Closing Party

25 1 2
                                        

Nagsimula lahat nung magdecide kaming magclosing party. Akala namin noon, magsasaya kami. Wala kasi kaming pakialam sa iba, gusto lang namin magsaya. Yung kalimutan yung mga masasakit na alala na dala ng nakaraang mga buwan.

Matatapos na noon ang pagpasok sa eskuwela ng pagpasyahan namin kung saan kami magc-closing party. Kami lang ng mga barkada kong si Roda at Tin. Ayaw kasi namin sa plano ng amikng guro na kumain na lamang sa isang restaurant dahil madami rin namang nasobra sa pagbabayad ng tubig. Sa kinahaba ng pag-uusap namin ay napagpasyahan namin sa isang Resort sa Villa Gracia. Ang balita ko, marami daw mga kababalaghan doon kaya mas nakakapanabik o "exciting" ika nga nila.

Sabado ng nagpasya kaming umalis. Ang paalam namin sa aming mga magulang ay kasama kami sa closing party sa school at may bayad na 300 at dapat may pocket money na 200 pesos. Ang totoo niyan ay 100 lang ang bayad dun sa Resort at mura lang naman ang pagkain doon at kaya lang naman namin sinabi na ganoon nga ay para marami kaming kupit. Alam niyo na, panggimik.

Pagkarating namin doon ay sinalubong kami ng tahimik na lugar. Tanging hangin lang at tunog ng pagwawalis ang naririnig at ang mga huni ng mga uwak. Ang galing nga e, may uwak pala sa Pampanga. Tinignan kami nung matandang nagwawalis. Nakakapangilabot siya pero wala ni isang naglakas loob na umatras. Oo nga pala, kaya pala kami nagpunta rito ay para sa "thrill".

Ginaya kami ng matanda sa loob. Mga kubong gawa sa sawali ang mga "inn" dito kaya presko. Masarap ang matulog. Nalaman din namin na may malapit na batis kaya pwede kaming maligo ng pribado. Wala namang malisya saamin kung masilipan kami dahil wala naman yatang muang ang mga tao rito. De joke lang. Sana lang walang ganon don.

Kinagabihan,napagpasyahan naming kumain ng hapunan. Luto daw ng pinakamagaling nilang cook ang ihahain nila. Ang specialty daw nitong dinuguan. Excited kaming kumain ng luto ng lola dahil sa mga kwento ng mga nagtatrabaho rito. Nang ihain ay may takip pa itong bulaklaking plato na hula namin ay antik. Pagkatanggal namin ng takip ay bumungad saamin ang napakabangong aroma. Tila nangaakit itong matikman. Ang sarap-sarap ng kain naming tatlo. Siguro ay dahil sa ngayon lang ulit kami nakakain ng masarap at iba talaga ang lasa ng lamang loob at dugo na sahog nito. Kasalukuyan akong nagsasandok ng ulam sa malalim na bowl na lalagyanan ng may mapansin akong hugis bilog na lumulutang. Nangilabot ako ng mapansin kung ano man ang bilog na iyon. Nakakasuka! Pilit kong iniluluwal ang aking kinain at halos mamilipit na ang aking mga bituka kung ano man ang nakain namin. Laman ito ng tao at ang napansin ko kaninang bilog na lumulutang ay mata ng isang tao. Bigla namang lumabas ang matandang nagluto at sinabing "Masarap ba? bagong katay lang kasi namin sa sanggol na niluwal ni Rowena." at ngumiti pa ito ng pagkatamis-tamis.

Bigla ay nagtatakbo kaming lahat. Nakakadiri! Nakakapangilabot! Hindi namin akalain na makakakain kami ng totoong tao. Mga kanibal! mga hayop sila! gusto na naming makaalis sa lugar na ito. Hinabol kami ng matanda habang may hawak na itak. Para kaming naglalaro ng tagu-taguan habang nasa isang masukal na lugar. Ang laki ng pagsisisi namin nang dahil lamang sa closing naming ito. Sana pala sumama nalang ako kina Maam. Sana pala hindi nalang pala kami nagplano ng ganito. Nagtago kami sa isang malaking puno. Pigil-hiningang pag-iyak ang ginagawa namin. Ang totoo lang, ayoko nang mabuhay. Ayoko na ngunit mas ayaw kong maging ulam ng mga tao rito. Tumingin ako sa kabilang banda ng puno ng may mapansing mga tunog. Nabulaga kami sa lolang may hawak ng itak. Handang tatakbo na kami ng mahulog sina Roda at Tin sa isang butas. Natahimik muna ang lugar ngunit ialng sigundo lang ay lumabas na ang mga parte ng katawan nila. "AHHHH!" sigaw ko. Nahulog pala sila sa isang patibong. Ang tanga tanga kasi nila hahaha. Tumatawa ako habang may mga luhang pumapatak sa aking mga mata. Sana pala...hindi nalang kami naging mga pasaway. Akmang tatakas na ako ng mapatid ako sa isang bato at mahulog rin sa butas na patibong.


Haunted ResortStories to obsess over. Discover now