Pagdating namin ni Ash sa Sapot, nangangatog na ang tuhod ko sa kaba. Sapot is a web-like structure made of industrial steel. Nasa ibabaw ng rock formations. It's solely made for the viewing of the rocks underneath and the marvelous scenery around us.

Tumigil do'n ang grupo namin para sa picture-taking at para i-appreciate ang view.

"Are you regretting this, yet?" tanong ni Ash nang abutan ako ng bote ng tubig mula sa kit na bigay sa amin kanina.

Kinuha ko ang tubig at uminom. Tapos, ibinalik ko sa kanya. Uminom siya sa parehong bote.

Pumikit ako, huminga nang malalim at tumanaw sa paligid. Makikita ang Sierra Madre Mountain Range sa isang parte at ang Laguna de Bay naman sa isa pa. Naglakas-loob akong tumungo sa paanan ko. Maganda ang rock formations ng limestone. At ang taong nasa tabi ko...

"Kung titigil sa pangangatog 'tong tuhod ko every time na makikita ko kung gaano tayo kataas from the ground, this will be an ideal day," sabi ko kay Ash. "Ikaw? Sabi mo, takot ka sa heights? Bakit hindi ka naman mukhang kinakabahan?"

Ginulo niya saglit 'yung buhok niya. Medyo pinagpapawisan na siya dahil sa init ng araw. "Akala mo lang 'yun. Bawat kapit ko, may kasamang pagrorosaryo 'yun," sabi niya at tumawa.

Nadamay ako sa tawa niya. Ang lantod kasi tapos ang taginting. Nakakahumaling din pati siya panoorin.

"Mas malala ka pala sa 'kin," sabi ko sa kanya. Kinuha ko 'yung panyo ko sa kit bag ko at idinampi sa noo niya.

Kinuha naman niya sa kamay ko 'yung panyo at pinantuyo sa pawis niya.

"Mas malala ako?" sabi niya at malapad na ngumiti. "Panay nga bulong mo ng 'Oh my God', 'Oh my God'. Nakabantay tuloy ako lagi sayo."

Matapos niyang punasin ang pawis niya, idinampi niya sa noo ko 'yung panyo. Kukunin ko na sana sa kanya 'yung pantuyo pero ayaw niyang ibigay.

"Ako na," sabi niya, hinawakan ang baba ko at inanggulo ang mukha ko sa kung saan niya tinutuyo ang pawis.

"You have to shake off your fear of heights. Maraming forest at mountain conservation ang nangangailangan ng botanist. Someday, you might be climbing moutains on a regular basis," aniya at ibinalik sa 'kin 'yung panyo. "Mag-exercise ka rin for cardio. Ang bilis mong hingalin."

Napangiti ako kay Ash. Bukod kasi kay Kuya at bestie, siya pa lang 'yung taong ikinabit sa 'kin ang pagiging botanist. It's a big deal. Undecided at salawahan kasi ako sa maraming bagay maliban sa botany at kay Ash. Kaya sa bahay, hindi ako agad pinapaniwalaan nina Mommy at Daddy kapag may sinasabi akong gusto ko. Usually kasi, magbabago rin ang isip ko bago ko pa makuha.

"What are you smiling about?" untag niya sa 'kin habang ikinakabit ang cellphone niya sa monopod.

"Wala," sabi ko at umirap.

"Hm," aniya at umakbay sa 'kin. "Let's take a picture."

Kumapit ako sa baywang niya at dumikit sa tagiliran niya. "Mamaya, magpa-picture tayo kay Ate Lora sa gitna ng web."

"Sige. For now, smile for me."

Ngumiti naman ako. At hindi na natanggal ang ngiti ko kahit nang matapos ang click ng camera.

***

Napagod na yata akong kabahan sa patuloy na pagbaybay namin. Masyado kasing maganda ang view. Nang lumipas na rin ang kaba ng mga kagrupo namin, naging mas maingay at mas mabiro na lahat. Madaldal din si Ate Lora at mapagpasensiya. Minsan, overtime na kami sa picture-taking at pahinga pero hinahayaan lang niya kami.

We saw several sink holes on the rock formations. Pumasok kami sa isang kweba na tinatawag na Yungib ni Ruben. Nanamantala kami ng pictures sa dalawang pinakamataas na peaks ng Masungi - iyong tinatawag na Nanay at Tatay. Magkatabi kaming humiga ni Ash sa tinatawag nilang Duyan (na duyan naman talaga pero para sa higante). Sa Ditse at Patak, nag-picture kami ng cactus garden. At tumawid kami sa napakaraming hanging bridges na nagkokonekta sa mga istasyon ng Masungi. 'Yung iba, halos pang-isahan lang kapag tinawid. 'Yung mas matibay at malapad tingnan, magkahawak-kamay kami ni Ash.

Goodbye Girl : Days To Forget (Chat MD Series #2)Where stories live. Discover now