Special Chapter-5

Start from the beginning
                                    

Napakahalata talaga ng mister ko.

"Harapin mo nga ako, Jethro," sabi ko sa kanya at bahagya siyang tinulak.

"May alam ka ba?" tanong ko.

Napalunok si Je at muling lumapit sa akin.

"Napansin ko lang nung isang araw, Re ko. Pero hindi ako sigurado kaya hindi ko na sinabi sa'yo," paliwanag niya.

Mahina siyang umaray nang kinirot ko ang singit niya.

"Sabi ko sa'yo sabihin mo lahat sa akin," mariing sabi ko.

"Sorry na. Alam ko naman kasi na malulungkot ka," he said.

"That didn't save me from hurting," I told him.

Sumeryoso naman ang mukha ng Je ko at
hinawakan ang mukha ko.

"Re, malakas si Ysabelle. Alam kong kakayanin niya iyan. I do understand you but we need to accept it," masuyong sabi niya.

Uminit ang gilid ng mga mata ko sa narinig. Mahal na mahal ko ang mga anak ko, ayaw kong nasasaktan sila. But Jethro's right. What we need is acceptance. Wala na kaming magagawa.

Pinunasan ni Jethro ang mga luha ko pagkatapos ay sumimple ng halik sa labi ko kaya kinurot ko siya sa singit. 'Di sadyang natamaan ng kamay ko ang junior since birth niya.

Napangisi naman ang loko at bumulong sa akin. "Kanina ka pa ha."

Napailing na lang ako at yumakap din sa kanya pagkatapos ay tuluyan nang nakatulog.

Pagkatapos ng ilang araw ay nakuha na namin ang results ng mga tests, gaya ng dati, walang nakitang tumor o posibleng maging cause ng cancer. Kampante naman ako sa results, dahil kung may malubhanh sakit ako ay hindi na ako aabot sa edad kong ito. Dahil simula pagkabata ay nakakaramdam na ako ng ganitong migraine.

Nagdiwang si Jethro at kinagabihan ay halos hindi niya ako pinatulog.

Napakaswerte ko dahil may isang little Jethro at Ysabelle na nagmamahal sa akin. Iyon ay dahil sa lalaking ito na kung magmahal ay wagas.

Sometimes I question God because I don't think I deserve him. He's too good to be true. Pero kapag pinaparamdam niya ang sobrang pagmamahal niya sa akin, nagpapasalamat ako sa Panginoon na ako ang binigay niya para kay Jethro. Hindi ko yata kakayaning makita na ibang babae ang mamahalin niya.

Sino bang mag-aakalang may lalaking kakayanin ang maghintay ng ganoong katagal?

"Re, bakit ka umiiyak? Mahapdi ba?" tanong niya sa akin habang hinahaplos ang daliri kong may wedding ring at ang infinity ring na bigay niya sa akin noon.

Napatigil niya ako sa pag-iyak nang dahil sa tanong niya. Pinagpapalo ko siya pero napangiti pa rin ako pagkatapos. Nakakabaliw kasi ang maging asawa ng isang Jethro David.

"Nakakaiyak ka kasing magmahal," nakangiting sabi ko.

Nalukot naman ang mukha niya nang marinig ang sagot ko

"Nasasaktan ko ba siya nang hindi ko alam?" Narinig kong tanong niya sa sarili niya.

Napangiti naman akong lalo pagkatapos ay yumakap sa kanya.

"Naiiyak ako kasi sobrang masaya ako dahil hinintay mo ako ng ilang taon," I told him.

"Ikaw lang hinintay ko nang ganoon katagal, Re ko," sabi niya habang dinidikit ang tip ng ilong niya sa ilong ko.

"Nagpasalamat na ba ako sa'yo, Jethro?" muli kong tanong.

Napatigil naman siya sa ginagawa at tumingin sa akin nang matagal.

"You already did. Ginusto ko iyon kaya hindi mo kailangang magpasalamat sa-"

"Ginusto ko rin iyon, Je," pagpuputol ko sa sinasabi niya.

"Thank you so much, Je. Thanks for waiting for me to come back. Even though I didn't ask you to, you still waited for me. I'm so thankful, Je," emosyonal kong sabi sa kanya.

"That's because I love you and I trust you, Re," sagot sa akin ni Jethro habang hinahaplos ang isang pisngi ko. Nilakbay ng isang daliri niya ang isang gilid ng noo ko pababa sa baba ko.

"I love you, Je," I told him before I gently pulled him for a kiss. Masayang sinunod naman niya ang kahilingan ko.

Pagkatapos ng emosyonal na halik na iyon ay matagal niya akong tiningnan na may namumuong luha sa gilid ng mga mata niya.

Hindi niya kailangang magsalita para malaman ko ang mga iniisip niya. Kasalukuyang nagdadasal ang mahal kong asawa.

Isang salita lang naman ang lagi kong naririnig sa bawat hiling at dasal niya. At iyon ang pinakanagpapangiti sa puso ko.

"Forever," he silently prayed.
**

This is the last special chapter, I hope you like this. Hanggang dito na lang po. I want to read your good byes to my JeRe, guys. They are one of my fave characters, mahirap mag-good bye sa kanila. Thank you for reading this far.

JOYCEI

Still Waiting (KathNiel) [Finished]Where stories live. Discover now