Ako si Krismel. Kime, Kris o Mel sa mga tropa. Nuon pa man ay hilig ko na ang graphic arts kaya naman hindi ako tumigil hanggang hindi ko nahasa ang aking talento sa bagay na ito. Iba kasi kaming mga artist. Eccentric. May sarili kaming mundo. Kakaiba ang pananaw namin sa halos lahat ng bagay at kadalasan ay hindi ito maarok o maunawaan ng karamihan. Ang tendency? Hinihila nila kami pabagsak at bilang isang artist, iisa lamang ang aming reaksyon sa mga naninira at humahadlang sa amin. Ang lumaban. Sa pamamagitan ng pagpupursigi sa aming nakahiligan. Sa pamamagitan ng patuloy na pagtuklas at pag-aaral ng mga bago at kakaibang uri ng sining. Ngayon, hindi lang ako isang ordinaryong graphic artist. Isa na rin akong photographer, videographer, dancer, rapper, at marami pang iba. Maraming humahadlang sa pangarap ko. Kaya itatanan ko ito. Halina at sumama kayong tuklasin ang mundo ni Krismel. Ang mundo ko.
ESTÁS LEYENDO
Lord of the Lens
AventuraLahat tayo may pangarap sa buhay. Nasa sa atin lang naman ito kung paano natin ito makakamit. Oo maraming hadlang, maraming pagsubok na dadaanan at darating at dariting tayo sa puntong parang gusto na nating talikuran at isuko ang ating mga pangarap...
