Chapter Two

3.6K 92 3
                                    

CHAPTER TWO


ALA-UNA ng hapon nang magdesisyon si Joy na lumabas ng bahay at magtungo sa mall upang bilhin ang nakita niyang cute na higaan para kay Eros noong nakaraang linggo. Kinadena niya ang gate. Talagang sinisiragurado niyang nakasarado iyon. Talamak na kasi ang nakawan sa kanilang subdivision.

Nag-grocery na rin siya dahil ubos na ang stocks niya. Hindi rin naman siya nagtagal sa mall. Pag-uwi niya ay nagulat siya nang makitang nakaawang ang pinto ng bahay niya.

Kinalkal niya sa isip kung nai-lock ba niya iyon nang maayos. Hindi agad siya pumasok ng bahay. Paano kung may magnanakaw sa loob? Siguradong patay siya. Nagtago siya sa gilid ng bahay. Kinuha niya ang cell phone niya. Tatawag siya sa pulis. Pero nakaka-isang ring pa lang iyon nang mamatay na ang pesteng cell phone. Dead batt! Gusto niyang sumigaw upang humingi ng tulong, kaso baka hindi naman siya pansinin ng mga kapitbahay dahil hindi naman siya naglalalabas. Hindi siya friendly sa mga ito. The perks of being unfriendly neighbor to the neighbors.

Mura siya nang mura sa isip. Wala naman siyang naririnig na kung ano sa loob ng bahay niya. Bumalik siya sa pinto, saka sumilip sa loob. Nakatalikod ang sofa sa pinto, nakaharap sa TV. Sa likod ng divider ay ang dining area. Sa tapat ng sala ay ang kuwarto niya. Maliit lang naman ang bahay niya kaya malabong hindi niya marinig ang mga kaluskos sa loob kung meron man ngang taong nakapasok.

"Si Eros," usal niya. Ba't hindi man lang tumatahol ang pobreng aso niya? Nasaan na ito? Kung tulog man ito ay sigurado siyang magigising agad ito kung may ibang taong naramdaman sa bahay. Maligalig ito kapag hindi nito kilala ang taong nakita.

Naisip niyang nakalabas si Eros. Pero malabo rin dahil naka-lock ang gate niya. Puwera na lang kung may nakitang butas ang aso at doon lumabas. Shit! Hindi niya mapapatawad ang sarili dahil kasalanan niya sapagkat hindi niya t-in-riple check ang pag-lock ng pinto.

Naiihi na rin siya. Hindi naman siya puwedeng umihi na lang sa tapat ng bahay niya dahil paano kung may dumaan at makita siya? Mas kahiya-hiya siya kapag nagkataon.

No choice siya kundi ang pumasok na lang sa bahay. "Sshh..." aniya sa mababang tinig. Iyon ang pangtawag niya kay Eros. Pero walang asong lumapit sa kanya. Kung nasaan man ito ngayon ay siguradong nasa panganib ito? Paano kung may nakakita rito sa labas at kinakatay na ito ngayon? Nagtayuan ang mga balahibo niya sa braso.

O kaya paano kung pinatay ito ng magnanakaw dahil sa ingay? Hindi iyon malabo. Mapapaslang din niya panigurado ang magnanakaw na iyon kung sakaling maabutan niya ito sa loob ng bahay niya.

"Jusko! Hindi naman sana," aniya sa sarili. Naiiyak na siya. Talagang ipakukulong niya ang taong gumawa ng masama sa kanyang aso. Uubusin niya lahat ng kayamanan niya masigurong mabulok ito sa bilangguan.

Dahil ang mawala si Eros sa piling niya ay parang pagtanggal na rin ng puso niya sa katawan niya. She can't breathe; she can't continue life without Eros beside her.

Sinigurado niyang hindi makagawa ng ingay ang mga paa niya sa sahig. Para kung may tao man sa loob ay hindi siya nito maririnig. Makakalabas pa rin siya ng buhay. Sinulyapan niya ang pinto ng banyo. Madadaanan niya ang sofa bago marating ang pakay. Mga sampong hakbang ang kakailanganin niya upang makarating doon.

Nang sumulyap siya sa sofa ay anong tili niya. "Aaah!" May taong nakahiga sa sofa niya. Isang lalaking... nakahubad! Half-naked, pawisan ang katawan, may abs! May abs! Iyon pa talaga ang napansin niya? Shet!

How Do You Heal A Broken Heart? by Rill MendozaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon