"Magandang tanghali sa mga... Magandang tanghali sa mga madlang pipol"- bati ni Baron sa mga tao.

Nang si Vice na ang kanyang lapitan ay ramdam nyang medyo kinakabahan ito. Ito nga rin ang huling bumati sa kanya.

Biniro nya ito upang mabawasan ang kaba sa kanya ng komedyante. He can't blame him tho~ Sya, kilalang mainitin ang ulo at ang komedyante bilang nagbibigay ng kung ano-anong biro na minsan ay kinaiinisan ng ibang tao. Well, maybe pareho lang sila in a way. People misunderstood them for the things that they have done. And for the actions that at some point got them wrong.

"Thank you for having me"- sabi ni Baron sa mga host at sa show.

At bilang parte ng segment ay kinausap sya sandali ng mga host

"Anong pangarap mo nung bata ka?"- tanong sa kanya ni Billy

"Maging billy Crawford po" - biro nya sa mga host. Maybe, he should help them to ease the unwanted feeling. Dama naman nyang naiilang talaga sa kanya ang mga host.

" Singer?"- pagsakay naman ni Anne sa kanya.

Nag-umpisa na ang trabahula.

Nagagawang biruin na rin sya ng mga host at sinasakyan nya na rin ito. In some point, pinanalangin nya na sana kasama sa nagho-host sa segment ang babaeng kausap nya kanina. Dahil ramdam nyang ito lang ang taong komportable sa kanya.

Tila nabunutan naman ng tinik ang mga host at ang manghuhula ng nasa huling K na sila.

Hagalpak naman ng tawa ng lahat ng ang huling trabahador na ang nagsabi.

Agad naman itong niyakap ni Baron.

Na sa tingin naman ng iba ay ang pwesto sa wrestling o UFC o sa bigwasan na.

"Uy, mother yan" sabi ni Vice na hanggang ngayon kinakabahan pa rin. Hindi na nya naisip na baka niyayakap at binibiro lang naman nito ang trabahador.

Lihim naman ang tuwa nilang naramdaman ng matapos na ang segment at ipapasa na sa ibang host na nasa madlang pipol.

"Naging baby sitter ka rin?" Tanong ni Karylle kay Ryan na kasama nyang nakikipag-usap sa madlang pipol.

"Ayan Baron Geisler nagkita na rin tayo sa mata" tila batang natutuwang sabi ni Karylle at tinuturo turo pa ang binatang nasa stage

"Hahahaha..... Kanina pang gustong sabihin ni K yan" intrusion naman ni Mariel

"Hi kuya Baron" sabi naman ni Ryan

"Baron Geisler... Oo prinactice ko yon! Magkita tayo sa mata baron geisler." Nag gegesture pa si Karylle na tinuturo ang dalawang mata.

"Mata sa mata! I love it" ngiti pa ng dalaga.

Dahil rito ay nakaramdam ng peacefulness ang binata. Agad syang nagpaalam sa staffs kung pwede nyang akyatin ang dalaga.

Napakunot lamang ang noo ni Vice nang makitang umakyat ang binata papunta sa dalagang minamahal nya.

Lalong nainis pa to nang makitang bumeso ang binata sa dalaga. Tila nawala na rin ang kaba nya. Kung pwede nga lang ay sugurin nya na ang dalawa para mailayo si Karylle sa binata.

Paglapit ni Baron kina Karylle, isa - isa nyang binati ang tatlo. Agad din syang tumabi sa dalaga

"Goodluck sa future projects mo ah" bati pa sa kanya ng dalaga.

" Sana kasama ka sa mga host kanina" bulong nya sa dalaga

" Ay hindi kasi ako kasali doon eh" balik ng dalaga at ngumiti

Pinicturan naman sila ng iba.

" Hey Baron! Let's eat turon" yaya sa kanya ng dalaga.

Hindi na rin nya matanggihan ito. Matagal na nyang napapanood ang dalaga at naririnig na mabait ito. Pero iba pa rin pala na personal nyang maranasan. Napaka palad ng lalaking magmamahal at mamahalin ng dalaga.

Kumakain sila nang pumasok si Vice.

"Hi Kurba!" Agad na bati nito sa babae at sumingit sa gitna nila.

"Hi Baron! Ang sarap noh?!" Sabay kagat sa turon na kinakain ng dalaga.

Pinunasan naman ng dalaga ang gilid bibig ni Vice at binigyan ng tubig.

"Ang sharap di ba Pare?!" Sabi ni Karylle ngunit halata ang pag-aasikaso at pagmamahal sa binata.

"oo kurba" at inilagay pa ni Vice ang braso sa bewang ng dalaga.

Nag-excuse naman ang dalaga upang mag cr sandali.

Tuluyan namang nawala ang kaba ni Vice at napalitan ng pagnanais na ipaalam sa binata na pagmamay-ari nya si Karylle.

Sandaling katahimikan.

" Vice, ang ganda ni Karylle noh? Ang bait pa" pang-aasar ni Baron kay Vice pero totoo na maganda at mabait ang dalaga sa isip isip nya

"Aba! Oo naman anghel kaya yang si Kurba KO" may diin na sabi ng binata

"May boyfriend na ba sya?" Tanong nya, tila alam naman nya ang sagot pero baka kasi pwede pa

" Bakit gusto mo sya?" Nakataas kilay na sagot ni Vice

"Oo naman. Hunghang lang ang hindi magkakagusto kay Karylle" sabi ni Baron

"ABA'T BRAD! TIGILAN MO YAN, KAHIT SI BARON KA PA BIBIGWASAN KITA. DI LANG ISA" tila susugod na si Vice

Tinawanan na lang ito ni Baron. Tama nga ang hinala nya. Ang swerte ni Vice.

" Hay nako Vice. Maaring sira-ulo ako pero hindi ako magnanakaw" tapik nya kay Vice

Tila gumaan naman ang awra sa dalawa. Nagkakwentuhan na parang matagal na magkaibigan hanggang sa tumunog na ang phone ni Baron.

" Alis na ko Vice! Salamat. Siguro may pagkakataong hindi ka nauunawaan ng ibang tao pero hindi ibig sabihin nun masama ka ng tao" sabi ni Baron at tumayo na sa sofa

"At sayo pa galing yun ah. *laughs* Hindi, ang ibig kong sabihin anomang mangyari don't let other people judgment define who you are. #Proudtobeme" sabi naman ni vice

"Oo nga pala! Pakisabi kay K, umalis na ko. Maswerte ka sa kanya" pahabol pa ni Baron

" Okay! But I am not lucky, she is not any lucky charm instead she is a blessing that God brought to my life" sabi naman ni Vice. Tinanguan lang sya ni Baron

"Oh Pare! Where's Baron?" Sabi ni Karylle na kadarating lang

" Haay nako kurba! Tigil-tigilan mo nga ako sa ka-pa-pare mo. Tikbalang ako hindi kapre" sabi ni Vice

" Oh my horsey Vicey" sabay yakap ng dalaga

"Haay nako Karylle! Mahal kita pero bibigwasan kita" at hinigpitan pa ang yakap..

When ;Where stories live. Discover now