"Ang sarap talaga pakinggan ng boses mo pag kumakanta"

Napatigil naman ako bigla sa pagbirit dahil sa nagsalita. Napatingin ako sa likod ko and ayun nakaupo si Luis.
Magkatalikuran kasi yung mga bench bali nakaupo si Luis sa katalikuran ng bench na inuupuan ko.

"I-ikaw pala"
Napaayos ako ng upo at pinatay ang phone ko.

"Buti nakasama ka"

"Oo nga. Gusto ko kasi mapanuod si Bianca" ..at ikaw

"Aah"

Yun lang? End of conversation na?!

Anak naman ng tokwa ano bang nangyari saamin. Hindi naman kami dati ganito mag-usap eh.

After ko siyang kausapin sa tapat ng locker niya, hindi ko na ulit siya nakita.

Ok inaamin ko na medyo umiiwas ako sa kanya. Hindi na ako nanunuod ng practice nila Bianca ng pep squad after dismissal kasi natatakot akong makita siya.

Iniiwasan ko naring makasalubong siya sa school. Pero wala naman
kahirap-hirap ang ginagawa ko kasi mukhang pati siya iwas saakin.

Ang dahilan ko kaya ako umiiwas kasi nasaktan ako dun sa pagbawi niya. Naniwala ako na totoo lahat ng yun.

Pero eto, assuming na naman pala ako. Pero atleast ako may dahilan, pero siya hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit niya ako iniiwasan.

Gusto ko siya i-confront at tanungin. Baka mamaya may gusto talaga siya saakin kaso nagpakaduwag lang at binawi ang sinabi. Pero ayokong kausapin siya, mamaya assuming na naman pala ulit ako.

"Bestie!!"

Medyo gumaan ang pakiramdam ko nung makita kong padating si Bianca kasama sina Sally, Wila at ang
magandang demonyong si Glaiza.

"Hi Loves "

Ok sinisimulan na naman niya. Kada tatawagin niya ako ng ganyan kumukulo ang dugo ko, at halata namang nakikita niya yun kaya lang hindi parin niya ko tinatantanan ng kakatawag ng Loves dahil alam niyang wala akong magagawa dahil nga blackmailer siya.

Anak ng tokwa! Nag eenjoy talaga siya sa ginagawa niya!
Hindi ko na lang siya pinansin kesa masira pa ang araw ko.

Maya-maya lang din kumpleto na kami. After 15 minutes na pag aantay, sa wakas natawag narin ang flight number namin at pinasakay na kami sa airplane.

Hinanap ko naman agad ang seat ko
12B

Nung nakita ko na yung 12B medyo yamot naman ako dahil yung seat ko ay hindi katabi ng window.

Napapagitnaan pa ng dalawang upuan. Hay. Inilagay ko sa taas yung hand-carry na bag ko

"Excuse me"

Tumabi naman ako at napatingin sa likod ko and nakita kong umupo si Luis sa 12A, katabi ng bintana. Katabi ko.

Ano ba ito, pinaglalaruan ako ng tadhana?

Dahil sa no choice ako, umupo narin ako sa tabi niya. Hindi naman pwedeng nakatayo na lang ako dito forever.

Napatingin ako sa side niya and nakita kong nakatingin lang siya sa may bintana habang naka headset.

Kung ok lang sana kami ngayon edi masaya ako at kinikilig pa dahil katabi ko siya. Ang kaso hindi kami
nagpapansinan.

Hay

Sa totoo lang gustong gusto ko na ulit siyang pansinin.

Naramdaman kong may nag-occupy narin ng sit sa right side ko kaya tinignan ko kung sino.

The Casanova Has Fallen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon