Mahal Kasi Kita (One Shot)

107 6 3
                                        

Faye's POV

Fiel Cloud Martinez. Gwapo, mabait, matalino. Same school kami at magkapit bahay. For some reason naging mag kaibigan kami dati. Since first year college.

Siya yung lalaking nag turo sakin kung paano mag mahal. Hindi ko nga rin alam kung bakit ako nahulog sakanya. Siguro dahil sa laging ako ang tinatakbuhan niya everytime na hindi nag work yung relasyon niya sa mga girlfriend niya dati.

Yes, ako lagi. Iiyak siya sakin at ako naman papatahanin siya at kakausapin. Imagine lalaki iiyakan ang babae? Seryoso ang lalaki kapag iniyakan ang babae! Kaso wala eh, di nag work. Tapos at the end of the day kakain kami ng ice cream sa Family Mart. Unli twirl daw kasi kaya tuwang tuwa siya. Parang bata no?

Sa tingin ko kaya ko siya minahal, dahil kilala ko siya. Kilala ko kung paano mag mahal ang isang Fiel Cloud Martinez. Sa loob ng 4 na taon, masasabi kong Cloud could be the man that every women dream of.

At isa na ako sa mga babae na yun. But the saddest part is sa mata niya kasi i'm just his best friend. Hay. Hanggang kailan ba ako ganito?

Habang tulala akong nakatingin sa laptop ko pumasok naman yung kaibigan kong si Joan. Ang kaibigan kong di nag sasawang sermonan ako.

"Faye naman! ilang taon ka na lang ganyan. Gusto mo bang tumanda ng dalaga? Mag move on ka naman sa taong wala namang 'kayo' sa umpisa pa lang!"

Sabay lapag ng mga papeles na kailangan kong isa isahin para sa presentation na gagawin ko mamaya. Limang folder? Itong limang folder na 'to ang babasahin ko mamaya?!

"Joan grabe ka! Kung kaya ko matagal ko ng ginawa yan. Ayoko rin naman tumandang dalaga syempre. Pero teka bakit ang dami nito? Bakit lima 'to? Ang sabi ni Ella isa lang ah?!"

Napa kamot nalang ako sa ulo. Ano bang kalokohan 'tong pinasok ko? My god! Kailangan ko sila basahin lahat ngayon at pag aralan. Kung hindi malaking problema 'to. Malaki ang mawawala sa company at lalong mas malaki mawawala sakin! Bago pa naman yung Manager ng department namin.

"Ngayon ka pa nag reklamo! Dapat nung umpisa pa lang nag reklamo ka na! Hilig mo kasi kumuha ng trabaho ng iba eh, ayan mag dusa ka. Isa isahin mo daw yan, lahat ng possible questions ng mga board members nandyan. Tsk!"

Tinignan ko ng masama si Joan. Masama bang tumulong sa kapwa? Tsaka kaibigan naman namin si Ella ah!

"Hoy Joan! Kaibigan natin si Ella kaya hindi siya ibang tao" Nakita ko naman na umirap lang siya sakin. Napaka talaga nito! Umupo siya sa harap ng table ko. Mang iinis na naman 'tong babae na 'to!

"Whatever Faye. Alam mong di ako kagaya mo na sobrang matulungin at maintindihin na tao. Isa din 'to si Ella eh! Sumo-sobra na. Minsan iniisip ko bakit hindi rin nag kakaroon ng love life yung isa na yun ng hindi ibang bagay yung pinagkaka-abalahan" Ang bitter talaga nito!

"May surprise kasing ginawa yung boyfriend ng best friend niya, si Elysha. Tsaka hindi ako maka 'hindi' sa kanya dahil nagmamakaawa na siya sakin. And last na 'to tsaka sabi ko dapat ililibre niya ako ng pagkain! Tsaka wag ka ngang bitter"

Kinuha ko yung isang folder at sinimulan ng basahin. Mag papalibre talaga ako ng grabe dun sa babaeng yun!

"Fyi, hindi ako bitter Faye. Sadyang nakakainis lang kasi hindi niya nagagampanan yung mga responsibilidad niya. Oh siya back to the main topic. Tigilan mo na si Cloud, Faye. Maawa ka naman sa sarili mo. Ilang taon ka ng ganyan!"

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Ang sama kasi makatingin nitong babae na 'to! Grabe talaga siya maka-sermon!

"Joan, naawa ako sa sarili ko. Kaso hindi ko kaya eh. Iisipin ko pa lang na lalayuan ko siya parang hindi ako makahinga ng maayos. Ilang taon ko na sinubukan, pero hindi eh. Iba talaga dating sakin ni Cloud" Nakita ko naman na lumambot yung itsura niya at umiling. Alam ko naman na nag aalala lang siya sakin.

Mahal Kasi Kita (One Shot)Stories to obsess over. Discover now