"Dito ka nalang matulog.." kanina niya pa iyan pinipilit pero todo tanggi na ako.


"Manahimik ka Magalona.. Ilang gabi na akong dito natutulog sa condo mo.. Mamaya binahayan na ng mumu ang bahay ko.." sabi ko nalang . Agad naman niya kinuha ang aking bag at bumaba na kami patungong parking lot.





"Mukang uulan ng malakas.." sabi niya habang nasa kalagitnaan kami ng pag biyahe pauwi sa bahay ko.



Sumilip naman ako labas at kita mo agad na makulimlim at kumukulog kulog. Tinignan ko lamang siya na seryoso sa pag mamaneho .




Dahil sa sobrang traffic at kinalikot ko na lang ang mga makakalikot sa loob ng kanyang sasakyan. Habang nagkakalkal ako ay may mga papel na kung ano ano. Biglang may nalaglag na wallet size na picture.





Agad ko itong pinulot at tinitigan ng maiigi. Parang may dumagan na barko sa aking puso dahil dito. Litrato ito nila ni Jane.



Nakahalik siya sa pisngi ni Jane habang wagas naman ang pagngiti ng babaeng 'to.



"Ano yan babe .? " inabot ko lang sa kanya ng walang tingin ang picture .





Ambait naman ni lord nakisama sa akin . Bigla kasing bumuhos ang malakas na ulan. Nagulat ako ng buksan ni Elmo ang binta niya at nilukot ang litrato at itinapo ito.




"Di na mahalaga sa akin iyon.. Nakalipas na iyon .. At ikaw ang present hanggang future ko.." naiyak naman ako sa sinabi niya lately nagiging iyakin na ako. Nawawala na ang pagiging matapang ko.






Nakarating kami sa bahay . Nag paalam na siya dahil narin malakas na ang ulan at baka ma stock pa siya sa daan.



Paakyat pa lamang ako sa kwarto ng mawalan ng kuryente. Nanginig ako sa sobrang takot.



Natataranta akong binuksan ang phone ko para matawagan ko si Elmo. Pinindot ko agad ang one.



"E-Elmo... B-Bumalik ka dito.. Natatakot ako naputol ang kuryente.." nakarinig pa ako ng hampas ng malakas sa manibela at ilang mura niya.

"Hintayin mo ako.."


Mahigit trenta minutos na akong nakahiga lamang sa aming sala. Nag biglang tumawag si Elmo at sinasabing nasa labas na siya . Agad kong binuksan ang flashlight ng aking phone.




Sinalubong ko agad siya ng yakap ng makita ko siya. Nawala ang aking kaba . Niyakap niya din ako ng mahigpit at hinalikan ang aking pisngi.




Pumasok na kami agad niya naman ni lock ang main door at binuksan din niya ang flashlight ng kanyang cellphone . Kumapit lamang ako sa kanyang braso at sabay na kaming pumunta sa kwarto.




Sinabi niyang sa lapag nalang siya mahihiga. Sinabi ko na tabi nalang kami pero di siya pumayag.



Makalipas ang ilang oras ay wala paring ilaw. At di ako makatulog. Habang ang magaling kong boyfriend ay mahimbing nang natutulog . Habang nakahawak ng mahigpit sa aking kamay.




Tumayo na ako at tumabi sa kanya. Sumiksik ako kaya nagising ko siya. Tumingin siya sa akin . Shocks pakiramdam ko kita niya ang pamumula ng muka ko.





"Sorry.. Nagising ba kita? Di kasi ako makatulog.."pabulong kong sabi niyakap niya naman ako habang nakaunan ako sa braso niya.



Niyakap niya din ang kanyang binti at naramdaman ko ang ano niya. Shit , uminit lalo ang pisngi ko di ko gumagalaw pakiramdam ko kasi may tendency na mahawakan ko ito.






Playing Games, Breaking HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon