chapter 1

16 0 0
                                        

...MARAHANG pinaghiwalay ni Criselda ang kanyang mga hita. Isang mapagpalang palad ang humaplos nang may pagsuyo sa kanyang kaselanan. Impit siyang napaungol sa sensayong dulot niyon. Kanina pa ramdam ni Criselda ang kanyang pamamasa.
Inihanda niya ang katawan maging ang isip sa napipintong pananakop ng lahat-lahat sa kanya ng lalaking kapareha.
Anumang sandali ay mawawala na ang pagkabirhen niya, batid niya.
Bagaman ang lalaki ay hindi niya malinaw na mabanaag ang hitsura ng mukha, dulot ng tila makapal na abong usok ang tumatabing sa anyo nito, ay nais pa rin niyang ipagkaloob ang lahat-lahat sa kanya rito.
Nililingkis siya ng labis na panghalina nito.
Nais niyang namnamin ang kakaibang uhaw na biglang pumukaw sa pakiramdam ni Criselda nang mga sandaling iyon.
Naramdaman niyang kumilos ang lalaki at inihanda nito ang sarili sa pagsakop sa kanya ng lubusan.
Ang pagtutok ng matigas na kasarian nito sa sentrong bahagi ng kanyang katawan ay nakapagdulot nang pag-alpas ng banayad na ungol sa kanyang lalamunan. Kasabay niyon ay mariin siyang napapikit.
Naramdaman niya ang pagsapo ng dalawang palad ng lalaki sa kanyang malulusog na dibdib, marahang pumisil-pisil.
Agad humalili roon ang malikot na dila ng lalaki na ang magkabilang ituktok ng kanyang dibdib ay salitang nilalasap at pagkuwan ay maingat na sinisipsip.
Nanatiling nakapikit si Criselda at muli, may ungol na kumawala sa kanyang bibig.
Sunud-sunod pa ang mga ungol na pumuno sa silid na iyon at humantong sa halinghing na dulot tiyak ng nakakakiliting sensasyon. Subalit mula sa maliit na bahagi ng isip ng dalaga na biglang naging mulat sa nangyayari, sa pagtataka ni Criselda ay hindi mismo sa kanya nanggagaling ang ungol. At ang lalaki, buhat kanina ay hindi pa niya naririnig ang tinig nito...
Sa marahang pagdilat ay unti-unting namulat ang kamalayan ni Criselda sa kanyang paggising.
Isang panaginip lang ang nagaganap na mayroon siyang katalik.
Subalit ang pag-ungol ay nagpatuloy at nabatid ni Criselda na nagmumula iyon sa silid ng kanyang ina, na ang nagsisilbing pintuan ay isa lamang bulaklaking kurtina.
Tiyak na may kung sinong lalaki na naman ang nakapatong sa inang si Annabel.
Hindi lingid kay Criselda ang trabaho ng ina. Sa katunayan, kung minsan ay doon pa sa inuupahan nilang barong-barong inuuwi ni Annabel ang sino mang customer na nadadagit nito.
Ang ganoong sitwasyon ay nagawa nang makasanayan at masikmura ng disi-siyete anyos na si Criselda.
Tulad ng dati ay patay-malisya na lamang siya sa maingay na serbisyo ng kanyang ina sa pagpapaligaya ng kasalukuyang customer nito.
Kalimitan ay mukhang ini-enjoy rin naman ng ina ang trabahong itinuturing nito.
Ang sabi pa nga nito minsan, May pera na, nasarapan pa.
Binalikan ni Criselda sa isip ang napanaginipan.
May kung anong pagkauhaw ang tila naramdaman niya sa sariling katawan.
Ang lalamunan niya ay literal na nakaramdam ng uhaw. Dagli siyang bumagon sa kinahihigaang sofa at kumuha ng maiinom mula sa gripo.
Ang sunud-sunod na pagbayo sa pintuan nilang yari sa yero ang nagpagising ng tuluyan sa diwa ni Criselda. Hindi pa man ay alam na niya kung sino ang bumabayong iyon sa pintuan nila.
"Ano, Criselda, wala pa rin ba kayong maaabot na bayad sa 'kin sa upa n'yo dito sa bahay? Palagi na lang bang ganito ang sitwasyon natin kapag maniningil ako sa inyo?" Halatang mainit ang ulo na bungad sa kanya ng may katabaan at may-edad na babae na si Aling Carlota, may ari ng barong-barong na tinutuluyan nilang mag-ina.
"Ang sabi po ni Nanay, baka sa susunod na linggo na po kami makapag-abot ng bayad sa inyo. Pasensya na po, Aling Carlota," sagot niya.
"Hindi ba't iyan din ang sinabi mo n'ung nakaraang maningil ako? Aba'y iyang nanay mo, lunod na lunod na ang puwerta sa semilya ng kung sinu-sinong lalaki, hanggang ngayon hindi pa rin nakakaipon ng maipambabayad sa renta?"
"Ambastos naman ng bibig n'yo, Aling Carlota." Bagaman masasabing hindi marangal ang hanap-buhay ng kanyang ina, ay hindi pa rin niya nais na iniinsulto ang nag-iisang magulang sa harap niya ng kung sino.
"Ah, basta. Kung hindi pa rin kayo makakabayad sa renta sa susunod na linggo, eh, mabuti pa'y magbalot na kayo ng mga gamit n'yo ng nanay mo," anito na hindi pinansin ang pagpuna niya sa hindi magandang sinabi patungkol sa kanyang ina.
Hindi na lang gusto ng dalaga na makipagtalo kay Aling Carlota. Pinigilan na lamang niya ang umimik hanggang sa may pagkabanas na umalis na rin ito. Sinabing muli itong babalik para maningil sa susunod na linggo na may kasama na ngang pagbabanta.
Mula sa silid ng kanyang ina ay lumabas si Annabel na nakatapi lamang ng tuwalya. Dumiretso ito sa kusina na may ilang hakbang lang ang ginawa. Kumuha ng puswelo at nagtimpla ng kape.
"Ke aga-aga, ang ingay ng putang-inang bunganga ng Carlotang 'yan. Palibhasa wala nang kumakantot sa matandang 'yon kaya palaging mainit ang ulo."
Sanay na si Criselda sa pulos basurang salita ang kalimitang lumalabas sa bibig ng kanyang ina. At kailanman ay hindi niya nagawang pulutin ang basurang iyon na kusang tumatapon sa bibig ni Annabel.
Magaspang man ang hatid niyon sa kanyang pandinig, sa ayaw at sa gusto niya ay kinailangan niyang masanay.
"Hindi pa ba dumarating ang sustento mo mula sa ama mong walang bayag?" Halatang mainit na ang ulo ni Annabel.
Ang tinutukoy nito ay ang perang buwan-buwan na natatanggap niya bilang sustento sa kanyang ama. At ang personal na naghahatid niyon ay ang kanyang Tiyo Menandro. Kapatid sa ama ng kanyang biological father na si Arnulfo Benedicto.
Bata pa siya ay hindi na lingid sa kanya na anak siya sa labas ni Arnulfo Benedicto. Kasalukuyan itong mayor ng isang probinsya sa pangalawa nang termino nito - sa lugar na kung tawagin ay San Feliciano.
Kailanman ay hindi pa nakarating roon si Criselda.
Ang pagnanais niya na makilala ang ama ay labis na tinututulan ni Annabel. "'Wag kang tanga, Criselda," madalas sabihin ng kanyang ina, "Para ano't gusto mong makilala ang ama mo? Umaasa ka ba na 'pag nakita ka niya ay kikilalanin ka n'ya bilang anak at bigla na lang magmamalasakit sa 'yo? Kaya ka nabuo dahil ginamit n'ya lang noon ang katawan ko bilang pampalipas-libog. Napilitan lang s'yang magbigay ng sustento kung hindi ko pa pinagbantaan na ibubunyag ko sa mapapangasawa niya na nabuntis niya ako."
At batid ni Criselda na ang pangyayaring nabuntis ang kanyang ina ay ang tatlo lamang ang nakakaalam niyon hanggang ngayon: Ang kanyang ina, at ang magkapatid na Arnulfo at Menandro.
Tubong taga-San Feliciano ang kanyang ina. Isang ulila na namasukang katulong noon sa pamilya Benedicto. Ang magkapatid sa ama na noon ay pawang mga binata pa na sina Arnulfo at Menandro, ay kapwa napukaw sa taglay na ganda at kasipagan ni Annabel. Ngunit higit na naging malapit ang kanyang ina kay Arnulfo. Nangyari ay nagpadala si Annabel sa matatamis na salita nito hanggang sa mabuntis ang kanyang ina. Subalit si Arnulfo ay nakatakda na palang pakasal sa nobya nitong nagbabakasyon lang sa America. At doon lamang nabatid ni Annabel na ginawa lamang itong pampalipas oras ni Arnulfo. At ang kanyang ina na bagaman talagang minahal na si Arnulfo ay hindi nagpakita sa anyong nadehado. Hindi ito nagmakaawang makiusap na suklian ni Arnulfo ang pagmamahal nito sa lalaki. At sa halip, hiningan nito ng malaking halaga si Arnulfo na may kasamang pagbabanta.
At sa pangamba naman ni Arnolfo na umabot sa kaalaman ng nobya ang pagbubuntis ni Annabel, o higit ang posibilidad na makasira iyon sa pangalan ng ama nito na kahahalal pa lang noon bilang bagong gobernador ng lugar, ay nagawa nga nitong magbigay ng malaking halaga sa babae. Kasabay ang pangakong susustentuhan ang iluluwal nitong sanggol.
Ang unang malaking pera na nakuha ng kanyang ina ay ginamit nito bilang panimula sa labas ng San Feliciano. Kung paanong nangyari na ang perang iyon ay mabilis na naubos hanggang sa maisilang siya ni Annabel at humantong sa punto na kinamulatan ni Criselda isa na nga itong babaeng nagbebenta ng aliw.
Sa perang inaabot ni Tiyo Menandro ay doon nila kinakaltas ang pambayad sa upa ng bahay.
Ang inuupahang barong-barong ay nakatirik sa lupang hindi pag-aari ng nagpapaupa at iyon ay nasa parte ng masikip at pasikot-sikot na kalsada sa lungsod ng Maynila. Squater's area sa madaling salita.
Kung tutuusin ay uhaw at salat si Criselda sa maraming bagay. Hindi lang sa materyal kundi maging sa atensyon at pagmamahal ng ina.
Ramdam niya ang malamig na pagtrato nito sa kanya. Gayunman, ang malasakit at pagmamahal niya para sa ina ay naroon sa puso niya. Hindi pa rin masusukat. Kahit pa sabihing sa paningin ng iba ay isa itong masamang babae base sa uri ng trabaho nito, ay hindi pa rin nawawala ang respeto at paggalang niya rito.
Sa isip niya, kung bakit humantong sa ganoon ang kanyang ina ay dala marahil nang labis na pinagdaanan nitong hirap sa buhay. At sino ba siya para husgahan ang sariling ina.
"Ano na kaya'ng nangyari sa Menandro na 'yun? Lintek, anong petsa na wala pa 'yung sustento mo."
"Baka po may nangyari lang na aberya," sagot niya. Minsan ay nangyayari talaga na may ilang araw na nadi-delay si Tiyo Menandro sa paghahatid sa kanila ng sustento.
Mabait si Tiyo Menandro. Ito na ang nagsilbing father figure ni Criselda. May pagkakataong noong maliit pa siya ay nakukuha pa nitong ipasyal siya sa mall.
Minsan na rin niyang nahiling na sana ay si Tiyo Menandro na lang ang naging totoo niyang ama.
"Kailangan ko nang umuwi, Annabel," pagdaka'y sulpot ng lalaki na siyang customer ng kanyang ina. Ang lalaki ay isang Hapon bagaman matatas nang mag-Tagalog. Ang edad ay hindi nalalayo sa edad ng kanyang ina. Suki na itong maituturing dahil hindi lang may isang bases nang naging customer ito ni Annabel. Bigla ay hindi siya naging kumportable habang lumapit ang lalaki sa kanyang ina at nag-abot ng ilang perang papel.
Awtomatiko ang ngiting sumilay sa labi ni Annabel. "O sige, hindi na kita maihahatid sa labasan, ha?" malambing na saad nito. Nang makaalis ang Hapon ay sinundan pa ito ng tanaw ni Annabel. Animo'y may kung anong ipinangako sa kanyang ina ang lalaki at nasa anyo ngayon ni Annabel ang tila pag-asam sa pangakong iyon.
Ngayong may hawak nang pera ang kanyang ina ay alam niyang hindi nito ilalaan iyon para sa pambayad ng renta. Dahil asar ito kay Aling Carlota ay sadyang iipitin nito ang pera o mas ilalaan iyon sa pambili nito ng mga luho sa katawan, tulad ng kung ano-anong pamahid sa balat o pampaganda.
Kamukha ng kanyang ina ang aktres na si Carmi Martin, at bagaman talagang may edad na ay sadyang may-asim pa rin.
Pagkuwan ay naghanda na si Criselda para sa pagpasok sa kanyang trabaho. Isa siyang crew sa isang fastfood chain.
Nakapagtapos na siya ng high school subalit hindi pa siya nakaka-enrol para makapasok sa kolehiyo. Kapos pa sila sa budget.
May pangarap si Criselda, iyon ay ang makaalis man lang sa kasalukuyang kinaroroonan at makalipat kahit sa medyo disenteng lugar. Tipong hindi nangangamba na anumang sandali ay puwedeng mapaalis sa tinitirhan.
Alam niyang maabot niya ang simpleng pangarap na iyon. Lalo pa't insperasyon din niya ang kanyang ina na maiahon ito sa uri ng trabaho na mayroon ito. Batid niyang may awa ang Diyos at pasasaan ba ay malalagay din ang buhay nila sa ayos.
Sasamahan niya iyon ng ibayong sipag at tiyaga. At ngayon nga kahit papaano ay nagsisimula na siyang kumilos para sa pagtupad sa pangarap na iyon.
Isang maliit na hakbang sa pag-usad ang pagtatrabaho niya ngayon bilang isang service crew. Maliit man ang sahod ay magiging madiskarte siya sa pagtitipid at pag-iipon ng pera upang may mailaan siya sa pang-enrol sa kolehiyo. May tiwala siyang kakayanin niya iyon dahil simpleng kurso lang naman ang kukuhanin niya.
Nang makapag-ayos patungo sa trabaho ay nagpaalam na siya sa kanyang ina na muling pumasok sa silid nito. Nang hindi ito tumugon ay bahagyang hinawi niya ang kurtina at nakita niyang muli na pala itong natutulog nang walang anumang saplot.
Pumasok siya sa kuwarto at kinumutan ang ina.
Nagawa na niyang pag-aralan na maisan-tabi sa bahagi ng kanyang damdamin ang awa para kay Annabel. Huminga siya nang malalim at bago umalis ay dinampian niya ng halik sa pisngi ang ina.
Sa paglabas ni Criselda, lingid sa kanya ay may isang pares ng mata ang agad na humuli sa kanya para saglit na tutukan ang kilos niya. Ang may-ari ng matang iyon ay may kung anong emosyon ang biglang naramdaman sa tila naghalong pagka-awa at paghanga patungkol sa dalaga. Subalit hindi na nagawang ianalisa sa isipan ng estranghero kung ano ang mas matimbang sa biglang naramdaman.
Nang mawala sa tanaw nito ang dalaga ay muling binalingan nito ang bahay na nilabasan ni Criselda. Nagsimula itong lumapit habang kinapa sa tagiliran ang nakasuksok na baril.
Ang estranghero ay naglumikot ang mga mata. May mangilan-ngilang tao sa makipot na kalsada ang namataan sa paligid.
At pumasok sa isip na marahil ay hindi magandang ideya na sa ganoong kaaga nito isasakatuparan ang pagpaslang para sa ipinag-uutos ritong patayin.
Makalipas ang ilang sandali, ang estranghero ay nagpasyang bumalik na lamang sa pagsapit ng gabi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 13, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ThirstyStories to obsess over. Discover now