"Eh namimiss na kasi kita eh.. Wala naman masama di ba? Alam naman ni Tito na mag bestfriend tayo, so okay lang naman siguro na nandito ako.. Ayaw mo ba?"-Glaiza

"Hindi naman sa ganon Cha.. Syempre gusto ko.. Gustong gusto.. Kaya lang wrong timing ka.. Mag uusap kami ni Dad, yan tuloy nadamay ka pa sa usapan namin.."-Rhian

"Ayos lang sakin Love-love.. Wala kang dapat ipag alala.."-nakangiting sabi ni Glaiza

"I'm sorry Love, wag mo sanang isipin na itinataboy kita ha? Dahil hinding hindi ko gagawin sayo yun.. I love you so much Cha.."-Rhian

"It's okay.. Alam ko naman yun eh, natatakot ka lang.. Pero wag kang mag alala, wala ka naman dapat ikatakot eh..(kiss sa noo) Mahal na mahal kita.."-Glaiza

"Nandyan na ang Daddy nyo.. Umayos na kayo at baka makahalata yon.."-sabi ni Mommy Clara sa dalawa at umayos naman ang mga ito..

"Glaiza anak, kamusta ka na pala? Okay ka na ba?"-panimula ni Daddy Gareth

"Yes po Tito.. Medyo masakit nalang ang mga sugat ko but I'm okay now.."-nakangiting sagot nito

"Good.. Pero nakikilala mo ba ang gumawa sayo nyan? Glaiza, parang anak narin kita, kaibigan ko ang tatay mo, nangako ako sakanya bago sya namatay na ituturing kitang parang isang tunay na anak.. Kaya magsabi ka lang sakin kung gusto mong ipakulong natin ang gumawa sayo nyan.. Hindi ka na iba samin Cha.."-Daddy Gareth

"Salamat po Tito at napakabait nyo sakin.."-Glaiza

"Para na kitang anak eh.."-nakangiting sabi nito

"Rhian, (baling nito sa anak) pinayagan kitang umuwi dito sa Pinas dahil ang sabi mo may nangyaring masama kay Glaiza, sa bestfriend mo.. Pero napagkasunduan din natin na after 2 days ay babalik ka rin agad.. Anong nangyari anak?"-mahinahon na sabi ni Daddy Gareth

"Dad.. I'm sorry kung hindi ako tumupad sa usapan natin.. Dad hindi ko kayang magpakasal kay Jason.."-Rhian

"Ano?! Rhian ano yang sinasabi mo? Pumayag ka na sa kasunduang to di ba?! Bakit ngayon umaatras ka na?! Nakakahiya anak.."-galit na sabi nito

"Gareth, wag mo pilitin ang anak mo na magpakasal sa taong yun!"-Matigas at seryosong sabi ni Mommy Clara

"No! Sa ayaw at sa gusto mo magpapakasal ka kay Jason!"-Daddy Gareth

"Tito, please.. Wag nyo po pilitin si Rhian, alam ko po hindi ako dapat nakikisali pero Tito---"-naputol ang sasabihin ni Glaiza ng magsalita si Rhian

"Dad No please! May mahal akong iba at ayokong saktan ang taong yun.. Mahal na mahal ko sya Dad.. Hindi ko kayang mawala sya sakin.. Please Dad.."-umiiyak na sabi ni Rhian

"Cha, (bumaling ito kay Glaiza) wag mong ipagtanggol tong kaibigan mo! Magtapat ka, sino ang lalaking kinalolokohan ng kaibigan mo?!"-Baling ni Daddy Gareth kay Glaiza

"Gareth tama na yan.. Hindi ka ba naaawa sa anak mo?"-Mommy Clara

"No! Nakakahiya kay Mr. Tiu at kay Jason.. Wala silang ipinakitang hindi maganda satin.. Kaya anak, sa ayaw at sa gusto mo hihiwalayan mo yang sinasabi mong mahal mo!"-Daddy Gareth

"Tito Gareth.."-Pag awat ni Glaiza dito pero parang wala itong narinig

"Clara! Ayusin nyo na ang gamit nyo ng anak mo ngayon din! Babalik na tayo ng London ngayon mismo! Kung ayaw nyong ipakaladkad ko pa kayo!"-Daddy Gareth

"No Dad! No! Hindi ako sasama sainyo! Ipaglalaban ko ang taong Mahal ko.. I'm sorry Dad.."-si Rhian na walang tigil sa kakaiyak

"Sino ba ang lalaking yan ha Rhian?! Ni hindi ko sya kilala! Kay Jason ka nalang anak, mabait syang tao, matututunan mo rin syang mahalin.. Ako ang Daddy mo kaya sa ayaw at sa gusto mo susunod ka sa mga kagustuhan ko.."-Daddy Gareth

"At ikaw Clara dalhin mo ko sa lalaking kinalolokohan ng anak mo!"-baling nito sa asawa

"Hindi na po kailangan Tito.."-tumingin si Glaiza sa mga mata nito..

"Cha!/Glaiza.."-sabay na pag awat ni Rhian at Mommy Clara kay Glaiza sa maaaring sabihin nito

"What do you mean hindi na kailangan?"-takang tanong ni Daddy Gareth kay Glaiza

"Dahil... Dahil ako po ang tinutukoy ni Rhian na mahal nya.. Ako po ang girlfriend nya.."-pag amin ni Glaiza dito




O___O gulat na gulat si Daddy Gareth sa narinig nya mula kay Glaiza.. Natatakot naman sila Rhian at Mommy Clara sa magiging reaksyon nito, dahil sa pag amin ni Glaiza dito maaaring tuluyan na silang hindi magkita..


















A/n: sorry sa short at lame ud.. 🙂

Ano na kaya ang mangyayari dahil sa ginawang pag amin ni Glaiza??

Hiwalayan na nga ba??? Magkakalayo na ba talaga sila ng tuluyan??

Vote. Comment. 😊

Happy Reading!❤️❤️❤️

Magbigay ng halimbawa ng maliit na isda..😊

Besfriends Into LoversWhere stories live. Discover now