VAMPIRE 10-11

Magsimula sa umpisa
                                    

"Anu bang nangyari sayo?"




Napabuntong hininga nalang ako. Kung ano man ang nangyari sakanya, Nasisigurado kong matindi ang paghihirap na napagdaanan nya.




Buong araw nang tulog si dark. Parang binabawi nito sa pagtulog lahat ng enerhiyang nawala sakanya.




Mabuti nalang rin at di nagpupumilit sila mama at kuya na pumasok sa kwarto ko dahil tiyak na makikita ng mga 'yun si dark.



"Kuya, hindi po muna ako papasok ngayun," Sabi ko kay kuya nang puntahan ko ito sa lab kung saan sya parating namamalagi kasama si mama.



Nagtataka ako nitong tiningnan "Bakit? May problema ba?" Tanong nito.



Nag iwas ako nang tingin. Ayokong salubungin ang mga mata nya kapag nagsisinungaling ako, lalo lang akong naguiguilty. "Masama lang ang pakiramdam ko kuya,"



"Gusto mo bang samahan kita kay uncle marlon ngayun?" Tanong nito.



Umiling ako "Hindi na kuya magpapahinga nalang ako,"




Tumango lang ito. Sakto namang pumasok din si mama ng lab at nakita kaming dalawa ni kuya.




"May problema ba mga anak?" Tanong nito.




"Wala po ma," Agad ko namang sagot.




Para naman itong nakahinga ng maluwag "Mabuti naman kung ganon." Ngumiti ito sakin "Kumain kana sweetie para makasabay ka sa kuya mo sa pagpasok,"



Napatingin muna ako kay kuya. May kung ano na itong hinahalong formula "Hindi po muna ako papasok ngayun ma," Tulad ni kuya ay nagtaka din ito
"Masama po kasi ang pakiramdam ko," Dugtong ko.




"Ganun ba," Rumehistro ang pag aalala sa mukha nito. Lalo tuloy akong nagguilty. "Gusto mo bang ipagluto kita ng soup?" Alalang tanong nito.


Nakagat ko na lamang ang labi ko "Hindi na po ma, Magpapahinga nalang po ako sa kwarto." Sabi ko.




"Are you sure?" Pagsisiguro nito.



Napatango ako "Opo ma."




"Go to your room now, kirsten." Sabat ni kuya ng hindi man lang tumitingin sakin.



Napayuko na lamang ako saka na tumalikod sakanila. Ayoko namang magsinungaling eh, kaya lang hindi ko pwedeng iwan si dark. Walang mag aalaga sakanya at baka mapano pa sya.





"Dark," Umupo ako sa gilid ng kama saka ko sya pinagmasdan ng maigi. Nag aalala na talaga ako sa kalagayan nya. Sana maging maayos na sya.




Inabot ko ang pisngi nya saka ko ito marahang hinaplos. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sakanya pero sigurado akong 'yun ang dahilan kung bakit matagal syang nawala.





"Dark bakit pakiramdam ko ang tagal tagal ka nang kilala ng puso ko?" O.A mang pakinggan pero 'yun ang totoo. Una ko palang syang makita kumabog na nang malakas ang puso ko. Parang may isang emosyong matagal nang nakatago at muling nabuksan nang dahil sakanya.Pakiramdam ko ay may bahagi sa pagkatao ko ang binuo nya






"Naguguluhan na ako dark." Napabuntong hininga ako.




Kahit naman magsalita ako nang magsalita dito ay di rin naman nya maririnig.




Humiga ako sa tabi nya. Gusto kong maramdamang mapalapit sakanya kahit ngayun lang. Pakiramdam ko ang tagal tagal ko nang nangungulila sa pakiramdam na 'to. Ang pakiramdam na mapalapit sakanya.




Matagal na nga siguro kitang kilala dark. Baka isa ka rin sa mga alaalang nawala sa isip ko. Dapat ko pa bang alamin 'yun dark? Dapat ko pa bang alamin kung talagang naging parte ka ng buhay ko? Importante pa ba 'yun dark?




Inangat ko ang tingin ko sakanya saka ko sya pinagmasdan. Kung naging parte nga sya ng buhay ko noon, bakit wala syang sinasabi? Nararamdaman nya rin kaya ang nararamdaman ko?




Mapait akong napangiti. Mahal kita dark at pakiramdam ko ang tagal tagal na kitang minamahal. Sobrang bilis ng pangyayari. Parang kahapon lang nakilala kita tapos ngayun mahal na kita. Ang bilis kong nahulog sayo dark at nakakapagtaka 'yun.




Sana bukas paggising ko Maayos kana. Sana bukas nandito ka pa rin sa tabi ko. Sana hindi ito panaginip. At sana totoong nayayakap kita ngayun.



Kahit nag aalinlangan pa ay sinunod ko pa rin ang gusto ng puso ko. Lumapit pa ako sakanya saka ko sya hinalikan sa noo, baka ito na ang huling pagkakataong mapalapit ako sakanya ng









"Goodnight cane......"

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon