Chapter 1

8.6K 184 4
                                    

Rogues

"Josie nakahanda na ba lahat ng mga gamit? Kelangan na nating mailayo si Mediatrix sa lugar na ito as soon as possible!"

Mabibilis ang mga kilos ng mag-asa sa dis-oras ng gabing iyon. Lahat sila ay abala sa pagkukuha ng mga mahahalagang gamit at mabilisang inilagay ang nga iyon sa kotse na nakaparada sa labas.

"Dan, kinakabahan ako para sa anak natin. Masyado pa siyang bata para maranasan lahat ng ito! Anong gagawin natin danny?"

Mabilis na niyakap siya ng kanyang asawa at hinalikan ang kanyang noo sabay lingon sa kwarto ng kanilang munting prinsesa. Paniguradong natutulog na ito sa mga oras na iyon. limang taong gulang pa lamang ito ngunit hinaharap na nito ang kalbaryo ng buhay.

"Walang mangyayaring masama sa anak natin Josie. lahat tayo ay magiging ligtas. Hindi ko hahayaangay mangyaring masama sa mag-ina ko." Mabilis ang hiningang binitawan nito ang kamay ni josie at nagsimula na ulit mag-impake ng mga gamit.

Nanatiling nakatayo si Josie nang may biglang nahagip ang kanyang mga mata. Biglang humangin ng malakas at nagsigalaw ang mga kurtina sa bawat sliding window ng palapag. Nanginginig na nilapitan niya ang kwarto ng kanilang anak saka mabilis na pinasok ito....at doon naabutan niya si mediatrix na lumulutang. Tulog parin ito habang nakalutang ito.

Nasapo niya ang bibig sa gulat at mabilis na pumatong sa kam ng bata at hinawakan ang nakalutang na katawan ni Trix.

"Anak... anak gumising ka! Anak!" Niyoyogyog ngunit hindi parin ito nagigising hanggang sa makarinig ito ng putok mula sa labas. Putok iyon ng baril at sigurado siya doon. Hindi niya alam ang gagawin dahil abot-abot na ang kaba na nararamdaman niya ngayon! ang tanging nasa isip niya ngayon ay ang asawa niya! Si Danny! Anong nangyari kay danny?!

"Danny!!" Bababa na sana ito nang may humawak sa mga kamay niya at ito ay ang anak niya na ngayon ay nagising dulot ng putok mula sa baril. Nalaglag ang bata mula sa ere at nasalo naman ito ni Josie.

"Anak...anak! Anak!" Hindi niya mabilang kung nakailang ulit na siya ng tawag sa kanyang anak dahil sa kaba at takot mula kanina. Akala niya hindi na ito magigising.. akala niya hindi na ito babalik sa dati.

"Mommy? why are you crying? Bakit po? Ano pong nangyayari? Where's daddy mommy?-" natigil ang bata nang makarinig ulit sila ng putok sa labas. muli niyang naisip ang kalagayan ng asawa. She's sure that danny is fighting against them. At alam niya ring walang laban ang asawa niya sa kanila.

umiiling na sinapo niya ng mukha ng anak na ngayon at naguguluhan sa natinig na putok ng baril. The poor child ask her mother.

"Mom, was that a gun?" Mabilis itong umiling at pinakalma ang anak. Hinalikan niya ito sa pisnge saka hinarap. She's crying right in front of her daughter kaya hindi niya pwedeng sabihing okay lang ang lahat when it' freakin' not okay! Simula ng kasunduan na iyon ay hindi na naging okay ang buhay nila! And it's all because of that fckin' agreement!

"Shhh. Anak baka may nalaglag lang sa labas." she lied and then wiped out the tears of her child.
" Hayaan mo, aayusin lang muna iyun ni mommy ha. Matulog ka muna anak... and please don't make any sound." She kissed her forehead and went at the door. Nakita niyang nakatitig lang sa kanya ang anak niya kaya nginitian niya ito ng mapakla. Ngumiti naman ang bata at humiga sa kanyang kama.

Pagkalabas niya ng kwarto ay mabilis na hinugot niya ang baril na nasa bulsa niya. Mas mabuti ng mamatay siya sa laban na ito kaysa isuko nila ang kanilang prinsesa.

Mabilis ang kilos na nagtungo ito sa sala at nagulat sa nadatnan. Ang asawa niya.... mapapikit siya ng mariin nang makitang duguan ang asawa niya.

The Vampire's Wife (AAKB BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon