FEBRUARY 2008
PAMPANGA HIGH SCHOOL
PROM ng mga fourth year high school students sa Pampanga high school ( PHS) sa malaking convention center ng paaralan ito ginaganap.May mga malalaking scented candles sa bawat table at live acoustic band na tumutugtog ng romantic songs.
Then Shane arrived at ang lahat ay napatingin sa kanya. Sikat si Shane sa PHS.Nakahahalina ang gandang taglay nito lalo na ngayong gabi. Napaka-striking ni Shane sa gown nitong satin na kulay black. May geometric large triangles cut-outs ito na nagre-reveal ng kutis nitong maputi at ng kaseksihan ng kanyang balakang. All gentelmen's eyes are glued to her.
Nilapitan ni Shane ang boyfriend niya at nag simula silang sumayaw. Albert was her boyfriend just for convenience. Heart throb ito at member ng basketball varsity team. Batid ni Shane na hindi sineseryoso ng lalake ang relasyon nila. She has no deep feelings for Albert, either.
Nang matapos silang magsayaw, nagsalita si Albert.
"Shane,I'II have to leave you for a while. May kakausapin lang ako", wika ni Albert.
"Go on. I can manage alone" sagot ni Shane Naglakad palayo si Albert. Nagulat ang lahat nang biglang namatay ang lahat ng ilaw sa bulwagan. Napatili ang ilan sa mga babae nang biglang dumilim ang paligid. Nawalan ng kuryente. Dahil brown out ang mga kandila sa bawat mesa ang nag sisilbing liwanag sa buong bulwagan. Ngunit di sapat ang mga liwanag nito para magkitaan nang mabuti ang bawat isa. Kahit nawalan ng kuryente, hindi tumigil sa pagtugtog ang live band dahil acoustic guitar at beat box lang ang gamit nil sa pagtugtog kasalukuyan nilang tinutugtog ang kantang "Princesa."
Dalhin mo ako sa iyong palasyo. Maglakad tayo sa hardin ng iyong kaharian. Sa pag -iisa ngayon ni Shane ay nilapitan siya ng isang lalake at masuyo nitong kinuha nag kanyang mga kamay at isinayaw siya bigla. Wala man akong pag-aari pangako ko'y habangbuhay kitang pagsisilbihan oh aking Princesa....
Hindi niya maaninag ang mukha ng lalake.
"Sino ka?! "gulat na tanong ni Shane.
"Ako'to... Boyfriend mo, sagot ng lalake.
"Albert?Ikaw'yan?!
"Ako nga to... "
"Bakit parangviba ang boses mo?!
"Ah.. Eh.. Medjo nagkasipon lang ako.. Ayun... "sambit ng lalake. Patuloy pa rin sinasayaw ng lalake si Shane at biglang narinig ng lahat ang tunog ng electric stalic senyales na muling magbabalik ang kuryente.
Ah.. Shane.. Sige una na ko"nagmamadaling paalam ng lalake.
"Ha? Saan ka pupunta.? Ani Shane
"Eh.. Naje-jebs ako. Sige... "
Ngunit bago tuluyang mag paalam,ninakawan siya ng halik ng lalake sa kanyang mga labi.
Nang muling nagkailaw, napansun ni Shane ang isang itim na sapatos sa harapan nya. Pinulot niya ito habang may pagtataka sa isipan niya.
Nilinga-linga niya ang paligid upang hanapin ang lalakeng Nakipag sayaw sa kanya. Alam niyang hindi niya boyfriend at nagpapanggap lang ang lalake kanina ngunit nakisakay na lang siya sa trip na iyon ng lalake. In the first place, prom naman iyon at kahit sino ay pwedeng makipag sayaw sa kahit sino.
At sa pagmamasid niya, agad na nasagi ng kanyang paningin ang totoong boyfriend niyang si Albert sa di kalayuan na nakikipaghalikan naman kay camilla isa sa mga kamag aral niya na hindi niya nakakapalagayan ng loob.
Nilapitan ni Shane sina Albert at Camilla.
Nagulat naman sina Albert at camilla.halatang di nila namalayan na nagka-ilaw na pala at nasa harapan na nila si Shane.
"Shane. I can explain. Hindi ako ang nanghalik sa kanya.si Camilla ang biglang humalik sa akin habang walang power.... "defensive na paliwanag ni Albert.
Itinapat ni Shane ang sapatos na hawak sa mukha ni Albert sabay sabing, "Shut up, shoe face, "at sabay isinampal ni Shane ang sapatos sa pisngi ni Albert na ikinagulat ng lahat ng nakamasid sa kanila.
Classy at refined parin si Shane nang lumakad ito palayo kina Albert at Camilla.
"Com on guys, lets party! "nagawa pang sigaw ni Shane.
At biglang nag iba ang tugtog mula sa senti
Patungong disco music. At nagsasayaw si Shane na parang walang nangyari kasama ang iba pang mga estudyante sa gitna ng dance floor.
"And the Prom Queen for this night is none other than... Miss Shane marie sandoval.
Inasahan na ng lahat na si Shane ang tatanghaling Prom Queen.umakyat ng stage si Shane para mapatungan ng korona ng Prom king.
Hindi affected si Shane kahit na niloko siya ng boyfriend niya.ngunit habang nag sasayaw sila ng Prom king, hindi mawaglit sa isip ni Shane ang nagpanggap na boyfriend nya kanina para isayaw siya.
At nagawa p niyang mag iwan ng sapatos.
Hindi mapakali si Shane habang iniisip ang lalake... Dahil sa dinami dami ng mga naging karelasyon ni Shane, ang pagnanakaw ng halik na ginawa ng lalake sa kanya ang kanyang first and Best Kiss yet.
Ngunit batid niyang imposible na niyang makitang muli ang lalakeng tinagurian niyang si Cinderelo"
