"Totoo kaya yun?"
"Oo. Nahuli ako nun dahil sa gulong ginawa ng grupo sa bar. Buti na
lang nakilala ako ng pulis. Apo ako ng Mayor. At dahil loyal ito sa
lolo ko, imbes na sa presinto ay sa bahay namin ako dineretso.
Iniungkat ko rin ang nalaman ko sa pagka salvage ng kuya ko. Agad nag
labas ng warrant of arrest para sa kanila."
"Nahuli ba sila?"
"Oo naman. Magaling ang mga pulis sa'min. Dahil sa statement ko,
tiniktikan nila ang grupo sa mga hide out na pinupuntahan namin noon.
Minsang natiyempuhan sila at dinala sa presinto. Nakakulong silang
lahat ngayon. Lumutang akong witness. Nang lumutang ako ay lumutang na
rin ang iba pang mga testigo. Kaya ng matapos ang kaso ay naglie low
muna ako. Saka ko naman nabalitaang may iba ng boyfriend si Jerry.
Nahuli ko pa silang magkasama. Mahal na mahal ko sya kaya nagmakaawa
akong iwan nya yung lalake. Kaso huli na eh. Ayaw nya na daw sa'kin.
Nalaman ko rin kalaunan na two timer si Jerry. "
Tahimik lang na nakikinig si Hera kay Yuan
"Sabi ko sa sarili ko, hindi ka dapat magtiwala sa iba. Kundi sa
sarili ko lang. Nagtiwala ako sa gang pero tinraydor nila ako. Lalo na
si Jerry na mahal na mahal ko pero niloko lang ako. Kaya nagpaalam ako
sa parents ko na dito muna ako sa maynila. Bago ako lumuwas ay nag
training muna ako ng iba't ibang martial arts para proteksyon ko sa
sarili"
"Wow turuan mo naman ako nyan bestie..."
"Wag na"
"Damot nito."
"Po-protektahan na lng kita."
Agad syang napalingon kay Yuan. Nakatingin lang din ito sa kanya.
Wala pang nagsabi sa'kin ng ganyan,
"salamat bestie!"
"Wala yun."
"Curious lang ako....bakit pinagkakatiwalaan moko."
"I don't know. There's something telling me to trust you."
at syempre dahil mahal kita kahit manhid ka. "Ikaw ba do you trust me?"
"Oo naman. You're my bestfriend eh."
"Gusto mo ba subukan natin ang tiwalang yan ngayon na?"
"Kinakabahan ako diyan Yuan ha."
"Don't worry. Everything will be fine. Tara na."
Naunang tumayo si Yuan. Yuan offer his hands para makatayo si Hera.
"Yuan..."
"Trust me."
Dahil sa narinig ay kinuha nya ang kamay ni Yuan. Hinila sya nito para
ESTÁS LEYENDO
Guilty ang PANGET!!!
De TodoPaano nga ba Mabuhay ang isang panget? Yung solo lang. Hindi pinapansin. Ibahin mo si Hera Casey Castroverde. Dahil mula nang makuha nya ang libro ay dumating ang lalakeng una nyang minahal. Si Yuan Lee Villarreal. Mayaman at doppelganger ni Dani...
Trust Issues
Comenzar desde el principio
