"Ede wag!" mala-batang tugon din ni Terrence.


"Talaga!"


"Talagang-talaga."


"Bleh."


"Yuck, tumalsik laway mo."


"Hindi kaya."


"Oo kaya,"


"Hindi."


"Oo."


"Ewan ko sa'yo."


"Mas ewan ko sa'yo."


"Ma-"


"Hep hep! (hooray! Chos!) Behave na mga bata. Eto na pagkain niyo," pandadaot ni Karl Dehesa sa kulitan ng dalawa.


Natawa na lamang si Karylle at Terrence sa kanilang ginawa.


Ilang oras din silang kumain at nagkwentuhan subalit una ng nagpaalam si Karylle sapagkat sinundo na siya ng asawa.


"Halaaa, Terrence has crush on Ate Karylle," slang na slang na pangiinis ni Anthony Semerad kay Terrence habang nakatingin ang huli sa papalabas sa pintuan na si Karylle.


"Hoy, don't English me!" kunwaring galit na sita ni Terrence kay Anthony. "At ano naman kung crush ko si Ate K?"


"May asawa na yun bro." singit ni Jeric Fortuna.


"Alam ko... alam ko..."


Dumaan naman ang ilang buwan at hindi na muling nagkita sina Terrence at Karylle. Naging busy na kasi ang binata sa training habang si Karylle naman ay naging abala sa pagsulat at pagrecord ng kanta niya para sa Gilas. Dagdag din ang fact na kinailangan na ding umalis ni Terrence upang lumaban sa ibang bansa, para sa bayan (lol).


Ngunit pagkaraan ng dalawang laban ng kupunan ay nagtagpo muli ang landas nina Terrence at Karylle. Bumalik na kasi ang Gilas sapagkat sa Pilipinas gaganapin ang susunod nilang laro. Naisipan namang magsalu-salo ng kupunan kasama ang kanilang mga kaibigan at naanyayahan din si Karylle dito.


"Yooow! My squaaad!" pa-hiphop na salubong ni Karylle sa mga taga-Gilas.


Natawa naman ang mga ito sa kanya ngunit bumati din namang pabalik. Naaaliw din naman kasi sila sa ka-weirduhan ni Karylle.


"Hala, baliw na," panloloko ni Terrence kay Karylle ng matawa ito sa sariling trip niya.


"Hmp! Inggit ka lang!" pang-aasar pabalik ni Karylle sa binata.


"Ba't naman ako maiinggit sa kabaliwan mo, Ate Kulot?"


"Kasi kaya kong mag-english. Joooooke!"


Naging inside joke na kasi ng dalawa ang pagiging conyo ni Karylle at ang pagkaasar ni Terrence dito.
Buong gabi namang nag-asaran ang dalawa na tila ba'y matalik pa ring magkaibigan kahit hindi sila nagkita ng matagal.


"Hoy, ano palang ginawa mo kay Vice?" pang-iintriga ni Karylle kay Terrence.


"Hala, anong ginawa ko?" defensive na balik ni Terrence.


"Ewan ko sa'yo. Baka inaway mo, hugot pa rin ng hugot eh."


"Wehhh? Ako ba talaga dahilan ng hugot o ikaw?"


"Ayyy, bakit akoooo?"


"Sinaktan mo din daw siya eh."


"Grabeee, dati lang kaya yon."


"Oh ede, it's a tie."


Natawa naman silang dalawa dahil pamilyar ang binitawang linya ni Terrence ngunit maya-maya ay nagseryoso silang dalawa.


"Congrats Terrence ha, kahit hindi sakin sabihin ni Vice, alam kong proud siya sayo."


Napatango na lamang si Terrence dahil hindi niya alam ang sasabihin. Medyo naawkward siya.


"Alam ko ding natutuwa siya dahil masaya ka."


"Natutuwa din naman ako na masaya na siya, deserve na deserve niya yun."


Matamis na ngiti ang sinukli ni Karylle sa binata, senyales na sang-ayon siya sa sinabi nito.
Maya-maya ay nagpaalam na si Karylle dahil sinundo na siya ng asawa. Bumaba pa nga ito at sinundo siya mismo sa loob.


"K, tara na?" malambing na pag-aya ng asawa ni Karylle sa kanya.


"O paano ba yan, Terrence. Una na ko," pagpapaalam ni Karylle kay Terrence.


"Hala wag, Ate K, bata ka pa!" joke ni Terrence na siya ding nagpatawa sa asawa ni Karylle.


"Ewan ko sa'yo, lakas talaga ng tama mo."


Tinawanan na lamang siya ni Terrence bilang tugon at akmang kakaway na ito pa-babye kay Karylle ngunit ito'y natigilan ng madama niya ang labi ni Karylle sa kanyang pisngi.


"Goodluck sa next game niyo, galingan mo! Bye!" muling pagpapaalam ni Karylle bago tuluyang lisanin ang venue.





Naiwan namang tulala si Terrence.


"Huy, pare! Alalay sa damdamin ha!" pagbabalik ni Mike Tolomia, bestfriend ni Terrence, sa ulirat ng binata.


"Gago! Alam ko!"


"Siguraduhin mo lang dahil kahit minahal ka ni Vice, sasapakin ka nun, kung nakita mo lang itsura noon kanina nung hinalikan ka ni Ate K, nako."


Natawa naman si Terrence at napa-iling dahil alam na alam niya kung gaano ka-seloso at ka-possessive si Vice.



"Oo nga, ayokong masipa ng kabayo 'no. Malakas 'yon. Joke,"

makalokohang tugon ni Terrence kay Mike habang pinagmamasdan ang kanyang ex-girlfriend at ang kanyang ultimate crush na asawa na nito na papasakay na sa isang GMC Savana.

















So happy for you, ViceRylle.

When ;Where stories live. Discover now