Ang Laruan

24 2 1
                                    

Ang unang bahagi ay bunga lamang ng malikot kong imahinasyon.

***

"Miki!" Tawag ko sa pinsan ko. Mukhang hindi niya ako naririnig, ah. Inulit ko ulit, pero wala, deadma pa din ako. Nilapitan ko na lang siya at tinapik sa balikat.

"Miki?"

Hindi siya nagsalita, bagkus may inabot siya sa akin. Isang manika. Aanhin ko naman ang manika?

"Para saan 'to?"

"Ituring mo siya na parang tao, Joanah."

Napabangon ako sa pagkakahiga ko. Napanaginipan ko na naman ang pinsan kong si Miki. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Si Miki ang pinsan ko na maagang nawala sa piling namin dahil sa sakit niya. Pero hindi ako naniniwala. Alam kong may iba pang dahilan.

Madalas ko kasing nakikita si Miki na kausap ang mga laruan niya noong nabubuhay pa siya. Akala ko noong una ay karaniwan lang 'yon dahil natural na sa mga bata na maglaro at kung minsan ay kausapin ang mga laruan nila, gaya ng manika. Kadalasan ay nakikita ko siya na hatinggabi na ay gising pa. Kapag tatanungin ko naman siya, sasabihin niya na nakikipaglaro pa siya sa mga kaibigan niya... At iyon nga ay ang mga manika niya.

Mahihiga na sana muli ako sa aking higaan ng makarinig ako ng malakas na pagkalabog ng isang bagay. Parang nanggagaling ito sa kusina. Kinakabahan man ay tinungo ko ang kusina.

"Sino 'yan?!"

Binuksan ko ang mga ilaw at wala namang kakaibang nangyari. Ganun pa din ang pwesto ng mga kagamitan. Pabalik na sana ako ng may maramdaman ako sa paanan ko. Parang mabalahibo, malambot...

Muntik na akong mapatalon sa gulat ng makita ko ang isang laruan. Isang manika.

Saan 'to nanggaling?

Namilog ang aking mga mata ng mapansin na parehong-pareho ito sa manika na aking napanaginipan. Sa sobrang kilabot na aking naramdaman ay tinapon ko ang manika sa malayo.

Agad akong bumalik sa aking kuwarto, ngunit hindi na din ako nakatulog matapos ng nangyari. Kaya't napagpasiyahan ko na lang na mag soundtrip hanggang sa ako ay dinalaw ng antok.

Kinaumagahan ay naghanda na ako para sa pagpasok ko sa aking eskuwela. Kasalukuyan kasi akong graduating student sa isang pribadong paaralan dito sa Maynila. Akmang aalis na ako ng aking silid ng makarinig ako ng ungol. Sinundan ito ng mahihinang hagikgikan na nagmumula sa ilalim ng aking kama. Noong una ay pinagsawalang-bahala ko lang iyon ngunit naulit na naman ang ganoong insidente.

Tuwing umaga ay makakarinig ako ng mahihinang tawa at bulong sa aking kuwarto. Dahil madalas na inaantok pa ako, iniisip ko na lang na baka dala lang iyon ng malikot kong imahinasyon. Hanggang sa isang araw ay hindi ko na napigilan ang aking sarili.

Dala ng pagkahapo, ay agad akong tumungo sa aking silid at humiga sa kama. Dali-dali kong hinubad ang aking mga damit at nagpalit ng pambahay. Madami kasi kaming ginagawa lalo na't malapit na ang araw ng aming pagtatapos.

"Psssst."

Napatingin ako sa pinanggalingan ng pagsitsit. Ngunit wala namang tao o kahit na ano'ng bagay na maglilikha ng ganoong tunog.

"Pssssst."

Sa inis ko ay napabangon ako at inis na nagwika, "Sino ba 'yan?! Lumabas ka!"

Midnight StoriesWhere stories live. Discover now