Chapter One

10.1K 149 11
                                    

CHAPTER ONE


JOY must say her life was too sad and boring. Kabaliktaran ng pangalan niya ang buhay niya. When she came to the world, her parents were so happy. So her parents named her Joy. Kung noon ay one hundred percent siyang masaya dahil nagtutugma ang buhay niya sa pangalan niya-ten years ago-ngayon ay sinusumpa niya iyon.

Somebody would say, it was ironic, it was stupid. But after ten years, matapos madawit sa salpukan ng bus at kotse ang mga magulang niya at mamatay ang mga ito sa mismong araw ng fifteenth birthday niya ay nakasanayan na rin niya ang tawaging 'Joy' kahit hindi na niya iyon maramdaman at maranasan. She's alone for eight years now.

She was eighteen when her brother Joe left her-he was twenty five that time. Dahil may sariling pamilya na ito at busy na ito sa naiwang negosyo ng kanilang mga magulang. Ito ang namahala ng mga naiwan ng kanilang magulang para sa kanya. She was too young when their parents died.

Ayaw naman niyang iwan ang kanilang bahay para tumira sa Maynila sa kuya niya dahil pakiramdam niya ay iiiwan na rin niya ang mga huling alaala niya sa mga magulang. Ang sabi ng kuya niya ay pagbibigyan siya nito hanggang sa matapos lamang ang high school. Ang kanilang katulong na si Aling Meding lamang ang kasama niya sa bahay nila.

At tulad ng sabi nito, nang matapos niya ang high school ay lumipat na siya sa Maynila. Doon siya magkukolehiyo. Pero hindi pa rin siya tumira sa bahay ng kuya niya. "Dalawa na lang tayo," sabi niya sa kuya niya. Why shouldn't train herself to be brave? Kumuha ang kuya niya ng condo, pero mariing tumanggi siya. It was too expensive. Pagkatapos ay mag-isa lang siya? Hindi siya laki sa luho. Kahit maykaya sila ay hindi mayaman ang turing nila sa estado ng buhay nila. Ang tingin niya sa ganoong tirahan ay isang luho lamang. So there, naghanap siya ng marirentahang bahay na malapit sa university na papasukan niya.

Nakapagtapos siya ng business management, dahil iyon ang gusto ng kuya niya. Noong mga panahong iyon ay hindi niya rin naman alam kung anong karera ang tatahakin niya kaya sumunod na lamang siya rito. Ang sabi kasi nito ay dapat tulungan siya nito sa kanilang mga negosyo. They have branches of fast food all over the Philippines.

"Hoy!" untag ni Georgia kay Joy na nasa laptop screen. Her gay best friend. Pero lagi nitong ginigiit sa kanya na bisexual ito. He was not a cross dresser. Lalaking-laki itong tingnan. Kaya walang mag-aakala ritong lalaki rin ang gusto nito Naka-video chat sila. Nasa trabaho ito at siya naman ay nasa bahay lang. Call center agent ito, somewhere in Makati. Magkakaklase sila nito noong college.

"Oh?" aniya. Saka inipit ang nalaglag na konting hibla ng buhok sa mukha.

"Parang 'di ka naman nakikinig, eh," maktol nito.

Kanina pa nito ikinukuwento ang recent boyfriend nito. Katrabaho raw nito. Iyon lang ang maalala niya sa mga kinuwento nito. Naglakbay na naman kasi ang isip niya sa mga naging buhay niya.

"Nakikinig ako," pagsisinungaling niya. "Ah, ano nga uli 'yon? 'Yong boyfriend mong si Jake?"

"James!" pagtatama nito sa kanya.

"Teka, may trabaho ka, 'di ba?" pag-iiba niya ng usapan. Sa totoo lang ay wala siyang interest sa mga kuwento nitong pag-ibig. Una ay dahil palpak lagi ang mga iyon. Pangalawa ay hindi naman siya nakaka-relate sa mga iyon.

Umingos ito. "Hmp. Wala namang tumatawag, eh. Naka-off ang speaker." Sinundan nito iyon ng tawa.

"Adik ka talaga. Kapag nahuli ka ng boss mo. Lagot ka."

"Eh, tanggalin niya. Andami-daming call center company diyan."

"Hmn. Sabagay."

"So, ano na?"

How Do You Heal A Broken Heart? by Rill MendozaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon