"Thanks mom...." Nakangiting sabi ko.




Tiningnan ko ang gamot na si mama mismo ang gumawa. Hugis bilog ito na tama lang ang laki. This medicine help me to control my thirst in blood. Kapag di ako nakainom nito, parang binbigyan ko na rin ng pagkakataon ang halimaw sa loob ko na manakit ng mga inosenteng tao.






"Malayo pa po ba tayo?" Tanong ko pagkalunok ko ng gamot.






"Malapit na tayo. Mga limang minuto pa sweetie" Si mama ang sagot.





Tumango nalang ako saka bumuntong hininga. Gabi na pala. Dati rati inaantok na 'ko sa mga oras na 'to pero mula nang mag-18 ako, Hindi na 'ko nakakaramdam ng antok.





Andami nang nagbago sakin. Hindi ko na nararamdaman ang pagiging tao. Kahit may dugo akong tao, Pakiramdam ko sinakop na yun ng dugo kong bampira.





Napapikit ako nang maalala ko kung gaano ako kasaya noon kasama ang mga kaibigan kong tao. Mga mabubuti silang tao at Mabuting kaibigan sakin. Alam kong kamumuhian nila ako kapag nalaman nila na isa akong bampira kaya't habang maaga pa ay kailangan ko nang lumayo sakanila.






"Andito na tayo kirsten" Naputol ako sa pag iisip ng magsalita si kuya pagkalipas nga ng limang minuto.







Napatingin ako sa labas ng bintana. Gabi na pero maliwanag pa sa lugar dahil sa mga ilaw. Mukhang tahimik rito kesa sa syudad.





"Halika sweetie, Ipapakita ko sayo ang bahay natin" Nakangiting paanyaya ni mama.






Kumunot ang noo ko "Bahay? May bahay po tayo?" Takang tanong ko.






Natawa ito "Ofcourse, diko naman kayo dadalhin dito kung wala tayong matutuluyan"





"Akala ko po kasi makikituloy lang tayo"







Napailing naman sya "Hindi tayo makikituloy sweetie. Halika ipapakita ko sayo"





Tumango nalang ako at bumaba ng kotse.




"Ma, ayos lang po ba na hindi kumilos ng normal dito?" Napatingin ako kay kuya na mas mabilis pa kay flash kung kumilos sa pagbababa ng mga gamit namin.





"Yes sweetie. Lahat ng nakatira sa village na 'to ay mga bampira" Nakangiting sabi ni mama saka tumingin sa harapan namin  "Nakikita mo ba ang bahay na 'yan? Pagmamay-ari yan ng papa mo" Nawala ang ngiti sa labi nito  "Dyan kami tumira pagkatapos naming ikasal at dyan ko rin kayo ipinanganak ng kuya mo"





Tiningnan ko nang maigi ang di kalakihang bahay sa harapan namin. Maganda ito at mukhang alagang alaga. Parang hindi ito inabandona ng matagal na panahon.





"Ayos lang po ba na tumira tayo dyan ma?" Tanong ko.





"Oo naman, Sa papa mo ito kaya may karapatan tayo" sagot nito.





Hindi na 'ko kumibo. Hindi naman ako galit kay papa pero minsan naiisip ko kung bakit nya kami iniwan. Bakit di man lang sya nagpasabi na aalis sya at dina babalik. I was 14 when I last saw him. Tandang tanda ko pa ang itsura nya, Buong buo pa sa isipan ko kung gaano sya kasaya sa piling namin.





"Ako muna ang papasok sa loob. Tatawagin ko nalang kayo kapag maayos na" Sabi ni kuya bago pumasok ng pagkabilis bilis sa loob ng bahay.





"Ma? Paano nagagawa ni kuya na kontrolin ang sarili nya pagdating sa dugo?"






"Tinuruan sya ng papa mo. Full vampire ang kuya mo kaya mas mahirap syang kontrolin, pero dahil magaling ang papa mo. Ayon, naturuan nya ang kuya mong kontrolin ang sarili nya" Nakangiting paliwanag nito.



Napatingin ako sa paligid. May ibang presensya akong nararamdaman sa paligid. Ito ang presensya na kanina ko pa nararamdaman mula ng makapasok kami sa sentro ng serapia.




Naging alerto ako at Mabilis kong nahila papunta sa likod ko si mama ng biglang may hangin ang mabilis na dumaan sa harapan namin.





Napahawak ako sa pisngi ko nang makaramdam ako ng panandaliang kirot. Nasugatan ako sa pisngi, mabuti nalang at mabilis iyong maghilom.




"Ayos kalang ba kirsten?" Nag aalalang tanong ni mama.





Hinarap ko ito "Ayos lang ako mama. Pero ang bampirang umatake satin mukhang hindi, Nararamdaman ko ang pagkauhaw nito sa dugo"




"Hindi ko pala nasuot ang kwintas ng papa mo" Sabi nito habang nakahawak sa leeg nya.





"I'm sure naaamoy na nila kayo" sabi ko.





"What happened?" Napatingin ako kay kuya "May nangyari ba?"




"Inatake kami kuya."




"Sinasabi ko na nga ba't may nagmamasid satin" Hinawakan kami nito saka mabilis na nagteleport para agad kaming makapasok sa loob ng bahay.



"We need to be extra careful. Hindi na natin kilala ang lugar na 'to"

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें