Invitation

3 1 0
                                        

"felice, sasali ka ba sa mr. and ms. MCU this year?" tanong ni eunice kay felicity habang nasa school library sila. nagpasama ito para maghanap ng mga libro about sa research nito sa subject nitong history.

"siguro." sagot ni felice kay eunice.

tumigil ang kanyang kaibigan sa pagbabasa ng libro at ibinaba iyon. bahagya pang kumunot ang noo nito at humalukipkip.

"at bakit naman siguro? siguro? hindi ka sigurado sa sagot mo felicity!"

nagkamot ng ulo si felicity at lumapit nang kaunti sa kaibigan at bumulong. Kailangan niyang hinaan ang boses dahil nasa library sila.

"hindi ako sigurado, eunice dahil magagaling ang mga kalaban. nakita mo naman siguro yung mga pambato ng ibang course diba?"

"malaki naman ang tyansa na manalo ka felice! bukod sa maganda, matalino at mabait ka pa." Tugon ni eunice kay felicity. Kumukumpas kumpas pa ang kamay nito sa ere.

"kahit na. buti sana kung ako lang sana ang nagiisang maganda, mabait at matalino na sinasabi mo dito sa university." nakasimangot na sabi ni felice sa kaibigan. dismayado ito at nawawalan ng kumpiyansa sa sarili.

Junior highschool pa lamang si felicity nang mapagpasyahan niyang sumali sa pageant ng MariaClara University pagkagraduate niya. Naging goal niya na ito sa pagtapak niya ng panibagong yugto ng kanyanv buhay; ang college life.

"sus! ayun lang naman pala ang pinoproblema mo eh.. humingi ka nalang ng kaunting tulong kay Cloud De Castro. diba manliligaw mo yun? madaming kakilala at kaibigan yun dito sa uni. kapag tinulungan ka niya, tiyak na madami siyang mahihikayat na sumuporta sayo!" humagikgik pa si eunice na parang kinikiliti at may ningning sa kanyang mga mata habang nakatunganga sa kawalan.

isa si Cloud De Castro sa mga nanliligaw sa kanya sa kanilang university. Isa itong mass communication student at kabatch nila. Para kay felicity, isang kaibigan lang ang turing niya kay cloud. tinapat na niya ito noon para hindi na ito umasa, ngunit sinagot siya nito ng "ayos lang sakin ang desisyon mo, sana manatili parin tayong magkaibigan" para kay felice ay maswerte siya dahil tinanggap ni cloud ang desisyon niya at nanatili parin silang magkaibigan.

"ayoko naman manggamit ng ibang tao para manalo" bumuntong hininga siya siya at ipinatong ang braso sa lamesa at yumuko.

dumikit si eunice sa kanya at umakbay. "alam mo kasi felice my labs, hindi ka naman nagiisa eh. andito kami nila cherry para tumulong sayo!"

naalarma naman si felicity sa boses ng kaibigan na habang patagal nang patagal ay lalong lumalakas

"hinaan mo nga yang boses mo. pag tayo napadala ng librarian sa detention room..."

pagbabanta niya rito. sa dami ng kailangan niyang pagaralan ay hindi na pwedeng maisingit ang isang linggong community service dahil sa pagiingay ng bestfriend niya bilang parusa.

Tumahimik nga si eunice ngunit nanatili itong nakatingin sa kanya at mukhang walang balak na tantanan siya hanggang sa pumayag siyang sunali bg pageant. Nagkibit balikat nalamang si felicity at nagpatuloy sa pagbabasa.

Iilang minuto pa lamang ang nakakalipas ay ginulantang ang lahat ng tao sa silid aklatan ng isang tunog.

indi naman masyadong malakas ang ringtone niya pero dahil tahimik ang library ay umalingawngaw ito sa buong room.

kinakabahan na tumingin si felice sa pwesto ng librarian at nakita niyang masamang masama ang tingin na ipinupukol nito sa kanya.

"papatayin mo ba yan o hindi? alam mo na dapat na tinuturn off ang cellphone kapag nasa loob ng library" sabi nito sa mababang tono.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Sep 05, 2016 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

SolitaryHistórias para pegar e não largar. Descubra agora