DEATH WISH
Chapter One [Lockheart]
Prologue
Nakita ko nuon ang kagandahan ng mundo. Kung paano ako naging masaya kasama nng mga taong labis kong minahal . Mga taong alam kong hind kailanman ako iiwan . Hanggang sa unti-unti akong naliwanagan ng panahon .
Pinapasalamat ko nuon ang araw , kung paano niya nabigyan ng liwanag ang buhay ko . Kung paano ko nasisilayan ang mga mukha ng mga taong nandiyan para sakin . Hanggang sa nararamdaman ko na ang hapdi ng init nito . Unti unti ako napapaso at kusa niyang pinaramdam ang kahihitnatnan ng buhay ko .
Dumating ang gabi kung kailan niya hinihilom ang napaso kong buhay . Kaunting liwanag ng buwan ay sapat na para masaksihan ang pagtalikod nila sakin . Ngayon ay mag-isa na ko sa ilalim ng buwan .
Ito ba ay pagsubok o parusa ?
ODETTE SOULE
Narinig ko ang mahihinang hikbi ng isang bata napabalikwas ako sa king higaan at lumabas ng aking kuwarto . Nanginginig ang pareho kong tuhod habang naglalakad papuntang bulwagan . Ang liwanag lang ng buwan na nanggagaling sa bintana ang tanging gumagabay sakin sa aking paglalakad . Unti unting lumalakas ang hikbi ng bata . Narating ko ang bulwagan . Katulad kanina , walang ilaw kundi ang sikat lang ng bilog na buwan na tumatama sa isang batang babae na nakatalikod sa direksyon ko habang yakap ang mga tuhod nito .
"B-bata ? Ayos ka lang ba?" Kahit ako'y takot na takot ay naglakas loob pa rin ang paa kong humakbang papunta sa bata .
"Mama .. bakit niyo ko pinabayaan ? Hindi mo ba ko mahal ?" Tugon ng bata habang umiiyak pa rin .
"B-bata ?" Hinawakan ko ang balikat niya .
Unti unti siyang tumayo at humarap sakin
Puno ng dugo ang damit nito pati ang kanyang mukha . Dahil sa pulang likwido na niluluha ng mata nito .
"Mama .. hindi mo ba ako mahal ? Hindi mo ba kami mahal"
"Mama"
"Mama"
"Mama"
"Mama"
Nagsilabasan ang mga magkaparehong mukha ng mga batang babae , pareho silang duguan lahat . Ano ?! Pinapalibutan nila ako ..
Isa-isa silang yumakap saking bewang , sa hita ..
Dalawang kamay ang humawak sa magkabilang pisngi ko mula sa likod . May kung anong bumulong sa tenga na siyang nakapagpasigaw sakin.
"Mama , sumama ka na samin .. Habang buhay na tayong magkakasama at wala ng makaka...
Pag...
Hiwalay...
Sa atin.."
At kung may anong bumaon sa leeg ko ..
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!"
---------
FLAIRE LOCKHEART
Naidilat ko ang mata ko at napabangon .
Hingal na hingal ako na parang nakalimutan kong huminga habang natutulog . Nakahawak ang isa kong kamay sa aking dibdib . Bangungot ba yun ? Bakit hindi ko maalala yung pinaginipan ko ?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Napagpalinga-linga ako
"T-teka , Nasan ba ko?"
.
.
.
.
.
.
Tiningnan ko ang kwarto . Asan ba ko? Na kidnap ba ko ? Teka , baka bahay ko tuh .
.
.
.
.
.
EH BAKIT HINDI KO MAALALA?!!!
BINABASA MO ANG
DEATH WISH
VampireMalalim ang reason kung bakit sinulat ko ang DEATH WISH . Eh ? Mix Emotions ? .. Ito yung kwento na gusto kong mangyari sa'kin . And Odette? Pangalan sana yan ng magiging future daughter ko. . . . Just please enjoy the story ...
