2- Picnic and Jealousy II (edited)

249 8 1
                                    

•Akane •

Ang himbing ng tulog ko nang maramdaman ko ang mahinang pagtapik sa pisngi ko. Kahit against the will ay pinilit kong imulat ang mata ko. Sino na naman ba 'to? Nung makita ko na si Riye pala ang gumising sa akinay agad akong napabangon sa pagkakahiga.

"Oh Riye? Magluluto ka ba? Tutulong ako." Pagpiprisinta ko habang kinukusot yung mga mata ko at ginising ko na rin si Akemi. Balak na sana naming tulungan si Riye pero umiling siya.

"Hindi na po nee-san. Tapos na po akong magluto. Gigisingin ko lang kayo para kumain."

"Riye, sana ginising mo kami ng mas maaga pa para naman makatulong kami sa iyo." Tumango ako sa sinabi ni Akemi at ngumiti lang si Riye sa amin.

"Okay lang po talaga nee-san. Anyway let's eat." Pag-aya niya at tumayo nalang kami.

I'm pretty sure andami nang nagtataka kung bakit marunong magluto si Riye. Actually 2 years ago, nagpaturo kami ni Akemi na magluto. Nahihiya na rin kasi kami dahil puro siya nalang ang nagluluto kahit pa minsan ay pagod na siya. Anyway, after days of teaching, naging maayos naman ang pagluluto namin. Proud pa nga si Akemi samin eh. Gosh, ang galing talaga namin! Hahaha.

Pumunta kaming tatlo sa dining room at nagsimula ng kumain. Pagkatapos ay naghanda na kaming tatlo ng mga gamit para sa araw na ito.

Nung nakahanda na kami ay agad kaming nagtungo sa unang klase namin lalo na at late na naman kami. Palagi nalang!

"Oh. Late na naman kayo." Bungad sa amin ni Ken unang tapak palang namin sa room. Inirapan ko naman siya dahil sa pagiging obvious niya. Naturingan pa siyang detective. Tsk.

"Stop stating the obvious, smelly boy!" Binatukan ko siya at inirapan ulit.

Napa-aray naman siya sabay kamot sa parteng binatukan ko. Ha! Bagay lang yun sa kanya!

"Tse! Bagay lang iyan sayo!" Dagdag ko pa at tinignan silang Hiro na prenteng nakaupo sa mga upuan nila. " Asan si Ms.---"

"Ay oo nga pala, wala si Ma'am ngayon, may meeting ang lahat ng teachers." Aba! Hindi ba naman ako pinatapos sa pagsasalita? Ang bastos talaga!

"Wala ka talagang modo!"

"Aray! Nakakarami ka na ha! Ano bang problema mo?!"

"Tse. Manahimik ka!"

"Aba! Hoy wala akong ---"

" You two. Shut up." Napatigil naman kami dahil sa pagsasalita ni Hiro. Napailing nalang sina Akemi dahil sa amin. Tse!

"Pero bakit andito pa rin kayo?" Tanong ni Riye. Nagkibit-balikat lang sila at sabay-sabay na nagsalita.

" Ewan."

" Walang magawa sa dorm."

"Boring."

I rolled my eyes at their answers habang sina Akemi naman ay bahagyang natawa sa iniasta ng tatlo. Ang gagaling ng mga sagot nila. Sobra!

" Eh ano na ang gagawin natin ngayon ?" Tanong ni Akemi sa amin ni Riye at mukhang nag-iisip nga kung ano ang magandang gawin.

"Let's have a picnic!" Suggestion ni Riye. Napatingin naman kaming lahat sa kanya.

"Why a picnic?" Tanong ni Reiji.

"We never really had the chance to go on one since we've been really busy. So why not grab the chance and do it now?"

Sabagay, tama naman siya. We've been so busy with our classes and solving cases na simpleng picnic hindi na namin naranasan.

"You know what? That's a great idea Riye. Pumunta muna tayo sa plaza at bumili ng mga kakailanganin natin." Tumango kami ni Riye sa sinabi ni Akemi at aakmang aalis na nang biglang hinatak ni Hiro si Akemi dahilan para mapatigil kami. Aba. Iba na ito ha?

Erityian One-Shots and Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon