Chapter 1

11K 207 2
                                    

Nagising ako sa sunod sunod na katok na nagmumula sa pinto.

Tinakpan ko ang ulo ko nang unan at sumubsob sa isa ko pang unan pero nadidinig ko pa din ang mas lalong lumalakas na mga katok.

Napabalikwas na ako ng bangon at kamot kamot ang tiyan na pumunta sa pintuan para buksan ang kung sinuman na namemeste sa sarap ng pagtulog ko.

"Andyan na! Andyan na!" Napapahikab na sigaw ko at nakapikit na binuksan ko ang pinto.

"Dustin my ever favorite Love!" Tili nang isang boses babae na nagpagising sa inaantok kong sistema.

Namimilog ang mga mata ko na napatitig sa bagong dating.

"Sylvi?!" Bulalas ko at nagulat pa ako nang tumalon ito papunta sa akin.

Kapwa kami nagpatihulog sa sahig.

Nakangiting nag angat ito nang paningin.

"Hello Dustin!" Bati nito.

Agad na bumaha ang kasabikan sa dibdib ko.

"Sylvi ba't nandito ka...I mean is di ba nasa San Francisco ka kasama nila Sylvia at ng Dad--Lucio" tukoy ko sa mga magulang nito.

Naalala ko mukha ni Sylvia kay Sylvi.
Magkamukhang magkamukha kasi silang mag ina.

Mahaba ang buhok nito na tuwid na tuwid at napakaitim.
Balingkitan ang katawan at morena na katulad din ni Sylvia.

Natuwa ako pero at sa isang banda ay nalungkot ako kasi muling sumagi sa Isip ko ang lungkot pagkaalala kay Sylvia na minsan ay minahal ko.

Minahal ko sya nun pati na ang anak nya na si Sylvi  at inaya na magpakasal at pumayag ito.
Handa na ang lahat at araw na lang ang hihintayin ng biglang bumalik ang dating Asawa nito.

Lumaban ako kasi di ba pag mahal mo dapat ipaglaban mo?

Pero ramdam ko na may nag iba kay Sylvia sa muling pagpapakita dito ni Lucio.

Lumamig na ang pakikitungo nito sa akin at alam ko talo na ako.
Mahal pa din ni Sylvia si Ex Husband nya kaya naman...

Kaya naman pinalaya ko na sya at di na ako lumaban pa.

Muli silang nagpakasal na dalawa at nangibang bansa na silang tatlo.

"Sina Pops at Moms nandun pa pero ako umuwi dito sa Pinas kasi mas gusto ko dito na magtrabaho at dahil mahal mo naman ako right?" Natagpuan ko ang sarili ko na tumatango dito.

Ngumiti ito nang matamis sa akin na kinakaba nang dibdib ko.

"Then Ihired mo na ako please" pakiusap nito.

"Ha?!" Nagulat ako sa pinakiusap nito.

"Sige na Dustin please di ka magsisisi magaling akong makisama behave din ako at syempre honest at masipag ako di ka magsisisi talaga promise" pangungulit pa nito.

"Pero kasi wala na----"

"Dustin please naman oh" namumungay pa ang mga mata na muling pakiusap nito.

Napalunok ako at di ko malaman ang isasagot ko dito.
Gusto ko din naman na matulungan ito.

Kasi di na naman iba sa akin si Sylvi muntik ko na nga itong maging anak eh.

Nagkaproblema lang.

Pero kasi ay wala naman na bakanteng posisyon sa office ngayon.

"Please naman Dustin pumayag ka nang Ihired ako please!" Niyugyog nito ang magkabilang balikat ko na nagpahilo sa akin.

Malapit na akong masuka.

"O--okay, okay tama na nahihilo na ako, okay ipapasok na kita!" sagot ko dito.

"Thank you Dustin,you're the best talaga!" Anito at pinugpog na ako nang halik sa mukha ko.

"Sylvi stop it!" Namumulang saway ko dito.

Di ko kasi gusto ang umuusbong na mga damdamin sa katawan ko.

Nilayo ko ito gamit ang dalawang kamay ko sa akin at umayos nang upo.

"Ah!" Nag clasp hand ito na kinataka ko.

Nangunot ang noo ko lalo na nang talikuran nito ako at pumunta sa  may pintuan at pagkaraan nang ilang saglit ay bumalik din ito na may hila hila na malaking maleta.

Dagli akong napatayo at gulat na nagtataka na tumingin kay Sylvi at sa maleta na hila hila nya.


"Dustin pa help naman please ang bigat kasi nang maleta ko at nga pala where is my room para maayos ko na ang mga gamit ko?" Malambing na tanong nito sa akin.

Ilang sandali muna ang lumipas bago tuluyan na mag sink in sa utak ko ang sinabi nito.

"What?!" Naibulalas ko nang mapagtanto ko ang ibig nitong sabihin.

Napapalatak na lumapit ito sa akin pagkatapos ay tumingkayad ito papalapit sa akin.

Sinakop nang dalawang palad nito ang mukha ko at pagkatapos nagulat pa ako nang pingutin nito ang kaliwang tenga ko.

"Aww!" Napapangiwing angal ko.

"Dustin dapat ipa check mo ang mga  tenga mo humihina na ang pandinig mo" namimilya ang mga mata na sabi nito sa akin at saka pinakawalan ang tenga ko.

Naglakad na ito papunta sa kuwarto ko kaya naman nagagahol na napasunod na lang ako dito....

WISHWhere stories live. Discover now