P R O L O U G E

43 2 1
                                        


"Wala kang mararating sa pangarap mong iyan!" sabi ng aking ama.

"Oto-san meron akong mararating dito! At hindi mo ako mapipigilan sa pag abot ng aking pangarap!"

"Isa kang kahihiyan sa buong angkan ng Yamamoto."

Pagak akong tumawa at tumingin sa kanya, ang aking ama, ang nag turo ng lahat lahat sakin kung pano maging malakas, sa kabila ng aking mahinang katawan. Pigil ang aking mga luha at tumingin sa kanya.

"Matagal na Oto-san, matagal na akong kahihiyan sa ating angkan. Ako na isang anak ng Yakuza, na dapat sanay lalake ay naging isang hamak na babae." Talikod ko habang pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo.

"Yumi Yamamoto! Sa oras na umalis ka sa pamamahay na ito ay wala na akong maituturing na anak!"

"Matagal na kayong walang anak Oto-san, matagal na siyang namatay." Sabi ko at lakas loob akong lumabas sa bahay namin at pati narin sa buhay ng aking Oto-san na si Jin Yamamoto, isang leader ng kinakatakutang Yakuza ng Japan, at dahil namatay ang aking ina sa pag anak sa akin ay hindi na ako nasundan pa.

Bilang isang Yakuza, expected ka na ang iyong first born ay maging isang lalake, pero sa kaso ko hindi, dahil naging isa akong babae.

One Ok Rock : Toru YamashitaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon