"Ma'am nakikita ko na po yung ulo ng bata. Bibilang po ako ng tatlo kapag sinabi ko pong push ipupush nyo po ha? Mister pa tulungan naman po ang Misis niyo. Hinga po muna tayo. Inhale. Exhale. Inhale. One. Two three. Push!"
"Arrgh!!!"
Isang matinding pag-iri. Akala ko papahirapan pa ako ng anak ko pero pagkatapos ng isa hanggang limang pag-iri ay lumabas na ang bunso ko. Oo bunso, sabi kasi nila ang unang lumabas sa kambal ang bunso dahil ang panganay ay nagpapaubaya.
"Ma, andito na yung bunso natin. Ma kapit lang isa nalang."
"Ma'am isa nalang po. Kailangan na po natin bilisan baka po matuyuan ang bata sa loob. Inhale. Exhale. Inhale. Push!"
"Arggh."
"Ma'am isa pa po kailangan na natin mailabas ang bata.."
"Dok hindi ko na po kaya.."
"Misis kayanin mo. Hindi natin parehong gugustuhin na mawala ang isa sa kambal."
Tango na lang ang naisagot ko sa doktorang nagpapaanak sakin. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa nga ba ang mga pag-iri. Nanglalambot na ako.
"Arghh!"
Inilabas ko na ang lahat ng lakas ko. Mabuti na lang at narinig ko na ang balitang kanina ko pa gustong marinig.
"Nailabas na po pareho ang kambal per-"
Ngunit sa sobrang kapaguran ay hindi ko na natapos ang sinasabi ng doktor.
* * * * *
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Addilyn ang lahat. Pagkatapos niyang manganak sa kambal ay nawalan na siya ng malay kaya agad siyang ineksamin ng doktor. Sabi naman sa akin ay normal naman daw ang lagay ng asawa ko napagod lang daw ito kaya kailangan ng magpahinga. Ngayon, nasa private room na kami inaantay ko na lang magising ang asawa ko. Kanina ay naandito na sina mama pero umuwi na rin. Gusto na nilang makita ang mga bago nilang apo. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sila nakikita. Normal ang mga bata pero may tendency na maging mahina ang katawan ng isa kaya inobserbahan pa ito.
Kaya hanggang ngayon hindi ko pa alam kung paano ko ito sasabihin sa kanya..
"Kurt?"
Biglang tawag sakin. Kung boses babae ito tiyak na lalo akong kakabahan pero hindi.
"Ikaw pala Rick."
His a neurologist and my most trusted friend, Frederick Manuel Estrella.
"Kamusta na si Addelyn? Pinapatanong nga pala nung nurse kung may naisip na ba kayong pangalan sa kambal. Pati alam mo na excited na ako sa inaanak ko. Volunteer yan ha bawal tumanggi."
Kahit na dumaan na ang maraming taon hindi parin siya nagbabago. Kaya hindi ko maiwasan na matawa.
"Oo naman alam ko naman kasi na bibigyan mo kami ng discount dito sa ospital. Haha."
"Gago ka talaga pre. Sige na nga pero... Kiss mo muna ako." Sabi niya pa sabay nguso sakin..
"Mas gago ka oy may asawa na ako hindi ka pa rin nakakamove on! Haha"
"Ma-y br-omance pa-rin pala kayo hang-gang ngayon.."
Pareho kaming natigilan ni Rick sa narinig.
Gising na si Addelyn.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Paano ko ba ito uumpisahan? sasabihin ko na ba? Alam kong sa ginagawa kong ito ay mababasa parin niya ako.
YOU ARE READING
Twin: Callista and Camarri
ParanormalCallista and Camarri are twin sisters. They are much alike from head to toe. Their almond shaped eyes, pouty lips, fair skin and black hair. From grade school to college they can easily fool everyone. Callista can be Camarri and Camarri can be Calli...
