Chapter 1: Crush

10.2K 216 11
                                    

Chapter 1: Crush

"Bakit ang tagal?" tanong ni Nof habang nakadungaw sa bintana. Nilabas niya yung cellphone sa bag saka tinignan yung oras nung pagtawag ng nanay ng bata. "Isang oras na ah. Ano ba yan?" bigkas niya sa inis saka tinignan yung bata natutulog sa sofa.

Tumayo ang binata saka binuhat yung bata at pinasok sa kwarto. "Teka lang ha, dito ka lang ha maliligo lang ako" bulong niya saka kinuha ang lahat ng unan mula sa lahat ng kwarto saka pinalubutan yung bata.

"Stay...maliligo lang ako...wag kang gigising. I command you not to wake up" sabi niya sa mahinang boses saka lumabas ng kwarto. Di pa siya nakakalayo bumalik siya para sumilip. Nang makita yung bata na tulog tumakbo siya papunta sa banyo pero nalito siya. "Bwisit naman e" bigkas niya saka bumalik sa kwarto saka tinignan yung relo niya.

Pabirong hinarap ni Onofre palad niya sa batang natutulog, "I command you to sleep. Deep sleep" bigkas niya saka paspas na nagtungo sa banyo. Limang minuto sa shower, tumigil siya saka tumayo sa may pintuan ng banyo para makinig. Tinuloy ng binata ang pagligo niya kaya pagkatapos ng sampung minuto paspas siyang nagtungo sa kwarto.

"Good girl, now stay that way" sabi niya saka paspas na nagtungo sa kabilang kwarto para magbihis. Pagbalik ni Onofre sa kwarto gising na yung bata at naaupo lang ito. "Milk?" tanong ng binata pero tinignan lang siya ng bata.

"Ah cartoons" sabi niya saka tumakbo palabas ng kwarto para kunin yung tablet. Pagbalik niya agad niya nilapitan yung bata, "no" bigkas nito kaya napakamot si Onofre. "E ano? Ah banana?" tanong niya pero biglang tumayo yung bata saka yumakap.

"Okay okay" sabi ni Onofre saka tumayo at nagtungo sa may bintana. Umihip ang hangin, yung bata natili at napangiti kaya napangiti narin si Onofre. "Oh kasi mainit dito ano? Gusto mo lumabas tayo? Yung nanay mo kasi walang isang salita e. Diba?" banat niya pero biglang nagturo yung bata.

"What is it? Oh are you pointing at that guy? Ikaw ha ang bata bata mo pa" biro ni Onofre. Walang tigil na nagtuturo yung bata kaya nalito na yung binata. "Okay lets go out, badtrip naman kasi mama mo e" bulong ng binata.

Sa may pintuan ng cottage napatigil si Onofre, "Gugutumin ka kaya? Okay one bottle we bring" sabi niya kaya binulsa niya yung isang bote ng gatas. "Teka baka tumawag mama mo tapos punas kasi mainit...oh my God" bigkas ni Onofre.

"Omagaaa" bigkas ng bata. "No no no, don't follow what I say. Tsk naman dadalhin ko tong bag. Tsk male nanny ang peg bwisit" bulong ni Onofre. Paglabas nila ng cottage super ngiti at tili ng tili yung bata kaya si Onofre napapangiti narin. "Ah gusto mo lang pala lumabas" sabi niya.

Di pa sila nakakalayo sa cottage may dalawang magandang babae ang nakasalubong nila. "Ay ang cute" sabi nung isa sabay turo sa bata. Nagulat si Onofre pagkat lumapit pa talaga yung dalawang dalaga sa kanila. "Hello cutie" bigkas nung isa saka inabot pisngi nung bata.

Yumakap yung bata kay Onofre saka tinago mukha niya sa leeg ng binata. "Ang cute naman ng anak mo" sabi nung isang babae. "Ah..hindi ko anak" sagot ng binata. Yung isang dalaga tumayo sa likuran ni Onofre, "Uy don't be shy cutie pie" bigkas niya.

Natili na yung bata saka tumawa, nagtawanan yung dalawang babae kaya lalong tumawa yung bata. "Hala ang cute niya sobra" sabi nung isa. "Bye bye na cutie may lakad pa kami e" paalam nung isa. Nag waive yung mga babae, "Oh come on waive ka rin" udyok ni Onofre saka kumaway. Biglang gumaya yung bata kaya nagtawanan yung mga babae kung saan natawa nanaman yung bata.

Habang palakad palayo lingon ng lingon si Onofre, "Ang gaganda non ah, parang lucky charm kita to meet girls pero iisipin nila daddy mo naman ako" sabi ni Onofre. "Oh baka gayahin mo, tito tito tito tito tito" banat niya kaya tinignan siya ng bata. "Tiwooo" bigkas niya. "Yes good girl, ti-to...ti-to.." sabi ni Onofre. "Tiwooo" hiyaw ng bata saka nagbungisngis.

YAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon