Chapter One

32 3 6
                                    

It all starts here. 






"Ellie!!!!" 


Hay. Narinig ko na naman ang nakakabasag eardrums na sigaw ni Rem.



"BAKIT!?" Pabalik kong sigaw sa kanya galing sa bintana ng apartment ko.



"Tara na dali!!!!" Sigaw nya ulit.



Sinabit ko na sa balikat ko 'yung black bucket bag ko.


"Teka, saglit, last na!" Pagkasigaw ko sa kanya ay inayos ko muna ng kaunti 'yung buhok kong kaka-blow dry ko pa lang at dahil sa kakamadali ko ay hindi na ako nakapag-clip pa o kung anong kaartehan.



Mabilis kong kinuha 'yung susi ng apartment ko sa taas ng ref at tumakbo na palabas. 

"Ang tagal mo talaga Zoella! Kailan ba 'yung araw na ako naman ang hihintayin ---"




Hinarang ko ang kamay ko sa bibig niya para tumigil na siya sa kakadakdak at binuksan ang pinto ng passenger seat ng jeep wrangler niya. Ang yabang 'di ba. Kahit nakapantalong kupas, dirty white t-shirt at chuck taylor's na gusgusin lang 'tong kasama ko e 'who u' naman ang mga tao sa auto nya. 


Siya lang naman kasi ang kaisa-isang very notorious bachelor in the country. Anak kasi siya ni PNoy. Pero siyempre joke lang 'yun dahil wala namang asawa si PNoy. Well, anak siya ni Mr. Erwin Dela Costa ang may-ari ng Haul Magazine na pinagtatrabahuhan ko.


Siguro nagtataka na kayo kung paano ko siya nakilala 'no.


"Saan tayo ngayon?" Tanong ni very notorious bachelor sa'kin. Aba bwiset 'to, siya 'tong minadali ako tapos ako ang tatanungin niya kung saan kami. Hays. Kailan pa nga ba siya ang nasunod sa trip namin. 


"Tara Ilocos!" sambit ko. 


"Sira ulo, ang layo nun--sige tara!"


Sus, sinabi ko na nga ba eh. Kailan ba niya ako hinindian.


Ini-start na niya ang engine at nagsimula nang tumugtog ang Puppy Love by Paul Anka.


Anyway, highway. Nakilala ko itong si Rem, well known as, Jeremy Van Gogh, charot, Jeremy Last Dela Costa sa..... banyo. Weird 'di ba. Well, nasa family vacation kasi kami noon sa Puerto Galera and sa sobrang ihing ihi ko na ay hindi ko na napansin ang napasukan ko kung pambabae ba iyon. Pagpasok ko ng banyo, wala naman tao kaya hindi ko na din talaga napansin at umihi na ako sa isang cubicle, at paglabas ko ay....


Half a HeartWo Geschichten leben. Entdecke jetzt