Umpisa

135 0 2
                                    

                                               ----Ibulong mo sa "Hangin" at aking maririnig-----

Hoy bata! Alam mo ba ang ibig sabihin ng salitang "Pasamada"? Kung hindi at tila nag-iisip ka pa riyan, huwag mo nang ituloy ang pagbabasa, marahil ika'y mabubugnot lamang at ika'y mahihirinan at pagkadaka'y mapapahandusay sa iyong kinaroroonan.

Tama! Tutpeyst ang ibig sabihin-(isang uri ng malapot na likido na ginagamit panglinis ng ngipin  at paligid ng loob ng bunganga kasama ang dila at mga gilagid gamit ang sepilyo). Nalalaman kong naghanap ka pa ng Tagalog-tagalog diksyunary at nadismaya sapagkat hindi mo naman nahanap ang salitang iyon at malamang sa internet mo na natagpuan ang ibig sabihin ng salitang "Pasamada".

Pero hindi iyon ang nais kong ipunto sa iyo batang nagbabasa. Nais kong ipaalam sa iyo na walang saysay kung babasahin mo pa ang mga sumusunod. Isarado mo nalang ang aklat o di naman kaya ay ipikit mo nalang ang iyong mga mata at mag isip ng iba pang mga babasahin, tulad ng dyaryo, magazines o iba pang mga libro.

Pitong taon gulang pa lamang si Kard short for Karding at madalas ito magtanong sa nakatatanda. Kung minsan bigla na lamang siya mag-iisip at magtatanong  tulad ng, "Nay totoo bang sa ilalim ng balon na kung saan may lumitaw na bahaghari ay may kayamanang nakabaon?" Agad naman sasagutin ito ni Lola Nirma, "Apo ang tunay na kayamanan ay ang bahaghari dahil nilikha ito ng Diyos at lahat ng nilikha ng Diyos ay kayamanan. At ikaw dahil nilikha ka ng Diyos, ikaw ay malaking kayamanan. Ikaw ang kayamanan ko". Agad namang sisimangot si Kard na tila hindi kuntento sa sagot ng kanyang lola. "Ang batang ito ho-o, masyado na yatang nahuhumaling sa panunuod ng telebisyun"

Kung minsan, pagtapos ng klase, itatanong niya sa kanyang guro na si Ginang Amparo, ang kanyang guro sa Sibika at Kultura, isang may edad nang guro na may malalaki at makakapal na bilugang salamin sa mga mata, "Ginang Amparo totoo bang noong panahon ng mga Kastila ibinaon ng mga engkanto ang mga naglalakihang tipak ng ginto upang itago sa kanila kaya noong sinakop na ng mga Hapon ang isla marami silang naminang mga ginto?" Napapaisip ang guro at ang tanging sagot nito sa kanyang estudyante ay "Karding, marahil ang narinig mo ay bulong-bulungan lamang at ni isa sa mga nabanggit mong mga kataga ay hindi pa naisusulat sa kasaysayan ng Pilipinas" At muli nagkukunot noo ang bata at tsaka ito aalis palabas ng silid aralan at palabas sa Paaralang Elementarya ng Santo Domingo.

Pero, nagsimula ang lahat ng nagtanong si Kard sa kanyang lola. "Nay? Bakit po kung minsan nagsasalita mag-isa si tatay?"

Natigilan si Lola Nirma sa tanong na tila malaking batong inihagis sa kanya ng apo. Nagbingi-bingihan siya at nagkunwaring hindi narinig ang tanong ng apo "Ang dami ko pa palang labahin ngayon..."

Kung minsan isang beses sa ating buhay makakaranas tayo "magbingibingihan". Kung hindi mo alam ang ibig sabihin ng salitang magbingi-bingihan o nagbibingi-bingihan-ito'y tumutukoy sa isang pagkakataon kung saan may nais kang takasang bagay tulad ng isang tanong na hindi mo masagot o hindi naman kaya ay may nais kang kalimutan ngunit ito'y pilit ibinabalik kaya kahit dinig ng iyong mga tenga ang lahat, ay pilit ka pa ring nagkukunwari at nagmamatigas na walang nangyari. Ang taong nagbibingi-bingihan ay tulad rin ng isang taong nagbubulag-bulagan. 

"Nanay? Katatapos mo lang maglaba hindi ba?"

"Ay! ho-o, anu ba namang araw ito ho-o, may sakit ata ako ho-o, sandali nga at makahanap ng gamot at aki'y nahihilo ho-o" Kumaripas ng lakad si Lola Nirma patungo sa pinto ng bahay at sabay sambit sa apo ng "Karding... anak... masama ang pakiramdam ni nanay, aki'y nahihilo't tutungo muna sa parmasya, at bibili ng gamot. Bantayin mo muna ang iyong ama sandali ha at aki'y mamalengke na rin ng ating hapunan at Tabor!! Tabor!!"

"Aw! Aw! Arff!" Kumaripas ang askal patungo sa amo umaasang may matatanggap na pagkain. "Masunuring aso....." Hinimas-himas ni lola Nirma ang ulo ng aso at ang hayop ay labis na natuwa. Bihira lamang ito makapasok sa loob ng bahay. Malimit, sa araw lamang na ito ay mautusang maglinis ng bahay o magkumpuni ng mga sirang appliances tulad ng sirang radyo o di naman kaya ay sirang kable ng rice cooker o TV.

Hiwaga't BahaghariWhere stories live. Discover now