chapter 1

51 0 0
                                        

"HINDI NA TAMA ITO VICE! KAIBIGAN MO SI KARYLLE. KAIBIGAN MO SIYA" Sabi ni Vice sa sarili niya habang tinititigan ang larawan ni Karylle sa phone niya. Hindi na nya alam kung bakit nya ito nararamdaman sa kaibigan niya.

"Anong gagawin ko para mawala tong nararamdaman ko sa kaibigan ko? Letse naman Vice ehhh!!" Sabi niya sabay sabunot sa buhok niya.







Ilang araw nang di pinapansin ni Vice si Karylle dahil nga sa iniiwasan niyang lumalim pa ang nararamdaman niya sa dalaga. Napansin naman ito ni Karylle na hindi siya pinapansin ni Vice kahit magkaklase naman sila. Hanggang isang araw partner si Vice at Karylle sa isang project nila kaya napagisipan nilang sa bahay nalang ni Vice gawin ang project nila kaya nagkaroon ng time si Karylle na tanungin si Vice.

"Besh? May problema ba tayo?" tanong ni Karylle kay Vice.

"H-ha? Wala bakit mo yan natanong?"

"Eh kasi bat di mo ko pinapansin? Napapansin kong iniiwasan mo ako"

"Ano ka ba besh?! Di kita iniiwasan noh!" Iwas tingin sabi ni Vice kay Karylle.

"Sigurado ka ha"

"Oo naman. Sige bababa muna ako para makaluto ng makakain natin wala pa si Nanay eh"

"Sige dito lang ako"

Papunta na siya ng kusina at di niya matiis na kausapin ang sarili.

"Vice! Wag ka kasing halata na iniiwasan mo siya ano ba yan Vice?! Ibalik mo yung dating kayo! yong pagkakaibigan niyo"

Habang nagaayos siya nang saktong pababa na si Karylle.

"Oh besh! Nandyan ka na pala hintay nalang naghahain na ako"

"Sige sige iinom lang sana ako ng tubig eh pero hintayin ko nalang yan nagugutom na ako"

"Hahaha nako ang alaga ni Ana Karylle sa tyan kumakatok na!!"

"Hoy grabe to! Hindi pa naman!"

"Nako nako tara nga dito kain na tom jones na din ako eh!"

Sumunod na si Karylle papunta sa dining area nila Vice.Habang kumakain inaliw-aliw ni Vice si Karylle para naman mawala ang hinala nito kung bakit siya iniiwas nito.

"Besh kailan mo kasi sasagutin yong manliligaw mong si Dingdong?! Tagal ka na nililigawan nun ah"

"Di muna ngayon Besh! Umaaligid ang ahas eh baka magpatuklaw sya eh mahirap na ahahaha"

"Grabe to! Ahas talaga?!"

"Sige linta nalang! hahaha kung makadikit kasi kay Dingdong kala mo jowa na siya. Di nga siya yung nililigawan eh"

"Nagseselos ka ba Besh?"

"Ano? Ako nagseselos? Hell no!!!"

"Okay sabi mo eh!"

"Di nga ako nagseselos Vice!" Kapag Vice na ang tinawag ni Karylle sa kanya alam na nyang napipikon ito.

"Oo na to naman pikon di eh"

"Ikaw kasi eh!"

"Hahaha sorry na!" Tumayo naman sya sa kinauupuan niya para yakapin ang kaibigan.Nagulat siya sa kanyang kinilos kaya bigla siyang bumalik sa kanyang upuan ang niligpit na ang kanilang pinagkainan.

"Okay ka lang Besh?"

"Oo naman! Tapos ka na bang kumain?"

"Oo tapos na. Tulungan na kita dyan"

It's Complicated // ViceRylleShortStory [ONHOLD]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon