"Have a seat" tinuro niya yung mga stools doon sa may bar counter.

Umupo naman ako at siya naman pumasok sa loob ng bar then nag start mag mix ng kung ano.

"uhmm C-chynna? Bat mo ko dinala dito?"

Hindi niya ko pinansin and busy parin siya sa pag mix ng kung anong drink.

I cleared my throat "a-ano Chynna kasi, ano eh.. uhmm" oh damn it! Bat ba ang hirap sabihin ng salitang sorry?!

Nag rehearse ako ng madaming beses sa harap ng salamin kung paano ako magsosorry sa kanya.

Kabisado ko na nga lines ko pero bat ngayon natatameme ako?!

Huminga ulit ako ng malalim "C-chynna k-kasi y-yun ano uhmm k-kasi-"

Nagulat naman ako ng biglang may inilagay siyang baso sa harapan ko

"Strawberry margarita. Drink. It tastes
good"

"H-ha?" kinuha ko yung baso "S-salamat"

I sipped the drink and yeah, she's right, it tastes good.

Nakita ko siyang nag mix ulit doon.

May pinag halo halo lang siya na drink. Vodka, sprite, blue curacao, then nilagyan niya ng lemon soda and lemon juice and ice cubes.

Naupo siya sa stool na katabi ko then ininom din niya yung drink na ginawa niya.

Err ano na nga ba ulit yung sinasabi ko kanina? Ah, oo yun

"C-chynna ano yung tawag sa iniinom mo?" I asked her habang todo ngiti.

Tokwa hindi naman to ang sasabihin ko eh

"Blue lagoon" sabi niya sakin ng hindi nakatingin

"Ah, kaya pala color blue ang kulay niya. Ha.ha.ha" I laughed awkwardly. Mukha akong sira.

Ano ba naman to! Dinala lang ba niya ko dito para makipaginuman?

"Uhmm, b-bat mo pala ko dinala dito?"

Hindi niya ko sinagot, patuloy parin siya sa paginom ng blue lagoon. At dahil pahiya na naman ako ininom ko narin yung ginawa niyang strawberry margarita.

Ang sarap talaga, hindi ko masyadong malasahan yung alcohol na naka
mix dito. Magaling talaga tong si Chynna. Kaso hindi ko maenjoy yung iniinom ko because I feel so awkward.

"Bianca"

Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko ng bigla siyang magsalita

"B-bakit?"

"Sabi ko lalayo na ko but it doesn't mean na mawawala ako. Pag umiiyak ka asahan mo makikita mo ko" tumayo siya sa kinauupuan niya then inilgpit yung baso niya.

Kaya ba niya ko dinala dito dahil nakita niya kong umiiyak kanina?

Kung alam lang sana niya ang dahilan

"By the way, your dad told me he will be out of the country with your mom for a month"

Nagulat ako sa sinabi niya "WHAT?! Wait bat walang sinasabi si dad sakin?!"

Tumingin siya sa orasan "I think malapit na ang flight nila ngayon. Pinagbilin ka na saakin ng dad and mom mo.

You will stay here in my house for a month. Your room is over there" may tinuro siya saakin na isang room
na may white door.

"Yung katabi niyan is yung room ko. If you need something pwede mo kong puntahan doon. Nandyan na lahat ng damit mo.

Pagkatapos mo diyan pwede kang mag shower na then I'll let the maid
call you pagkakain na ng dinner. Sige maiwan muna kita"

She left me with my mouth hanging.

One month.

One month?

ONE MONTH?!?!?!

MOM, DAD! HOW COULD YOU DO THIS TO ME?!

Chynna's POV

"Hello, Chynns is she already there?"

"Yes sir. Nandito na po siya kanina pa. She's already in the guest room, sleeping"

"Oh good. Thank you Chynns ha? Please do take good care of my daughter"

"No problem sir. Aalagaan ko po talaga siya hanggang sa makabalik na kayo"

Bigla akong nakarinig ng malakas na tili sa kabilang line

"Oh my gosh! Nasa bahay na ni Chynna ang Bianca natin?
Oy Chynna, alagaan mo ang princess namin ha? And galingan mo!" sabi sakin ng mama ni Bianca

"errr galingan po saan?" takang takang tanong ko naman

"sa alam mo na yun! Ikaw talagang bata ka! Basta dapat mabigyan mo kami ng magandang apo!" she laughed

Halos mamula naman ako sa sinabi ng mama niya "n-naku po! H-hindi ko po magagawa kay Bianca yun!"

"Hoy Chynna talagang pag ginawa mo yung sa baby naming ipapapatay kita!!" galit naman na sabi ng dad niya saakin

"Ano ka ba hunny malalaki na sila! Pwede na yan! Tapos ipapakasal na natin sila!" tumawa ulit ang mama ni
Bianca

"hindi pwede! Ayoko! Bata pa ang Bianca natin at gusto ko kasal muna bago yun!"

"uhmm hello po?" singit ko sa kanila

"Oy Chynna Ortaleza binabantaan kita wag kang gagawa ng masama or else alam mo na mangyayari sayo!!"

"Ha o-opo. Wala naman akong planong ganun"

"naku Chynna wag ka na kasi mahiya!" - mommy ni Bianca

"hon wag mo silang i B-I!" - daddy ni Bianca

"naku hon hindi naman pam bi-b-I yun! Di ba Chynna?"

"ha? Ah eh.."

"halika na nga hon! Pumasok ka na sa kotse ng makaalis na tayo! excited na ko mag Hawaii! Parang nag ho-
honeymoon ulit tayo ngayon!" - daddy ni Bianca

"kaya nga! Tara na hon!"
TOOT TOOT TOOT

Binabaan na nila ko ng phone.

God, I want to thank you kasi hindi niyo hinayaan si Bianca na maging katulad ng mga magulang niya. Thank you talaga

Paakyat na ko sa room ko para matulog ng mapansin kong medyo naka open yung door ng room ni Bianca and nakapatay ang ilaw.

Hindi pa siya pumapasok sa room niya?

I tried to knock on the door but no response kaya pumasok na ko sa loob.

Nakita ko naman siya na tulog na tulog na.

Hmmm so hindi pala niya binubuksan yung lamp niya pag natutulog siya?

May nalaman na naman ako na tungkol sa kanya.

Nilapitan ko si Bianca then naupo ako sa side ng bed niya. Ang ganda niya talaga.

Ang amo amo ng mukha niya, like
a face of an angel.

"Bianca, masaya ka ba ngayon? pasensya ka na kung nasusungitan na kita ha? Pero pangako ko, kahit na
gusto mo na kong mawala ng tuluyan sa buhay mo lagi parin ako andito pag umiiyak ka. Lagi kitang babantayan. Pangako."

I held her hand and placed it on my heart.

"you are so close to me. Pero bakit feeling ko napakalayo mo parin saakin?"

I touched her face

"Bianca Charlotte King, kelan ba kita maabot? "


---------------

An:

See I told yah hindi ko kayo matiis haha

I know I know you're expecting a RaStro scene!! Kalma lang I'm not yet done! Inaayos ko pa yung kasunod

Manalangin kayo na bumilis pa ang net ko lol

-L

The Casanova Has Fallen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon