Chapter one

30.8K 499 12
                                    

"Mahal na Prinsesa,your Prince is here" natawa ako sa pinagsasabi ng mga classmates ko.

Tiningnan ko ang labas ng classroom namin. I saw Luis standing with his brows furrowed. He is annoyed again,tsk! Tsk! Poor girls.

Nilapitan ko ito after I bid goodbyes to my classmates.

"Hey baby boy!" Sumimangot ito kaya natutuwa talaga ako sa batang ito,madali siyang asarin.

"Let's go?" Yaya nito.

"Yup!" Kumapit kaagad ako sa kaliwang braso nito na parang bata saka kami naglakad sa hallway. Matanda ako dito pero heto at mas matangkad pa ito sa akin kahit kinse pa lamang ito.

He's taking me to the sport complex,kung saan ako nagpapractice ng tennis after school. Walking distant lamang iyon dahil sa school compound pa rin iyon. Tulad ng nakasanyan namin he will wait until I finish then we will go back home together. They are living two blocks from us lang naman kaya okay lang.

"After ng tournament mo,Punta tayo sa resort nyo,chill tayo don,namiss ko na si Cordelia" ngumiti ako sa sinabi nito.

Cordelia is his childhood crush,anak iyon ng dating receptionist namin na ngayon ay manager ng resort namin. Ako lang ang nakakaalam non,dahil ako ang pinakaclose sa kanya. Doon sa probinsiya nag aaral si Cordelia kasing edad ko iyon. Pero childish siya,lalo kapag itong batang ito na ang kaharap. May crush din kasi si Cordelia dito kay Luis,pero hindi alam ni Luis iyon. Ayaw ipaalam ni Cordelia dito pero alam ng lahat.

"Ikaw Luis ha,kabata bata mo pa si Cordelia na ang inaatupag mo,bakit hindi iyong niyugan nyo sa probinsiya nyo ang atupagin mo? Baka sambahin ka pa ni tito Mon" muli na naman itong sumimangot.

Ayaw na ayaw niya iyong gawin,mas gusto kasi niyang dito sa syudad manatili. Nagpaalam pa nga ito kay daddy noon na sa resort daw siya magtatrabaho kapag nakatapos siya ng pag aaral. Okay lang naman iyon sa kay daddy pero hindi sa daddy nito.

"Niyugan na naman! Sawang sawa na ako doon,ilang araw lang naman tayo doon sa resort,saka huwag mo nga akong pangaralan na parang bata dyan,ikaw nga itong dapat pinapangaralan,kung malalaman lang ito ni tito siguradong mawawala sa landas mo ang lalaking iyon"

Itinulak ko ito sa inis ko,pinagtawanan pa ako nito at inakbayan ng mahigpit.

"See,nakakainis no? My dilemma is lighter than yours kaya huwag mo akong inaasar dahil mas maaasar ka sa akin"

"Ewan ko sayo Luisito" tumawa ito ng malakas dahil alam nitong naaasar na ako lalo na at tinawag ko na ang buong pangalan nito.

"By the way,balita ko nag quit na daw sa double match si Encarnacion,di ba nag promise sayo iyon na ipapanalo ang tournament para sayo? Bakit umalis siya kaagad? Ang lame ha!"

Napabuntong hininga ako,I feel sorry for him,it was my fault,not actually me but Cuevas is,he is blaming me for that. He said ayaw niya akong madistract sa laro ko. That he wanted me just to focus,kaya ayun pinahirapan niya ang kawawang boyfriend ko hanggang sa nagquit ito dahil sa stress na iniatang dito ni Cuevas.

I hated him for doing that to my boyfriend. Patrick is a good guy and a good tennis player but he didn't make it for the final trials. I know Cuevas sabotage his game by playing dirty behind.

Patrick talked to me yesterday,he was sorry that he won't be able to win the tournament for me. I just hugged him and tell him its okay that I will win the game for him.

"His not lame! That dauchbag of a coach is pressuring him" nanlilisik ang aking mga mata,hindi iyon nakikita nito. Naiinis ako sa lalaking iyon,he is insensitive and a jerk. Akala mo kung sinong magaling,like I care.

Renna Sanders Where stories live. Discover now