CHAPTER 3

2.9K 75 0
                                    

CHAPTER THREE


"PUWEDE bang mag-almusal muna tayo bago natin hanapin ang aso mo?"

"Eros is not just a dog," pagtatama ni Joy kay Bert. Iniwan na siya nito sa sala at dumiretso sa kusina. Nakapagluto na siya kanina ng almusal at nauna na rin siyang kumain kanina. Ayaw niya kasing kasabay ito dahil naiinis pa rin siya rito. "He's more than a dog," pagpapatuloy niya.

"Okay," tipid na sagot nito. "Come here. Let's eat."

"Thanks, but no thanks. Bilisan mo dahil gusto ko nang makita ang aso ko."

"He's more than a dog, right? Don't call Eros a 'dog.'"

"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo. Akin 'yon. Ako ang ina niya kaya sasabihin ko ang gusto kong sabihin." Tumungo siya sa kusina. Nagsasalin na ito ng sinangag sa pinggan nito. "Kapag hindi ko nakita si Eros, lumayas ka rito dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko sa 'yo. Pipilipitin ko ang leeg mo hangga't sa maubusan ka ng hininga. You're bad, ikaw ang pumunta rito sa teritoryo ko at namerwisyo ka pa. Ang galing mo. Ang galing-galing mo, boy." Talagang nanggagalaiti siya sa galit.

"I'm Bert," pagtatama nito.

"Wala akong pakialam!" Kumakain na ito. Nagluto siya ng scrambled egg at hotdog. Iyon lang naman ang kaya niyang lutuin sa umaga. "Teka, kung hindi ka ex-convict sino ang pinagtataguan mo rito? Hindi mo ba naisip na baka madamay ako sa mga kalokohan mo?" Hindi ito sumagot. Magana lang itong kumain. "Sumagot ka!" Pinukpok niya ang lamesa. Nagsitalunan ang pinggan, baso at pitsel. Ni hindi niya man lang ito nakitaan nang pagkagulat.

Marahang tiningala siya nito. "Why are you so hyper? Ang aga-aga." He just continue eating.

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Mas lalo siyang naiinis dahil mukhang hindi man lang ito nati-threaten sa kanya. Mukhang walang epekto ang mga pinagsasabi niya rito. "Sumagot ka nga sabi, eh!"

Tiningala muli siya nito. "May isang matronang obsessed sa akin. Kailangan kong magtago dahil hina-harass niya ako. 'Yon." Kinuha nito ang basong may lamang tubig at lumagok.

Napatitig na lamang siya sa adams apples nito. It was... all right! It was a very sexy scenario. Pakiramdam niya ay nanuyo rin ang lalamunan niya. Hindi niya napigilan ang sariling hindi lumunok. Nailapag na nito ang baso.

"Ang guwapo mo!" nasabi niya sa kabila nang pagtitig nito sa kanya at pagkindat kapagkuwan. Huli na upang bawiin niya iyon.

"I am. Stop staring. Baka ma-in love ka lang. I may be single, but I'm not available." Tumayo na ito bitbit ang pinagkainang pinggan at nilagay sa lababo. Hinugasan nito ang mga iyon.

"Ang kapal mo rin, eh, 'no? Alam ba ng kuya ko kung gaano ka-hangin? Ngayon ko lang naman na may mahangin palang kaibigan si Kuya."

Tumawa ito. "Now you know," panggagaya nito sa accent ng pambansang kamao.

She wanted to laugh but she chose not to. Baka isipin pa nitong close na sila nito.

Something is bothering her. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay kakaiba ang tawa nito. Naiinis siya rito pero hindi matigil ang pagpuri niya rito. Those are very simple gestures but she couldn't help herself from describing it she couldn't understand.

Nang matapos ito ay hinarap siya nito. "Saan tayo unang maghahanap?"

Ingos ang isinagot niya rito at binirahan na ito nang talikod.

"HINDI ba natin susubukan sa mga kapitbahay muna magtanong? Bakit kailangang magpaskil agad ng mga pictures ni Eros?" Iyon ang tanong ni Bert kay Joy.

How Do You Heal A Broken Heart? by Rill MendozaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon