Blood 24 - unedited

En başından başla
                                    

Elisse, I'm awake.

Napahinto siya. Ngayon niya lang ulit ito narinig. Medyo matagal-tagal na rin nang huli niyang marinig ang boses sa loob.

Anong nangyari sa'yo?

I'm sleeping. Pang-asar pa na humikab ito.

Natulog? Natutulog ba ang isip niya? Bakit ka natutulog?

For the preparation. Tanging sagot lang nito at nawala na ang boses.

Preparation...para ba sa kaarawan niya? For the transformation, she guessed.

"Elisse," Tawag ni Diamond pagkabukas nito ng pinto. Si Diamond? Bakit naman siya sasadyain nito?

"May kailangan ka?" Tanong niya bago umupo ng maayos.

"Nothing, actually," She answered in a low voice habang walang kibo na nakatayo lang sa tapat ng pinto."Just checking."

"Checking?"

Nagkibit ito ng balikat. "Adrienne asked me."

Napatango na lang siya. Hindi na ito nagsalita kaya tumahimik na lang din si Elisse. Hindi sila gaanong close at sobrang bihira lang kung mag-usap, pero hindi naman awkward kapag magkasama sila. Para bang natural na 'yon, lalo na't hindi naman talaga ito palasalita.

"Yung kambal?" Tanong niya.

"With my wife."

Napangiti siya sa sagot ng kausap. She seems happy. Seryoso ang mukha pero iba ang kislap ng mga mata ng dalaga. Marami na rin sigurong pinagsamahan sina Diamond at Asha para tumagal ng ganoon, kahit na hindi niya pa rin alam ang totoong kwento sa likod ng dalawa.

"Always be careful," she suddenly said. Inabot ni Diamond ang mga pulseras na nasa palapulsuhan nito. "No one knows what will happen next."

"Hm-mm." Tumango siya at ngumiti, sinuklian lang nito 'yon ng malamig na tingin.

"You may be the chosen one, but then, only time can tell our fate."

--

Nakasakay na ulit sila sa limousine. Namamangha pa rin talaga si Elisse sa pagsakay sa sasakyan dahil halatang mamahalin at elegante ito. Napatingin siya kay Diamond. What the girl said make sense. She just didn't how will she apply it.

"Malapit na po tayo." Pagbibigay alam ng lalaking sumundo at naghatid sakanila kanina sa palasyo. Bantay-sarado pa rin ang lahat ng mga guwardya. Ayos lang naman iyon dahil para pa rin 'yon sa seguridad nila.

Nakalipas na ang ilang minuto nang biglang huminto ang sasakyan, ngayon niya lang din napansin na napadpad sila sa isang mapunong lugar. Ang alam niya'y hindi iyon ang daan.

Naging alerto sina Adrienne kaya pakiramdam niya ay may hindi magandang mangyayari. "Anong meron?"

"May iba pang nasunod sa'tin." Ang sagot sa kanya ni Sir Rico.

Kaagad silang lumabas kaya sumunod siya. Hindi pa man nakakaapak sa lupa ay napasigaw na siya nang biglang may sumugod sa kanya. Napapikit na lang si Elisse dahil doon pero napamulat din nang mapansing wala namang nangyari. Nasa harapan niya na pala si Adrienne at hawak nito sa leeg yung sumugod sa kanya.

"A-Adrienne..."

"Always be alert, Elisse." Stern na pagkakasabi nito bago ihagis palayo yung lalaki, tumama ito sa isang puno na bumagsak din sa lakas ng impact.

"O-oo, sorry." Sagot niya at pinagmasdan ang paligid.

Sunud-sunod ang dating ng mga sasakyan na pumapaligid sa kanila. Lumabas na rin yung mga guards kasabay ng paglabas ng mga taong hindi niya kilala.

"Tsk, puro newborns 'tong mga 'to, ah." Mahinang sabi ni Asha at sabay-sabay silang napatango.

Walang anu-ano'y sumugod ang mga kalaban. Napalunok siya dahil halos lahat ay sumugod papunta sa kanya. Mabuti na lang ay nakaharang agad ang mga kasamahan niya at isa-isang sinugod ang mga ito pabalik.

"Damn ambush!" Sigaw ni Miss Rei, binalian nito ng leeg yung isa at tinapon lang sa kung saan. "Where's your leader?"

Walang sumasagot at tanging pagsugod lang ang ginagawa ng mga kalabang bampira. Para itong mga baliw na ang tanging layunin lang ay manakit at makipaglaban.

May isang nakalusot sa kanya paningin at nasuntok siya sa panga. Para siyang nabingi sa lakas no'n. Hindi niya alam ang nangyari pero waring napuno siya ng lakas at sinugod ang umatake sa kanya. She quickly ran and punched his gut, parang wala lang na tumitig ito sa kanya. Napalunok siya at ginaya ang ginawa ni Miss Rei kanina—she twisted his neck until she heard a loud crack. The newborn fell limp on the ground...lifeless.

Napatingin siya sa sariling mga kamay, medyo nanginginig ang mga iyon. This may not be the first time na nakapatay siya pero nakakatakot pa rin sa pakiramdam. She can hear her fast heartbeats na parang anumang oras ay lalabas sa ribcage niya ang puso.

Madami ang mga kalaban pero mahihina. Hindi nagtagal ay naubos din ang mga ito at tanging ang mga nagkalat na katawan lang nila na halos magkahiwalay ang bawat parte ang patunay na may naganap na labanan.

"What the heck did just happen?" Si Sir Rico ang naunang nagsalita. Tingin niya ay alam na nito ang sagot dahil wala itong bahid ng pagtataka sa kabila ng tanong.

Parang walang nangyari na pumasok ulit sila sa sasakyan. Pinaandar na ulit ito habang nakasunod pa rin ang mga guards.

"Okay ka lang?" Tanong ni Adrienne.

She just nodded and leaned her head on her shoulder. She closed her eyes when her lover kissed her temple.

"I love you."

She smiled and clutched her arm. She felt herself getting carried away by the serenity between her and Adrienne. Soon, she felt the darkness slowly consuming her, taking her to the land of the dreams...

Elisse suddenly caught herself walking in an endless path. Nothing exists but only her. She can't explain it. It was like she's between something she can't point out. Where was she?

Habang naglalakad ay napatingin siya sa sahig—pero hindi iyon sahig. Naglalakad siya sa tubig at nakikita niya ang sarili. Then, something spoke, hindi niya alam kung saan nanggagaling ang boses. Pero maganda ito at kalmado.

"Elisse..."

"Always be careful. Time...will tell."

_____

Blood Sucker (GL) [Completed, Unedited]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin