Part 1

32.6K 462 34
                                    

Basahin po muna ang kwentong ALMOST WASTED LOVE bago ito.  Pero kayo po kung gusto unahin ito.
Salamat po...

.

.

.

Nagpasyang lumayo muna si Kirsten sa birthday party na nangyayari sa isang resort dito sa La Union kung saan siya naroroon. Um-attend siya kasi rito sa isang magarbong kaarawan ng isang kaklase niya, subalit na-boring siya kaya nagdesisyon muna siyang maglakad-lakad.

Tuwang-tuwa siya habang pinagmamasdan niya ang mga bituin sa langit. Buti pa rito sa labas ng resort, nakaka-enjoy kaysa doon sa loob na puros payabangan ang usapan at pagandahan o paguwapohan ang mga bisita. Dito ay nakagagaan sa pakiramdam ang payapang dagat at ang katahimikan ng paligid.

"You're lone? Aren't you scared?" Nang bigla ay boses ng lalaking nakagulat sa kanya.

Napakislot siya sabay lingon sa likod niya. Kunot ang noo niyang napatitig siya sa madilim na parte ng paligid. Pinilit niyang inaninag kung sino ang nagmamay-ari ng tinig, subalit madilim talaga ang lugar na kinatatayuan ng lalaki.

"Sino ka?" tanong niya sa malakas na boses. Kinabahan siya. Baka masamang tao ito? Rapist? Killer? Naku po!

Nakapamulsa na lumabas naman ang lalaki sa pinagtataguan at lumapit ito sa kanya.

"S-sino ka?" tanong niya ulit nang makalapit ng husto ang lalaki sa kanya. Kita na niya ng mukha nito at in fairness guwapo.

Ehem! This is it pansit! Ang prince charming niya, nakita na niya! Nagpakita na sa wakas! Ayiee!

Hindi na siya bata pero OO, naniniwala pa rin siya na mayroong Prince Charming na nag-i-exist sa panahon ngayon, Prince Charming na kahit moderno na ay kahintulad pa rin ng mga Prince charming nina Cinderella at Sleeping beauty. Prince Charming na inaasam-asam niya na makikilala niya sa isang romantic place.

Ngumiti sa kanya ang lalaki. "Why are you alone here? Baka mapa'no ka?"

She blushed profusely. Nagdaup sa kanyang bandang dibdib ang dalawang kamay niya at pumungay ang mga matang napatitig siya sa guwapong mukha ng prince charming niya. Jusko! Huwag naman sana siyang mahimatay!

Lumapit pa ang lalaki sa mismong kinatatayuan niya hanggang sa magdikit na sila. Feeling niya ay hindi na stable ang mga vital signs niya. Hindi siya napakali, eh. Sobrang kabog na ang puso niya, eh. Gosh!

Para mapigilan ang sobramg kilig niya ay napalunok siya ng laway niya't napapakagat labi. Naroong hawiin din niya ang tumatakas na buhok sa kanyang mukha.

"Lord, tulungan niyo akong hindi mahimatay. Sayang po ang moment," pilyang naidasal niya. Aba'y mahirap na. Kay tagal niyang inasam ang moment na ito.

"You are the most beautiful woman I have ever seen in my whole life," mahinang sabi ng lalaki kasabay ng masuyong paghawak nito sa baba niya. Amoy na amoy niya ang hininga ng lalaki, ang fresh, amoy colgate. Charr!

Pakiramdam niya ay matutunaw siya sa pagtitig sa kanya ng lalaki. Kusang napikit siya ng mata at kusa ring humaba ang kanyang mga nguso...

Ngunit..

Subalit..

Nga lang..

Ay..

RWAAAARRRR! -angil na ng nakakatakot na lalaki.

TAMING THE SYNDICATE LEADERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon