PART 1
Naranasan niyo na ba magmahal ng isang kaibigan???
Sabi nga nila The most painful thing in life is loving a person who can't love you back..Gusto mong sabihin na mahal na mahal mo siya pero natatakot ka na baka hindi ka niya mahal tulad ng pagmamahal mo at dahil baka layuan ka niya at maging dahilan ng pagkawasak ng inyong pagkakaibigan..
"Ano ba yan Pao ang bagal bagal mo naman bilisan mo kaya."Saad ni kath sa bestfriend nitong si Paolo.Magkaibigang matalik si Kath at Paolo mula pa lamang Elementary hanggang ngayong nasa Huling taon na sila ng High School.
"Ano ba kasing gagawin natin sa plaza?"inis na tanong ni Paolo sa dalaga.
"Eh di ba nga may ipapakilala ako sayo."Saad ni kath.
"Na naman ay naku kath hindi ka ba nagsasawa sa pgmamatch mo sa akin sa ibat ibang babae eh sa lahat naman ng ipinapakilala mo wala naman ako nagugustuhan." Inis na wika ni Paolo.
"Palibhasa kasi pusong bato ka last na to Pao promise pag hindi mo nagustuhan ok fine hindi na ako mangingialam sa love life mo."Nakangiting saad ni Kath.
Wala namang nagawa pa si paolo kundi pagbigyan ang kaibigan nito.Matiyaga silang nag antay sa plaza.Ang usapan nila Alas Singko.Ngunit ala sais na nuon ng gabi wala parin ang babaeng ipapakilala sana ni kath sa kanya..
"Darating pa ba iyon 1 oras na tayong nag aantay dito eh."reklamo ni paolo kay kath.
"Sandali nalang darating din iyon."sagod ni Kath na halos magkanda haba haba ang leeg sa paglinga linga nito sa paligid at tila may hinahanap.
"Kath puro ka sandali eh pag kalipas ng isang oras at wala pa uuwi na ako."saad ni paolo.
"Oo na sige na masyado ka namang nagmamadali eh bat kasi hanggang ngayon hindi ka pa naiinlove ang sarap sarap kaya sa feeling ang mainlove"sambit ni Kath at abot tenga ang ngiti nito at nangangarap.
Sasagot na sana si Paolo ng makarinig ito ng isang kanta na inaawit ng grupo ng kabataan na nakatambay din sa plaza.Kay gandang pakinggan ang mga boses ng kabataan na salitan sa pagkanta ng lyrics ng
- Ba't Di Ko Ba Nasabi -
Heto na nanaman ako
nag-iisa Nakalutang lang
sa hangin at lagi nang tulala
Sobra ang pagsisisi at
parang hindi na tatagal
Di ko nasabi na kita'y minamahal
Pag bumabalik sa isip ko
ang nangyari
Kung paano ang damdamin
ko'y di nasabi
May pag-asa ba ang tulad
kong hangal Di ko nasabi na
kita'y minamahal
Ba't di ko ba nasabi
tanong ko sa sarili
Panahong lumipas sa 'tin
ay nasayang lang
Ba't di ko ba nasabi
ang puso ko'y nagsisisi
Kung maibabalik ko lang sana
Kung maibabalik ko lang sana
Sa tuwing nasasalubong
kang kasama siya
Masaya kayo sa piling ng isa't isa
Para bang ang puso ko'y sinasakal
Di ko nasabi na kita'y minamahal
Ba't di ko ba nasabi
tanong ko sa sarili
Panahong lumipas sa 'tin
ay nasayang lang
Ba't di k ba nasabi
ang puso ko'y nagsisisi
Kung maibabalik ko lang sana
Kung maibabalik ko lang sana
Ooohhhh
Araw-araw sa isip ko'y ikaw
Sa paghimbing maging sa panaginip
Nangangarap baguhin
ang ikot ng mundo
Babalik sa mga sandaling
ako pa ang mahal mo Hoooohhhhh
Ba't di ko ba nasabi
tanong ko sa sarili
Panahong lumipas sa
'tin ay nasayang lang
Ba't di k ba nasabi
ang puso ko'y nagsisisi
Kung maibabalik ko lang sana
Kung maibabalik ko lang sana
"Kung alam mo lang mahal kita kath."bulong ni paolo sa sarili.At may munting luhang bumalong sa kanyang mga pisngi.Mabuti na lamang at madilim na nuon at di napansin ng kaibigan ang kanyang pagluha.
"Ha ano yon."
ni kath.
"wala wala sabi ko uuwi na ako."wika ni paolo at tumalikod.
"Wait umiiyak ka ba.?"takang tanong ni kath ng mapansin ang pagbabago ng boses ng kaibigan.
"Hindi ah bat naman ako iiyak sige na uuwi na ko di naman ata darating yong ipapakilala mo sa akin eh ikaw d ka pa ba uuwi?."saad ni paolo.
"Hindi na muna magkikita kasi kami ni james eh oh ayan na pala siya."nakangiting sambit ni kath ng makita ang nobyo na parating lulan ng motorsiklo nito.Huminto ito sa kanilang harapan.
"Helow babe lets go?"Bati ni James sa kasintahan.
"Ok babe!! Ahhhm best mauna ka nalang umuwi may pupuntahan pa kasi kami ni james pag hinanap ako
ni mama kaw nalang bahala ha."saad ni kath at umangkas sa motor ng nobyo.
"Pre mauna na kami."Nakangising saad ni James kay paolo.Tango na lamang ang sinagot ng naiwang binata sa mga ito.Nakayakap sa baywang ni James si kath ng pinaharurot ng binata ang kanyang motorsiklo..Punong puno ng inggit at paninibugho ang nararamdaman ni paolo ng mga oras na iyon at tanging nagawa ay ang tingnan lamang ang kaibigan na lihim na minamahal na lumayo kasama ang mahal nito.
Magkaklase sina Paolo Kath at James.First year palang Crush na ni kath si James Palibhasa gwapo at sikat at tinaguriang Mr.Heartrob ng kanilang School.Halos lahat ata ng kababaihan nahuhumaling sa kagwapuhan ng binata.Maputi Mestiso matangkad at mayaman kaya naman kabila't kanan ang nagiging girlfriend nito kabilang na dito si kath.Ilang beses na nagtangkang magsabi si paolo sa kanyang nararamdaman sa kaibigan pero lagi nalang itong pinanghihinaan ng loob.
"Ahm kath may sasabihin sana ako ahmm."utal utal na saad ni paolo sa kaibigan..
"Ano yon ako din may sasabihin ako sayo."excited na saad ni kath sa bestfriend.
"Ah sige kaw muna."sambit ni paolo.
"Best sinagot ko na si james kami na officially."kinikilig pang saad ni kath na ikinatigil ng mundo ng binata.tila pinagbagsakan ito ng langit at lupa sa balitang hatid ni kath sa kanya.
"Ah masaya ako para sayo best"Pilit ang ngiting saad ni paolo dito.
"Mas masaya ako pao imagine tinitingnan ko lang siya dati but now kami na."kilig na kwento ni kath.
"Baka naman saktan ka lang non alam mo naman na playboy yon diba."si paolo.
"Nagpromise siya best ako na daw ang kahuli huling babae sa buhay niya at wait ano nga pala ang sasabihin mo "saad ni kath.
"Ah wala wala nothing important "saad ni paolo at d na nagawang sabihin sa kaibigan ang totoong nilalaman ng kanyang puso.
"Ay kala ko naman kung ano na...Hayyyy best napakasaya ko talaga im so inlove.."saad ni kath at isinandal ang ulo nito sa balikat ng kaibigan.Sobrang nasasaktan namang tiningnan ni paolo ang masayang kaibigan.
"Wag ka sana niyang sasaktan kath kasi pag nasaktan ka mas masasaktan ako."pigil ang iyak na nasambit ni paolo sa sarili.
Itutuloy...
YOU ARE READING
"BAT DI KO BA NASABI"
RomanceWhen you love someone all you have to do is to tell to the person whatever you feel.Or else the moment will Pass..
