Tugma

31 1 0
                                        

Nag iisip ako ng tugma para sa tulang gagawin ko para sayo. Tugma na tutugma sa akin at sayo. Tugmang magpapapintig sa puso mo at puso ko
Tugmang mag uugnay sa mga ideya ko at saloobin mo
Gumalugad ang isip ko sa buong kalawakan, nakinig ang aking mga tenga sa hangin at inisa isa ang mga salita ng aking paningin. Nakakalungkot isipin na wala akong mahanap na salitang makakapag-ugnay sa atin ngunit mas nakakalumbay maalala na ikaw at ako ay ni minsa'y di nagkaisa, na ika'y langit at ako'y lupa, na ang puso mo ay tumitibok para sa iba at nakakalungkot na ako'y tila isang hangin; pilit ko man iparamdam ang aking pag ihip ako'y di mo pa rin napapansin.
Ipagpaumanhin mong nakalimutan ko ang layunin ko sa pagsulat ng tulang ito. Nakaligtaan ko ang pait dahil napawi ito ng matatamis mong ngiti. Sa pagtatapos ko sa tulang ito ay ang pagtutuldok ko rin sa pagtibok ng aking puso. Ngunit bago ko ito tuluyang wakasan sana hayaan mo akong gamitin ang salitang “Tayo” sa kabilang buhay.

TugmaStories to obsess over. Discover now