Katabi Pa Rin (Ikalawang Bahagi)

38 0 2
                                    

Sa di inaasahan, naging parang fiesta ng batik ang kaliwang manggas ng puting damit ko. Dali dali akong pumasok ng CR para hugasan ang nanikit na mga marka ng kanyang labi pero, wala talagang pag-asa. Naupo na lang ako sa tabi ng terminal at sinindihan ang pinaka asam asam na sigarilyo. Di ko alam kung magagalit ako o matutuwa sa nangyari. Bawat hithit ko, parang nakikita ko ang kanyang mukhang taranta at takot na takot sa akin. Parang batang di alam ang gagawin sa kanyang kasalanan. Ang cute niya, lalo nung pinagmamasdan ko siyang kumain ng donut, hawig siya ni Kaye Abad. Di ko namalayan, nakangiti na pala akong mag-isa.
Paalis na ang bus, tamang tama.
Katabi: (mahinang boses) kuya, sorry, wag ka nang magalit sa akin.
Me: Mmmm.. (sabay abot ko ng tubig)
Katabi: (pinupunasan ng tissue ang mantsa) sorry na kuya.
Me: miss ok na, wag kang mag alala, di naman ako galit.
Katabi: yey! by the way, it's Pim. My name is Pim.
Me: uh ok, i am TM.
Pim: akin na kamay mo TM.
Me: (hinanda ko na ang kamay sa pakikipagkamay)
Pim: (kinuha ang kamay ko at nilagyan ng sanitizer.) Rub rub! then smell.
Me: (rub rubbed and smell)
Pim: Good di ba? Bangu bangu na. Di na amoy yosi.
Me: Pasensya ka na.
Pim: ok lang TM. hehehe. next time ha. (sabay sandal sa bintana, nakatingin sa kalsada.)

Nang mga panahon na iyon, gumaan ang loob ko. Pinagmamasdan ko lang siya, nakatingin sa kawalan, pumipikit pikit ang mata sa bawat sinag ng araw na dumadaan sa kanyang mga mata. Para siyang batang malayang nakakapaglaro sa unang pagkakataon sa labas. Nararamdaman ko siya. Nararamdaman ko kung gaano siya kasaya. Todo ang ngiti na kita maging sa kanyang mga mata.

Me: Pim... san ka ba bababa?
Pim: Baguio.. kaw ba?
Me: Baguio rin. (tingin sa relo) 2 oras pa mahigit.
Pim: From Baguio ka TM?
Me: Hindi... taga-QC ako.
Pim: So aakyat ka ng Baguio na walang kasama?
Me: Oo... kahit over night lang... few shots siguro.
Pim: Kung gusto mo, uhhmm.. samahan mo ko saglit.
Me: Saan?
Pim: E bibili ako ng pamalit dito (sabay hawak sa manggas ng damit kong may lipstick.)
Me: Di bale na lang, pero salamat.. kasi baka mamaya nyan may biglang manapak sa akin sa kalye.
Pim: (mukhang naguluhan) huh? ano?
Me: baka makita tayo ng bf mo, sapakin ako bigla.
Pim: ahhh, sus dami mo pa pasakalye. Wala siya, iniwan ko na sa Manila.
Me: sige. gisingin mo na lang ako.

Ilang saglit pa ay Terminal na sa Baguio. Nag umpisa ng mag-ayos ang mga tao pababa ng bus. Wala pa ako sa ulirat, dama ko na ang lamig ng paligid. Dahan-dahan kong kinapa si Pim para gisingin.. pero...

-pagtatapos ng ikalawang bahagi-

KATABI Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon