P R O L O G U E

122K 2.9K 121
                                    


"I'm the White Princess!" matapang na pakilala ng batang babae habang nakatayo siya sa taas ng upuan.

Dahil sa kanyang ginawa ay nakuha niya ang atensyon ng ibang mga batang kalaro niya.

"Sino naman yang White Princess, Puwro?" kunot-noong tanong ng isa sa mga kalaro niya.

Tumikhim si Puwro pagkatapos ay hinawakan niya ang magkabilang gilid ng kanyang palda at yumuko na parang prinsesa.

"Ako ang pinaka--" napatigil siya sa pagsasalita nang putulin siya ng isa sa mga kalaro pa niyang nakikinig sa kanya.

"Siya ang pinakamalakas na prinsesa sa mundo nating ito!" malakas na sabi niya sabay sumuntok sa ere.

Sinamaan siya ng tingin ni Puwro at bumaba sa silya. "Panira ka talaga Gogang!" inis niyang sabi na hindi pinansin ng tinawag niyang si Gogang.

Lumapit si Gogang kay Laurine na kanina pa nakikinig sa kanila habang may malawak na ngiti.

"Ate Laurine, gusto kong marinig ulit ang kwento ng puting prinsesa!" masayang sabi niya at inabot ang kandungan ni Laurine.

Tumawa ng mahina ang dalaga at tinulungan ang bata paupo sa kanyang kandungan. "Sige.."

"Magk-kwento si Ate Laurine! Lapit na kayo!" malakas na sabi niya sa mga kalaro niya kaya agad naman silang lumapit at umupo sa sahig paharap sa kanilang dalawa.

"Handa na ba kayo?" nakangiting tanong ni Laurine sa kanila at nilibot niya ang tingin sa mga bata.

Ngumuso siya nang makita si Puwro na nasa gilid ng silya habang masama parin ang tingin kay Gogang.

"Hindi ako magsisimula hanggang sa hindi lumalapit si Puwro.." nakasimangot na sabi niya at naghiyawan naman ang mga bata habang tinatawag nila si Puwro na lumapit.

"Mag sorry ka Gogang.." bulong ni Laurine kay Gogang na nakaupo parin sa kandungan niya.

Tumango si Gogang at bumaba para lapitan si Puwro na nakasimangot sa kanya.

"Sorry Puwro. Hindi na mauulit.." ngiting sabi niya at hinawakan sa kamay si Puwro.

Umirap sa kanya si Puwro at inalis ang pagkakahawak sa kanya ni Gogang.

"Puwro." seryosong tawag sa kanya ni Laurine.

"Fine!" matigas niyang sabi at siya na ang humila kay Gogang palapit sa mga kalaro nila para makinig kay Laurine.

"Simulan na natin?" nakangiting tanong ni Laurine at sabay-sabay na tumango ang mga bata.

"600 years ago, kilalang pinakamalakas at makapangyarihan ang puting Prinsesa. Nakokontrol niya ang pinakamalakas na dragon sa ating mundo..."

Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now