapos ay sinabayan ng hagikgik.

"Huwag mong papansanin ang loka-loka nating kaibigan, Sandy. Kalalabas lang yata niyan sa mental," sabi ni Lillian.

"Ayos lang iyon," sabi niya.

"Daddy, asan na mommy ko?" umiiyak na tanong ni Xander sa ama na kapapasok lang ng kuwarto.

"Baby, kumakain pa ang mommy sa baba. Mamaya aakyat na rin iyon. O bakit umiiyak ang bunso ko?" Naupo si Alex sa kama at saka kinalong ang anak.

"Daddy, are you going to read us a bedtime story?" tanong ni Marion na nakahiga na sa kabilang kama.

"Of course, Sweetheart. What story do you want tonight?" Tumayo si Alex buhat-buhat ang anak na lalake para pumunta sa kama ni Marion. Ibinaba nito ang bata sa kama katabi ng panganay na anak at saka ito naupong muli para tabihan ang mga paslit.

"Daddy, I want Red Riding Hood please," ungot ni Marion sa ama.

"Okay, let's start." Pumuesto ng maayos sa kama si Alex para umpisahan ang bedtime story. Nakasandal ang dalawang anak sa matipuno nitong dibdib.

Sa baritono nitong boses, nagsimula nitong basahin ang kuwento ni Red Riding Hood.

"Once upon a time there was a dear little girl who was loved by everytone who looked at her, but most of all by her grandmother, and there was nothing that she would not have given to the child.....


Nasa kalahati pala lang ng kuwento si Alex nang mapansin niyang mahimbing ng natutulog ang mga anak. Maingat na binuhat nito si Xander para ibalik sa sarili nitong kama.

"Sir, kuwento lang pala ninyo ang katapat para makatulog agad ang mga bagets," nakangiting sabi ni Yaya Nita sa amo.

Tumango lang si Alex habang tinitingnan ang mga natutulog na mga bata. "Yaya, ikaw na ang bahala sa mga alaga mo. Bababa lang muna ako."

"Opo Sir."

"O ayan ka na pala, hijo. Kumusta ang mga apo ko?" tanong agad ni Dona Victoria nang mamataan si Alex na pabalik sa kanila galing sa itaas. Nasa family room na ang grupo ng oras na iyon.

"Tulog na po, Ma.  Anong na-missed ko dito kanina?" nakangiti nitong tanong sa kanila habang umuupo sa tabi niya sa sofa.

"Buo pa ba ang dila mo, hijo? Kanina ka pa pinag-uusapan dito," tudyo ni Don Miguel.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 22, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Maghihintay Sayo (The Love Story of Alex and Sandy)Where stories live. Discover now