Nilingon niya ito at sinamaan siya ng tingin pero pilit pa rin na ngumingiti si Kevin kasi kailangan niyang makibagay sa kapatid ni Mika.

"I know, saka ayoko mag-aral sa Xavier at ngayon nag-aaral ako sa La Salle Greenhills mas prefer ko doon. Saka kung sa college kung ang gusto mo iparating ay doon ako sa Ateneo sorry gusto ko maki rant ng ANIMO LA SALLE"

"ahh ganun ba? Gusto mo rin tumulad sa ate mo pala na star player ng La Salle nice. Ano laro tayo"

Tinignan muna ni Miko si Kevin saka niya binato ang bola kay Kevin. OO binato niya. Ang samang bata nito. Well hindi naman talaga masama si Miko nalaman lang kasi niya ang background ni Kevin eh kaya medyo ilag siya ditto. Siyempre ayaw niya masaktan ang ate niya no.

Naglaro lang sila at si Kevin bilang gustong makibagay ay nagpatalo kay Miko.

"Ang galing mo naman natalo mo ako. Ipasok kaya kita sa National Team ng bansa"

"tsk wala namang challenge ang laro natin ngayon eh saka obvious naman na nagpatalo ka."

Natigilan doon si Kevin, siyempre akala niya matapos nila maglaro eh okay na kay Miko pero waley pa rin.

"Sa susunod kung may susunod naman eh ayusin mo laro mo. Tssss"

Umalis na siya, iniwan si Kevin na malungkot. Malungkot si Kevin kasi kahit anong gawin niyang pakikibahay eh wa effect pa rin

Sa loob naman eh naghahanda na si Mika ng makakain, kasama niya ang mama niya sa paghahanda.

"Miko paki tawag si Kevin please" Mika

"Ako na diyan ate ikaw na tumawag doon sa Boyfriend mo" sarcastic na sabi ni Miko kay Mika.

"Miko pwede ba respeto naman sa Kuya Kevin mo"

"tsss mas gusto ko pa si Kuya JR kesa sa kanya no."

"Miko tama na, tama ang ate mo saka sumusobra ka ng bata ka huh. Hala tawagin mo na ang ate Ice mo saka si Mikole pakitawag na rin. Sige na Mika ikaw na tumawag kay Kevin ako na ditto"

AT yun nga buong araw ay di nag-iimikan si Mika at Miko at ang nagpainit ng ulo ni Miko ay ang narinig niya.

"Ang sama naman ng ugali ng kapatid mo Mika, pagsabihan mo yun huh."

"Nasanay lang kasi yun"

"NA ANO? NA SI JOHN RICARDO ANG GUSTO NIYA TANGINA MIKA"

"Wag ka naman sumigaw oh baka marinig ka nila mama"

"wala kang pakialam"

"Kevin"

"tsssss"

Wala na ayaw na talaga ni Miko kay Kevin simula noon. Kaya sa tuwing pumupunta si Kevin sa bahay nila ay umaalis si Miko sa kanila nagpapasundo ng palihim kay John Ricardo. Kinuha niya kasi ang number ni John Ricardo kay Mika eh

END OF FLASHBACK

"oo si John Ricardo ito at bakit?"

"Paka-usap"

"ANO?"

"PLEASE"

"OH ITO NA LETSE"

At binigay na ni Mika ang phone niya. Alam ni Mika na close talaga si John Ricardo kay Miko. Nahuhuli niya itong nag chachat sa facebook o kaya ay dini-DM niya sa Twitter.

"Hello Kuya Punta ka na ditto. Dalaka ng foods please the usual saka yung soccer ball mo please ayaw kasi ni Ate na makipaglaro saakin eh busy daw siya"

If and only ifWhere stories live. Discover now