Do I #1

80 1 2
                                        

All characters,places,situation in this story have no existence and no relation to anyone having the same name or names. All the incidents are based on the author inventions and imaginations.

♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚♚

This story is original work and written by Lara Angelica Pagayon

♥Chapter 1♥

Hindi sa lahat ng oras kailangan mong maging mabait at sundin kung ano ang tama, minsan kailangan mong manahimik at magsawalang kibo upang itago ang kung ano mang nararamdaman mo.

Ang karanasan ang siyang magtuturo sa atin kung paano lumaban sa magulong mundong ating ginagalawan.

At kung paanong ang tadhana ang magpapasya kung hanggang saan ang tibay ng iyong paniniwala't pananaw at kung paano mo kakalabanin ang iyong sarili para lamang sa isang tao na salungat sa lahat ng pinaniniwalaan mo.

★Yesha P.O.V★

Lemme introduce myself I am Aisha Mei Margaux Go half korean half american okey hindi ko na pahahabain pa, ako yung tipo ng tao na tahimik,cold,misteryosa at ayoko sa mga taong masyadong pa cool ,at malaki ang disgusto ko sa mga lalaki,which is kabilang ang dad ko, i hate him so much,that i want to fucking kill him with my bare hands..enough with this boring introduction..

Actually hindi naman ako dating ganito tulad ng iba simple lang din ang buhay ko pero that was before, marami akong kaibigan,masayahin akong tao pero ng dahil sa isang sapilitang posisyon binago nito ang lahat.

Oh god! Late na naman ako, kailangan ko ng pumasok sa pinapasukan kong school ang BEAST University.

Pababa na ko ng hagdan ng makasalubong ko ang dad ko "pag isipan mong mabuti ang sinabi ko iha, im sorry pero wala ka ng magagawa"- dad, yan na lang ang araw araw kong naririnig sa kanya, nakakasawa na but do i have a choice?

Siguro nga ang magagawa ko na lang ay iaccept lahat pero ayaw tanggapin ng sistema ko,dire-diretso lang akong naglalakad ng mamalayan kong naka labas na pala ako ng aming mansyon,oo hindi kayo nagkakamali ng basa,well were rich,literal na mayaman ah, tinamad na din akong bumalik sa loob upang idrive ang favorite car ko,at baka makasalubong ko pa si dad.

Dire-diretso akong naglalakad habang nag iisip ng malalim" hanggang kelan ba ko magiging ganito hindi pwedeng takasan ko na lng ang lahat..kelan ba matatapos to"..napasabunot ako sa sobrang inis,my narinig akong harurot ng kotse sa gilid ng dinaraanan ko hindi ko na binigyan pansin pa yun, since abala ako sa pag iisip,hindi ko namalayan nasa terminal na ako ng jeep, yes tama ang iniisip niyo hindi ako maarteng tao minsan gusto ko sumakay sa ganito, ang makipagsiksikan sa maraming tao, atleast dito hindi ko kailangan magpanggap bilang ako, pag upo ko pa lang ng jeep hindi ko maiwasang hindi tumingin sa lalaking nasa harap ko, gwapo sya,matangkad at cute na din pero kung makatingin at makapag pacute wagas kung wagas,tiningnan ko lang siya at tinaasan ng kilay..ngumiti sya sa akin sabay sabing "hi",hindi ako sumagot

Napansin kong nilabas niya ung cellphone nya,since nasa harap ko siya madali ko lang mapapansin yun, akala ko may katxt lang siya pero nagulat na lang ako ng may magflash na camera,ngumisi ako sa kanya sabay irap then flip ng hair haba ng hair ko "im sorry hindi ko sinasadya".yan lang ang naging sagot niya sabay kamot sa ulo tiningnan ko ang mukha niya,namumula siya halatang nahihiya

Sakto naman na tumigil ang driver at bumaba ako pero bago ako bumaba mabilis kong hinila ang bag niya. Nagtatakang nagkatinginan yung mga pasahero,tumingin ako sa kanya at nag wave ng hands then ng fuck you sign,hahaha epic ung itsura niya.

Nakanganga pa rin sya ng magsimula akong maglakad. .habang naglalakad ako papasok sa gate ng school napansin ko na naman ang tinginan at bulongan ng mga estudyante,taas noo akong naglakad at walang mababakas na reaksyon sa maganda kong mukha,napatingin ako sa bag na dala ko..oh my saan ko ba dadalhin to naisipan ko na lang na isalpak sa locker ko since wala namang laman yun na kung anong anek anek like make-ups, books etc..naisipan ko lng naman kunin to para makabawi dun sa lalaking ungas na yun..kundi ba naman tatanga tanga kukuha na lang ng picture pahalata pa,alam ko maganda ako hindi na kailangan pang ipaalala..hahah mahangin ba so ganun talaga eh..wala na kayong magagawa dun..diba author ?

Dumiretso na ako sa classroom at nadaanan ang instructor kong nagdidiscuss na ng lesson, ganito lang ang routine ko araw araw laging late kaya tingin ko sanay na silang ganito ako,dire-diretso lang ako at pagkaupong pagkaupo ko yumuko na ako sa desk ko, nakatulog pala ako. naalimpungatan ako sa ingay sa loob ng classroom,wala na pala yung instructor namin.

May lumapit sa akin, nakatungo ako kaya kitang kita ko ang colorful na mga kuko sa daliri ng babaeng lumapit sa akin,dulo pa lang ng daliri nitong uhugin na to kilalang kilala ko na,nandito nanaman pala itong babaeng palakang hipon na ito,matagal na kong binubully nito eh,masyadong maangas,ayoko lang ng gulo at takot akong malaman ng dad ko pero iba na ngayon,kailangan kong maging ganito, tiningnan ko lang siya ng hinatak niya ang katabi ko at ibinalibag sa akin,sinalo ko yon para hindi masaktan yung katabi ko kahit ganito ako ayoko ng may masasaktan ng wala naman ginagawa sa akin yung tao,sa pagkakaalam ko gangster tong hito na to eh kaya malakas ang loob wala akong reaksyon sa ginawa niya poker face kung baga,nagpasalamat sa akin yung binalibag ng bruhang nasa harap ko tsaka umalis,takot sigurong mapagdiskitahan pa ng mukhang payaso na to,pero malapit na bibingo na to.

"ano wala ka din bang gagawin,hindi ka man lang ba lalaban" -naka pamaywang na sabi ni hitad

Nakakawalang gana talaga pagmumukha nito eh imbes na magalit ako natatawa ako sa pagmumukha niya ..bwahahaha napatawa ako ng malakas..biglang sumama mukha nya at akmang sasampalin ako pero tinadyakan ko na agad napaupo siya sa lakas ng tadyak ko bago ako tumalikod may sinabi ako sa kanya na siyang ikinagalit niya

"gawin mo lahat ng gusto mong gawin pero hindi ko hahayaan na dumampi sa akin ang malalantod mong kamay" for your info nga pala dear readers batikan ako sa pakikipaglaban bata pa lng ako sinanay na ko mg parents ko sa iba't ibang uri ng martial arts,nakita ko syang sumuka ng dugo pero tumalikod na ko at lumabas nagulat pa nga yung mga nakikiusyo pag harap ko at nag give way naman sila para makadaan ako,

narinig ko pa syang nagsabi ng "hindi pa tayo tapos bitch."

"Go to hell darling". yun lang ang naisagot ko,simula ng sinabi sa akin yun ng dad ko naging ganito na ko,galit ako sa sarili ko dahil wala akong magawa,pero sa totoo lang unti unting nagugustuhan kong maging ganito,naitatago ko yung totoong nararamdaman ko,pero nakakamiss pa din ung dati.

Nasaan na nga kaya ang mga kaibigan ko..hayyy nakakamiss sila,kung hindi sana ako naging ganito.hindi sila lalayo sakin.

Naglalakad na ko sa hallway ng my makabangga ako,ano ba yan kahit saan na lang ginagawang libangan ang katangahan, pag taas ko ng tingin sabay pa kmeng nagkagulatan, oh my! "Ungas ?!"naisigaw ko pa yan sa harap niya "Anong sinabi mo miss pakiulit nga ang endearment mo saken?" nakangising sabi niya, si ungas guy bat nandito engot talaga nito eh tinawag ko na ngang ungas nakangiti pa ewan makalayas na nga tatalikod na sana ako pero bigla nya kong hinawakan pero bigla akong tumalikod at inikot ang kamay nya sabay takbo..hahaha kala nya ah...

Do I ?Where stories live. Discover now